- How to Plot

481 16 1
                                        

PLOT

Bago mag umpisa, gusto muna namin kayong turuan kung ano dalawang klase ng manunulat :

1. The Gardener.

Ito ay ang mga manunulat na pinaplano ang bawat hakbang ng kwento. Bawat scene, dialogue, ending at kung ano pang mga churva. Katulad ng gardener, pinagpaplanuhan kung saan tatanim, kailan itatanim at ano ang itatanim. 

2. The Harvester.

Ito ang kabaliktaran ng gardener. Alam niyo na, sulat lang ng sulat tapos di na namamalayan na ang haba na pala ng isinulat. Oo maraming writer na katulad nito. Pero lahat ng naging harvester ay kadalasan di nila matapos ang kwento kasi nga wala ng maisip. May ibang writer din na sobrang successful kahit ganito ang paraan nila. Katulad ni George R.R. Martin. Ang manunulat na nagdala satin ng game of thrones. Hanggang ngayon di pa rin niya tapos ang kwento.. 

Saan ka sa dalawa? yung una o pangalawa. Kung pangalawa ka pala. No need to read this. Nagsasayang ka lang ng oras. Pero kung gusto mo parin Wala akong choice. Hahahaha So anyways ito na.

HOW TO PLOT A STORY

1. Gather Ideas, topics, or anything.

Nakaisip ka ng ending pero wala ka pang karakter? Go isulat mo. Nakaisip ka na ng dialogue kahit wala pang kwento? Go, ilista mo. Every idea na pumapasok sa utak mo. Isulat mo sa isang papel o notebook mo. It's better to be prepared than to have nothing.

2. Solve the puzzle of ideas.

Sapat na ba ang ideas? Umpisahan mo nang ipagdugtong ang bawat ideya mo. Wag matakot na may idea kang itatapon. Dahil part iyon. Hindi lahat ng isinulat mo ay magiging parte ng kuwento. Pwede mo pang idagdag ang ibang ideya sa maiisip mo pang kwento. 

3. Plan how the story flow.

If napagdugtong mo na, umpisahan mo nang mag-isip. Isipin mo na kung ano ang magiging conflict ng story. Pag nakaisip ka na umpisahan mo nang isulat ang intro, climax, at ending.

Sa Intro, dito mo ipapakilala ang karakter, or ang problema.

Sa Climax, ito ang pinaka-thrilling part ng story. Dito makikita ang mga intense scenes, mga sampalan o kung sa horror di mo makikita ang saniban. May ibang kuwento na una ang climax, bago ang intro. Pero mga hayop na manunulat lamang ang makakagawa nun.

Sa Ending naman, dito mo makikita ang katapusan ng story. Nasolusyunan ba nila ang problema? Paano? Dyan mo makikita ang ending. Paano po kung may twist ang story ko? Lahat po ng twist ay isang panibagong kuwento. May twist ka sa ending? Lagyan mo na ulit ng intro at bagong conflict. Kumbaga, pag may twist ang kwento. Isang plot na naman ang gagawin mo.

HOW TO PLOT A STORY PT. 2

1. Unang-una, alamin mo muna kung ano 'yong isusulat mong akda.

Develop your ideas, brainstorming kung baga. Kailangan mo munang ma-finalize yung gist o core n'ong kuwento mo, para alam mo kung anong plot ang magandang gawin.

2. Ikalawa, identify your characters.

Ano bang tungkulin nila d'on sa kuwento? Sino ba 'yong main character/s mo? Paano ba sila gagalaw d'on sa mundong ginawa o gagawin mo pa lang? Just the basics para alam mo kung paano mo sila idedevelop.

3. Ikatlo, outline your story.

Dapat may flow yung pagsusulat mo, hindi puwede pucho-pucho lang, tapos kapag naisip mo na 'yong plot tsaka mo isasangat bigla. Kapag may flow 'yong story mo, mas magiging maayos 'yong execution ng bawat scene/s.

4. Ikaapat, identify the conflict in your story.

Internal conflict ba 'yan o external conflict. Kasi 'yong kahaharaping conflict ng main character mo ang magbibigay nang malaking pagbabago d'on sa story mo; na siyang magbibigay din nang gulat sa mga mambabasa mo. 'Yan 'yong tinatawag nating plot twist. At 'yong conflict na 'yon should be developed sa simula pa lang n'ong kuwento. 'Yon kasi ang magbibigay nang intensity sa kuwento mo, na siyang panghahawakan ng mga mambabasa mo, until ma-reach nila 'yong climax at falling action/resolution n'ong conflict na 'yon.

 'Yon kasi ang magbibigay nang intensity sa kuwento mo, na siyang panghahawakan ng mga mambabasa mo, until ma-reach nila 'yong climax at falling action/resolution n'ong conflict na 'yon

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Sana may natutunan kayo!
Leave a comment or a small feedback will do!

How to Write 101Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang