- Things NOT TO DO when Writing a Fanfic

267 8 0
                                        

Things NOT TO DO when Writing a Fanfiction
Tips by: happyjendeukie

Magandang araw sa inyong lahat! Ngayon ay ituturo ko sa inyo kung aling ang mga hindi dapat gawin kapag magsusulat ng Fanfiction Story.

I. NO PLAGIARISM

Ang pinakauna at ang pinaka-importante sa lahat. Huwag na huwag tayong mangongopya ng kwento mula sa ibang manunulat. They worked hard for it at pwede ka pang makasuhan dahil sa PLAGIARISM.

II. Sobrang Pagdetalye

Boring basahin ang isang kwento kung masyado itong detalyado. Dapat sakto lang, walang labis at walang kulang. Hindi natin dapat dinedescribe lahat ng masyado tulad ng pagdedescribe sa damit, lugar, bagay etc.

Hahaba lalo ang mga paragraph mo at maaring mawala sa topic ng storya ang isinusulat mo dahil sa labis na pagdedescribe. Nangyari na din sa akin ito. :)

III. Sobrang paglalagay ng Punctuation Marks

“Ahh!!!!! May killer sa kusina!!!! Tulong!! Jasmine nasaan ka na?? Jasmine.......” This is only my opinion ha? For me kasi ang sakit sa mata/napapangitan ako kapag nasosobrahan sa punctuation marks yung isang dialogue or paragraph.

Pwede nyo namang gawin ito, “Ahh! May killer sa kusina! Tulong! Jasmine nasaan ka na? Jasmine...” oh diba hindi sya masyadong exaggerated genern hahaha!

IV. Common Endings

Madalas happy ending ang isang storya and I admit na lahat ng story ko ay puro happy endings but happy endings is very common. Pwede mong gawin na sad ending ang story mo and pwede din naman na lituhin mo ang readers mo, yung akala nila sad ang ending pero hindi pala.

Parang yung pagmamahal nya sayo, akala mo totoo pero hindi pala charot! Pwede ka namang magsulat ng happy ending pero wag yung masyadong common na happy endings lagyan mo ng twist genern! Add some sparkles hahaha!

V. AVOID CLICHÉ XD

May dalawang meaning ang clishé yung isa yung expression, idea or element na nao-overused natin to the point na nawawala na yung orihinal na meaning non and nakakairita na sya. Yung pangalawa naman is yung actions or events na masyado ng predictable dahil sa mga naunang events.

Iwasan natin na magkaganon ang story dahil maaring pumanget ang story natin and masira yung story or chapter na yon. So say no to cliché hahahaha! But hindi ko naman sinasabi na walang ganon ang stories ko siguro may ganon ang mga stories ko and pwede naman nating iedit ang mga stories natin.

VI. Masyadong extented or sobra

Kailangan mong malaman kung alin yung dapat na nasa storya/chapter at kung alin ang hindi kasama.

Pwede kasi itong magcause ng pagkalito ng mga readers dahil baka halo halo ang mga explanations ng mga pangyayari and pwede din nitong masira ang story mo.

So that's all guys! Sana may mga natutunan kayo sa akin and continue to improve your writing skills! Just continue writing mga besh!

So that's all guys! Sana may mga natutunan kayo sa akin and continue to improve your writing skills! Just continue writing mga besh!

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Sana may natutunan kayo!
Leave a comment or a small feedback will do!

How to Write 101Donde viven las historias. Descúbrelo ahora