Chapter 41.2 [Past and Future]

Start from the beginning
                                    

"Inggit akooo. Gwapo pala talaga nung fiance mo!" --girl 2

"Sabi ko naman sa inyo eh!" --girl 3

"Hihihi. Kurt oppa is handsome, right?" Sabi ni Janice sabay hawak sa braso ni Janice. Ngumiti naman si Kurt sa kanya.

Shoot.

Pakiramdam ko...

"Ay, sino yung girl?" narinig kong bulungan nung mga kaibigan ni Janice.

I feel like a freaking third wheel.

Pakiramdam ako kontrabida ako sa storya nila. Pakiramdam ko panira ako.

Pagtapos nung mga nangyari kaninang umaga, yung mga pinag-usapan namin ngayon ngayon lang... Babalik din kami sa katotohanan eh.

Tapos na kami. Pinili ni Kurt na matapos kami. At sa lahat, sa tingin ng lahat... sila ni Janice.

Takte, e di ano ako?!

Kabit? Desperadang ex-girlfriend?

Nakakainis. Nakakafrustrate.

Gusto kong umiyak, gusto kong magwala.

Pero iiyak na naman ako? Pagod na kong umiyak at maging mahina.

Tumayo ako at ngumiti. "Janice."

"A-ate Yumi.." --Janice.

"Mauna na ko ha?" ngumiti ako ulit bago tumalikod at naglakad palayo ng hindi tumitingin sa kahit sino.

* * *

"Miss, bawal umiyak." Agad kong pinunasan yung mga luha ko at napatingin sa nagsalita.

Si Kyle..

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Nasa may seaside part ako ng MOA. Nakaupo dun sa isa sa mga bench na nakatapat sa dagat.

"Magaling kasi ako, nabalitaan ko kailangan mo daw ng maiiyakan kaya nandito ako agad. Galing, di ba?" Nakangisi sabi ni Kyle.

"Weh Kyle! haha." Pinalo ko siya tapos umupo siya sa tabi ko din sa bench. "Bakit kung saan saan ka na din nasulpot ngayon? Nagiging kabute ka na din ah."

"Kabute ka dyan? Ayoko nun. Yun yung tawag mo kay Kurt eh." Napatigil ako. Oo nga naman.

"E di ano ka pala?"

 

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Where stories live. Discover now