“Natural lang yun. Ikaw pa na first time mong magkakaanak. Siguro natatakot ka noh.”

            Tumango si Emy, “Naiisip ko lang po kasi yung magiging future ng pamilya namin ni Nathan. Ang aga naming nagsama, ni hindi nga kami sure kung na-enjoy namin yung kabataan namin eh. Hindi ko rin masukat yung maturity namin. Mahal naman ang isa’t isa pero may mga times na sobra kaming mag-away. Nang, kayanin kaya naming ang magkaroon ng pamilya?”

            “Emy… ang maturity hindi basta sumisibol yan kapag nagkaanak ka at nag-asawa ka. Isa yang proseso, unti-unting nangyayari sa buhay mo. Yung iba nga riyan, may apo’t na at lahat, immature pa rin.”

            “Naisip ko lang po kasi Nang, hindi kaya ngayon lang kami  masaya ni Nathan. Ngayong mga bata pa kami at excited sa baby. Ngayong nakatira pa kami dito sa bahay na ito at nakasandal pa sa parents niya. Paano na kapag dumating na ang panahon na may problema na? Hindi kaya parehas lang naming sikuan ang isa’t isa?”

            Tinapik ni Rosa ang balikat ng anak, “Wag mo ngang isipin yan. Nakakadagdag pa yan sa stress mo eh. Tandaan mo ang sabi ng OB mo bawal ang ma-stress ang buntis. Relax lang anak. Sa tingin ko naman, hindi ka iiwan ni Nathan.”

            Ngumiti si Emy at inihilig ang ulo sa kanyang ina, “Nang, malapit na akong maging katulad niyo… isang dakilang ina.”

            Christmas Eve.

            “Emy, halika na. naghihintay na sila sa baba.” Anyaya ni Nathan ng katukin nito ang asawa sa kanilang kuwarto upang sabay-sabay silang magsimba.

            “Emy? Ano ba? Naghihintay na sila sa baba.”

            Hindi makapagsalita si Emy. Nanatili siyang nakahawak sa kanyang tiyan.

            ‘Emy ano bang…” napansin ni Nathan na umiiyak ang kanyang asawa, “Anong nararamdaman mo?”

            “N-Nathan… I think ito na… manganganak na yata ako!”

            Patakbong buhat-buhat ni Nathan si Emy at inilapag sa kama na iyon ng hospital. Hawak-hawak ang kanyang kamay ay isinugod nila si Emy papasok ng ER sa hospital nay un, “Relax okey. Relax Emy. Andito lang ako.”

            Wala ng choice si Nathan kundi bitawan ang asawa nang dumating ang doctor at ipinasok na si Emy sa loob ng ER.

            Panay ang lakad ni Nathan sa lobby ng ER. Halatang balisang-balisa ito mga nangyayari sa loob ng ER.

            “Hindi pa talaga ako pwedeng pumasok sa loob?” ang tanong niya sa kanyang ama, “Asawa’t anak ko naman yun ah.”

            “Kuya, sumunod ka na lang sa hospital’s policy, okey.” Ang sabi ni Myleen.

            Tinignan ni Nathan ang orasan ng hospital ilang minuto na lang ay mag-aalas dose na. which means magpapasko na!

            “Mukhang sasabayan pa yata ng baby niyo ang araw ng kapanganakan ni Cristo.” Ang sabi ni Rosa.

            “Its like Mary and Joseph,  the Nativity thing.” Ang sabi ni Myleen.

            “Kain po muna kayo…” anyaya ng isang nurse don na mukhang nagchristmas party sa kanilang pwesto.

            “No thanks.” Ang sabi ni Nathan.

            “Countdown na.” sabi ng isang nurse.

            “ 10… 9 …. 8 …. 7…. 6 …. 5 …. 4 …. 3 …. 2 …. 1!”

            “Merry Christmas!”

            Kasabay ng pagbating iyon ay narinig nila ang isang malakas na sigaw ng bata sa loob ng ER.

            “Oh my!” ang sabi ni Myleen, “He was born at exactly 12! Its as Christmas baby kuya!”

            Napaluhod si Nathan sa labis na katuwaan nang marinig ang iyak na iyon. Iyon ang iyak ng kanyang anak, ng kanyang Angelo, ang mag-uumpisa ng kanyang sariling pamilya kasama si EMy.

            Dahan-dahang nagmulat ng mata si Emy nang marinig ang iba’t ibang boses sa loob ng ward niya. Unang sumalubong sa kanya ang mukha ni Nathan na nakangiti sa kanya, “Nathan…”

            “Are you okey?”

            At tumango siya. “ Baby natin?”

            “The doctor said he’s fine. Kailangan lang daw nilang obserbahan ang bata sa nursery.”

            “Anong itsura niya?”

            “Like I told you before… kamukha ko.”

            Napangiti si Emy, “Guwapo.”

            At tumango si Nathan.

            “Excuse me po.” Lumingon ang lahat ng nasa loob ng ward na iyon nang pumasok ang doctor, “Nathan, pwede ba kitang makausap? In private sana…”

            “Emy, the doctor wants to talk to me. Magpahinga ka muna riyan ha.”

            At tumango si Emy.

            Pumasok sa clinic ng doctor si Nathan at kanyang senator, “What’s it doc?”

            “Am… tatapatin ko na kayo, about the condition of the baby…”

NINE MONTHSحيث تعيش القصص. اكتشف الآن