"Good morning po mommy" sabay halik sa pisnge ng nanay ni Loisa.

"Tumawag mama mo, mas mapapaaga pala ang punta nila dito."

"Mabuti naman po kung ganun." Sabi ko kay mommy habang naghahanda ng hapag kainan.

"Maayos ba ang tulog mo? Hindi ka ba namamahay?" tanong ni mommy sa akin.

Tumango ako sa kanya. "Maayos naman po. Pero kagabi. Si Loisa."

Napatigil si Mommy sa kanyang pagluluto.

"Tinabihan ako..." kahit hindi ko ipagpatuloy ang sasabihin ko, alam ko naunawaan na ako ni mommy. Kitang kita ko ang pag-aalala ni mommy sa sinabi ko. Naputol ang usapan namin ni Mommy ng bumaba si Loisa. Sabay sabay kami nag almusal at pagkatapos hinatid kami ni Mommy sa eskwelahan.

** ** **

Tapos na ang klase ko samantalang si Loisa ay may PE class pa. Usapan naming hihintayin ko sya sa may park sa tapat ng simbahan.

"Lagi ka na lang nag iisa dito. Sino hinihintay mo?" bungad ni Fourth sa akin ng nakita nya ako.

"Bestfriend ko" sagot ko kay Fourth. Umupo si Fourth sa tabi ko.

"Bestfriend talaga?" sabay dukot ng candies sa bulsa nya. "gusto mo?" alok nito sa akin.

Tumanggi ako.

"Matagal na?" tanong nito.

"Uhmm. 10 years?"

"Wow! Matagal na nga" tumayo si Fourth. "tara?"

Kitang kita panigurado sa mukha ko ang pagtataka.

"Tara saan?"

"I-tour kita dito sa school. Tsaka may organization ka na ba?"

"Hindi pwede, baka dumating si Loisa dito. Tapos hindi nya ako maabutan."

Umupo ulit si Fourth sa tabi ko. "Okay. Hintayin natin yung bestfriend mo."

Napatingin ako sa kanya. At ngumiti lang ito sa akin. Natahimik kaming dalawa. Nakakabingi ang katahimikan. Ang awkward. Di naman kasi ako magaling makipagkaibigan. Wala din akong maopen na topic sa kanya.. talagang nag-iisip ako ng pwedeng pag usapan.

"Uhmm. Required ba talaga sumali sa mga organization?" tanong ko kay Fourth.

Tumango ito sabay subo ng isang candy.

"Saang org ka member?"

"Art, culinary, photog, resonata" sagot nito.

"Resonata? Music?"

"kumakanta ka?" tanong ni Fourth sa akin.

"Uhmm. Hindi. Hindi."

"Siguro kumakanta ka. Matanong nga si Kuya Daniel." Nilabas nya ang phone nya

"Wag! Nakakahiya!"

"MARIS!" sigaw ni Loisa. Kahit malayo palang ito.

"Loi!" kumaway ako sa kanya. Dali dali itong lumapit sa akin.

"Loisa, si Fourth pala. Yung pinsan ni Sir Daniel. Fourth, si Loisa. Bestfriend ko" ngumiti si Fourth kay Loisa. Pero parang badtrip si Loisa.

"Uwi na tayo." Sabi ni Loisa na parang di narinig ang pagpapakilala ko kay Fourth. Medyo naawkwardan ako sa pangyayari. Hindi ko alam kung ako mahihiya para kay Loisa. O si Fourth ang napahiya dahil sa pagsnob ni Loisa.

"Uhm. Sige Fourth. Una na kami" nag aalinlangan kong sinabi kay Fourth.

"Sige, sige. Ingat kayo. Maris, Sali ka sa Resonata. Tapos may singing contest din ang campus next month, sagot kita"

"Hind sasali si Maris" sagot ni Loisa. "sige bye na" sabay hila sa akin.

Hala! Ano ba yan. Ako ang nahiya para kay Fourth. Kumaway na lang ako dito pra magbabye.

******

Kinabukasan, nagkita kami ni Fourth sa Literature Class. Tinabihan ako nito at medyo naawkwardan ako dahil sa nangyari kahapon.

"Kinausap ko si Kuya Daniel. And sinabi nyang sobrang ganda daw ng boses mo. Idol ka nga daw nya eh"

Napanganga ako. Grabe kinilig ako dun. Pinuri ako ni sir Daniel!

"Sabi ni Kuya Daniel. Isali daw kita sa singing contest." Sabay kindat ni Fourth.

"Ha!? uhmm. Hindi hindi. Di ko kaya" sagot ko kay Fourth.

"Well, it's too late. Kasi naipalista na kita." Sabay pakita ng application form para sumali sa singing contest.

"Ha!? Bakit mo yun ginawa!??" kinuha ko ang application form sa kanya.

"Duplicate lang yan."

Hindi ako makaimik. At tensyonado ang buong katawan ko.

"Huy, Maris? Okay ka lang? galit ka ba?" pangamba ni Fourth. " Sorry. Kasi sabi ni kuya Daniel pilitin daw kita. Sorry?"

Grabe speechless talaga ako nung moment na yon.

"Maris? Sorry na"

"Di, okay lang. pero kasi di ko pa natry magsolo." Sagot ko kay Fourth.

"Sorry. Bad shot naman agad ako sayo. Sige, sige. Babawiin ko na lang yong application mo."

"Hindi. Uhmm. Si Sir Daniel naman nagsabi sayo. Uhmmm. Tulungan mo nalang ako?"

Nagliwanag ang mukha ni Fourth at kitang kita yung dimples sa pag ngiti nya.

"Oo naman!"

******

*Insert the Call https://www.youtube.com/watch?v=oNsQewlFtEs

"ANO!? SUMALI KA SA SINGING CONTEST!?" gulat na tanong ni Loisa habang kami'y patulog na.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?"

"Ano ba yan! Bakit ka nagdesisyon ng di kumukonsulta?"

"Ano? Si Fourth na naman kasama mo? "

Paano pag napahamak ka na naman!?" Sunod sunod na bulyaw ni Loisa sa akin.

Ilang taon na kaming magkaibigan pero parang ito ang unang beses na nagalit sya sa akin ng ganito.

"Loisa, singing contest lang naman yun"

"Ngayon singing contest. Ano susunod? Loren naman!" Napatigil bigla si Loisa.

"Loisa. Si Maris ako. Si Maris to. Hindi ako si Loren." Mangiyak-ngiyak kong sinabi kay Loisa.

"Maris... sorry"

Tumango lang ako. Hindi na ako makapagsalita sa pag iyak. Yayakapin sana ako ni Loisa. Pero umiwas ako at humiga na ako sa aking kama. Umupo si Loisa sa kama at pinapatahan ako sa aking pag iyak. Pero lalo akong naiiyak..

"Sorry Maris..." hinalikan ako ni Loisa sa may ulo tanda na pinatutulog na nya ako.

******

Ang sakit sa pakiramdam. Bakit ganon? Alam ko namang mahal ako ni Loisa. Pero iba yung pakiramdam na parang pakiramdam ko nagtatago ako sa likod ng anino ni Loren. Yung pagiging ate ni Loisa. Yung pagiging over protective nya sa akin. Mga bilin. Mga yakap at halik. Mga payo. Pagsuklay ng buhok ko. paghawak ng kamay ko... ako ba talaga bilang Maris ang iniisip nya? O si Loren ba ang iniimagine nyang kasama nya? Ang sakit sa puso. Ayoko ng ganitong feeling. Ayoko mag isip. Dahil masakit.. masakit isipin na hindi pala para sa akin yung pagmamahal na 'yon.

Into The BlueWhere stories live. Discover now