Chapter Two: Linat-ang Baboy

15.3K 504 13
                                    


"Oh my god! This is so good!" Madramang sabi ni Irene habang humihigop ng mainit na sabaw ng Linat-ang Baboy na niluto ni Sam.

"I know, right?" Tumatawang sagot ni Sam.

"At etong piniritong galunggong? I'd choose this over fried chicken, any time."

"It's not that bad," mahinang sabi ni Abbie habang tinatanggalan ng buto ang kinakaing isda.

"What are you talking about, Abbie?" Tila na-offend na tanong ni Irene. "Ang sarap kaya nitong mga niluto ng ate mo."

Ngumiti lamang si Sam habang nakatingin sa nakababatang kapatid. Alam niyang hindi ito nagrereklamo sa inihanda niya.

"Alam kong masarap pero minsan na nga lang siyang dumadalaw dito sa amin tapos ganito lang ang niluluto niya." Paliwanag ni Abbie.

"Anong 'lang' ang ibig mong sabihin, ha?" Tumaas na ang kilay ni Irene sa sinabi ni Abbie. "Luto ito ng ate mo tapos ni-la-lang mo lang?"

"Kailangan pa kita naging abogado?" Natatawang sabi ni Sam kay Irene.

"Itong kapatid mo kasi."

"Sinabi ko bang hindi masarap? I mean, it's just ordinary. Mommy can make it anytime," sagot ni Abbie. She then rolled her eyes at Irene.

"Aba! Tingnan mo nga 'tong batang 'to!"

"She rarely visits us ever since she got married. And now that she's here, piniritong isda at linat-ang baboy lang ang lulutuin niya? She's an international chef, for god's sake. She could've cooked us steak, baby back ribs or beef wellington."

Sa halip na magalit ay natawa lang si Sam. Alam niya kasi kung bakit nagkakaganito ang kapatid niya.

"Aba! How ungrateful!" Hindi makapaniwalang sabi ni Irene habang nakatitig kay Abbie.

"I'm just saying," sagot ni Abbie habang ngumunguya.

"Ang kapatid mo ang nagluto at naghanda ng pagkain. Kung gusto niyang magluto ng tuyo or lobster, wala na tayong pakialam. Kakain lang naman tayo, di ba?"

Nagkibit-balikat lang si Abbie.

"Hindi mo ba naisip na baka naglilihi ang kapatid mo kaya ito ang inihanda niya?"

"Naglilihi?" Nagulat si Abbie sa sinabi ni Irene. Mabilis itong napatingin sa nakatatandang kapatid.

Umiling naman si Sam nang makita ang gulat na mukha ng kapatid.

"Are you pregnant?"

Sam opened her mouth to answer pero biglang pumasok ang mommy nila.

"Who's pregnant?" Tanong ni Sylvia habang papalapit sa kanila.

"No—"

"Sino pa bang puwedeng mabuntis dito? Who just got home from her honeymoon? Who's sexually active? Well, not me! Are you sexually active?" Tanong ni Irene kay Abbie.

"Eww. Gross!" Abbie rolled her eyes.

"Sam? Are you pregnant?" Tanong ni Sylvia sa anak nang marating nito ang dining table. Naupo ito sa tabi ni Sam.

"No. I'm not pregnant," umiiling niyang sagot.

"No, I guess not. You're only married for a few weeks," sabi ni Sylvia at naglagay ng pagkain sa pinggan.

"But if you it like many times in a day the way Sam and Adrian—"

"Irene!" Putol ni Sam sa sasabihin pa sana ni Irene.

Married To The President's SonWhere stories live. Discover now