Chapter Twenty: Baby Back Ribs

6.2K 239 55
                                    

Raw and unedited. 



"Adrian, you should eat. Kahit konti lang," paulit-ulit na sabi ni Irene kay Adrian.

Hindi sumagot si Adrian. Nanatiling siyang nakatingin kay Sam na nakahiga sa hospital bed. Maraming tubo ang nakakabit sa asawa. Hawak niya ang kamay nito habang tahimik na nagdarasal na sana ay magising na ito.

Nasa loob sila ng ICU. Binabantayan ni Adrian si Sam habang si Irene naman ay kinukumbinsi siyang kumain ng hapunan.

How can he eat when Sam is fighting for her life?

"Tita Sylvia brought some food from the...surprise party."

"I am not hungry." Umiiling na sabi ni Adrian. Kanina pa lang niya nalaman ang tungkol sa surprise party ni Sam para sa kanya. Lalo lang sumasama ang loob niya.

Napailing si Irene. Hindi nito alam kung anong sasabihin kay Adrian.

"Nasa labas ang mama mo. Gusto ka niyang makausap."

"I want to be with my wife," sagot ni Adrian. Hindi man lang siya tumingin kay Irene.

Napatingin si Irene sa kaibigan. Kung hindi dahil sa mga tubes sa katawan nito nakakabit ay para lang itong natutulog. Si Adrian naman ay hindi pa nakapag-bihis mula pagdating nito mula sa biyahe. He looks exhausted.

"Alam kong pagod ka mula sa biyahe. Alam ko rin na ayaw mong iwan si Sam. But please take care of yourself."

Napatingin si Adrian kay Irene. Alam niyang concerned ito sa kanya pero hindi niya kayang iwan si Sam. Not again. Not ever.

"Kausapin mo ang mama mo, please? Kanina pa niya ako kinukulit. Hinihintay ka niya sa kabilang kwarto."

"Ayokong iwan si Sam dito," umiiling na sagot ni Adrian.

"Ako na muna ang magbabantay sa kanya," mabilis na sagot ni Irene.

Nagdalawang-isip si Adrian. Muli siyang napatitig sa asawa. Sinisisi niya ang sarili. It's his fault why Sam is in a coma. Sana ay hindi na lang siya umalis. He shouldn't have left her on her own.

Lumapit si Irene kay Adrian. Tila alam nito ang kanyang iniisip.

"It's not your fault, Adrian."

"Hindi ko na lang sana siya iniwan."

"But you have to. Kailangan mong magtrabaho. Para rin naman sa inyong dalawa ni Sam ang ginawa mo kaya't huwag mong sisihin ang sarili mo. Just don't lose hope. Alam kong matapang si Sam. She will wake up soon."

Hindi sumagot si Adrian. He gently squeezed Sam's hand but there was no reaction from her. Napabuntong-hininga siya. Irene is right.

"Kausapin mo na ang mama mo. Nag-aalala rin siya sa'yo."

"Okay," mahinang sagot ni Adrian. Binitawan niya ang kamay ni Sam at tumayo.

"I won't take my eyes off her, Adrian. Promise." Sabi ni Irene sa kanya.

Tumango lang siya. "Thanks."

Tiningnan niya muna si Sam bago lumabas ng ICU. Pagkapasok niya sa kabilang kwarto ay sinalubong siya ng kanyang mama.

"Oh, Adrian!" Sabi ni Aurora sabay yakap ng mahigpit sa anak.

"Adrian, pare. I came as soon as I could."

Napatingin si Adrian sa nagsalita. Hindi niya alam na nandito rin pala si Jack. Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa kanyang mama at nilapitan ang kaibigan.

Married To The President's SonWhere stories live. Discover now