Chapter Twenty-Nine: Lasagna

5K 189 18
                                    


"Sigurado ka bang okay ka lang?" Natatawang tanong ni Sam sa namumutlang si Adrian.

Kanina pa sila sa loob ng sasakyan. Kinakabahan si Adrian at ayaw nitong bumaba.

"Are you sure this is a good idea, babe?" Tanong ni Adrian at napatingin sa labas ng bintana. "Bumalik na lang kaya tayo sa ibang araw."

"Babe naman. Nagluto pa ako ng lasagna. Ang dami pa naman nito. At isa pa, ideya mo 'to, di ba? Sabi mo, we need to talk to Hazel. To thank her. To apologize to her."

Humugot ng malalim na hininga si Adrian. Sa labas ng bintana ay nakikita niya ang bahay ni Hazel. Pagkatapos ay tinitigan niya si Sam.

"What? May dumi ba ang mukha ko?" Nakangiting tanong ni Sam.

"I'm just so happy you're back."

Sam rolled her eyes. It has been a week since she woke up from a coma. Naging sobrang sweet sa kanya ni Adrian. Hindi ito umaalis sa tabi niya. Hindi nito nakakalimutang ipadama ang pagmamahal nito sa kanya.

"Thanks to Hazel and Irene," nakangiting sagot ni Sam. Ikinuwento kasi ni Adrian sa kanya ang buong nangyari. "Ano na? Bumaba na tayo ng sasakyan at nang—"

Hindi naituloy ni Sam ang sasabihin dahil siniil siya ng halik ni Adrian. Pumikit siya at ginantihan ang maalab na halik ng asawa. They were both breathless after their kiss.

"Let's go for another honeymoon. Let's go to Switzerland, Iceland or Norway." Bulong ni Adrian. He started kissing Sam's neck.

"Switzerland? Iceland? Norway? Those places are cold this time of year."

"Oo, para hindi na natin kailangang lumabas ng kwarto."

Tumawa si Sam at bahagyang itinulak ang asawa.

"Tell me you'll think about it. Our second honeymoon."

"Sure. Pero bago muna natin pag-usapan ang honeymoon, bumaba muna tayo at nang makausap natin si Hazel."

Adrian groaned. "Nakakahiya kasi."

"Ba't ka naman mahihiya?"

"Kasi nga pinagpalit ko siya kay Roxy."

"Hindi mo naman kasalanan na niloko ka ni Roxy."

"Isa pa 'yan. Nakakahiya rin 'yung panloloko sa akin ni Roxy noon. I feel so stupid."

"Hindi mo naman kasalanan 'yun, di ba? Roxy manipulated you."

"At yung restraining order pa."

Hinawakan ng dalawang kamay ni Sam ang mukha ni Adrian.

"Man up and accept everything. Everybody knows you were a playboy before."

"Ugh! Fine!" pagbibito ni Adrian.

Tumawa si Sam. Nauna na niyang binuksan ang pinto at bumaba. Sumunod naman sa kanya si Adrian. Magkahawak-kamay sila habang naglalakad patungo sa pintuan ng bahay ni Hazel.

"Ready?" Tanong ni Sam nang nasa harap na sila ng pintuan.

Humugot ng malalim na hininga si Adrian. Pagkatapos ay itinaas ang kamay at kumatok. Tinitigan ni Sam ang asawa. Hindi nga ito nagbibiro. Kinakabahan ito.

Lumipas ang ilang segundo ay nakatayo pa rin sila sa harap ng pinto. Hindi pa rin sila pinagbubuksan. Muling kumatok si Adrian. Wala pa rin.

Nagkatitigan ang dalawa. Hindi sila nagsasalita pero nag-uusap ang kanilang mga mata. May tao kaya sa loob?

Married To The President's SonWhere stories live. Discover now