031

1.1K 25 1
                                    

"Girls! We're here!"

dahan dahan napangiti si Deanna dahil sa iisang tao at iyon ay dahil sa coach nya. Agad syang sumilip sa labas pero napakunot noo nya ng makita nyang parang nasa isang gubat sila kaya agad agad silang nag unahan bumaba at isa isa ng nag reklamo dahil sa lugar kung nasaan sila. "nako teka lang wag nyong husgahan tong lugar nato dahil sobrang ganda dito" Sabi ni kowcho sakanila dahil napuntahan na nila ito dati pa.

"oh narinig nyo si coach kaya hala tara na" Sabi ni Aly at akmang maglakakad ng marealize nya na hindi nila alam ang daan kaya nagtawanan ang lahat dahil sa inakto nya. "Nako Alyssa hindi kaparin nag babago ano" Sabi ng coach na kasama nila kaya nahiyang ngumiti si Aly sa sinabi nito at lihim na napangiti rin si Dennise dahil sa nakikita nya.

"Tara na mga ate" Maktol ni Bea kaya napatingin lahat sakanya na inaantok pa kaya natawa ang iba samantalang kinuyog nila jaycel ito para gisingin.

"babeee!! Hellllp" sigaw nito pero hindi pinansin ni Jhoana at agad na lumapit kila Maddie at natatawang naglakad papalayo sakanya.

"love, tara na" sabi ni Alyssa habang nakaabang ang kamay nito nakangiting hahawakan ni Dennise ang kamay ni Aly ng biglang may humawi sakanya at hinila sya papasok. "Besh Aly mamaya na ang landian sakin muna si Besh Den!" Sigaw nito habang sinusundan ang iba papasok sa gubat at imbis na mainis si Alyssa ay hindi nya napigilan na umiling habang nakangiti.

"Oh tara na" Sabi na lang nito sa mga naiwan ka sama sya. "Bb!" Bigla nakakuha ng atensyon ang babaeng sumigaw na ito at bago pa ito makadaan sa harap ni Alyssa dahil malapit sakanya si Jema ay pinigilan sya nito. "Opps! Wala muna daw landi diba?" Nakangiting pangasar nito kay Deanna kaya agad na napasimangot ang bata sakanya.

"Ji, sama nyo na yang si Jema sa paglalakad" Nakangiting sabi ni Alyssa at matawa-tawang tinignan nila Jia si Deanna habang naglalakad na paalis kasama ang iba. "Da, alam mo daot ka sa pagibig ko" Asar na sabi ni Deanna kay Alyssa.

"Ikaw na bata ka, nandito tayo para sa training at hindi para sa pagibig-pagibig na yan" sermon ni Aly sakanya at tinignan sya ni Deanna na may totoo ba yan look. "tho medyo may landi rin" Birong sabi nito at sabay silang natawa.

"Hoy kayo na mag-ina dyan, tara na!" Sigaw ni Kim sakanila kaya nagkatinginan sila at tumakbo pa palapit sa mga kasama nila.
























"Mga mahal namin na coach" hinihingal na sabi ni Ara dahil kanina 6 nila at sabay sabay silang suminghal dahil sa sinabi ng coach.

"Pareng Oliver, malapit na ba tayo?" tanong ni coach ramil kay kowcho na narinig naman ng lahat dahil tahimik na mga naglalakad dahil sa pagod.

hinihintay nilang sumagot ang kowch ng lady eagles pero bago pa mangyare yon at bigla na lang tong tumigil at ngumiti ng nakakaloko.

"Any seconds makakarating na tayo at alam ko pagod tayong lahat dahil sa layo ng ni lakad natin pero nagagamit nyo on court kung umabot sa 5th set diba sisiw na lang sa inyo yung pagod na yun."

Hindi nila alam kung sasangayon ba sila doon dahil sa pagod na nararamdaman nila pero biglang may tinuro ang coach ng lady eagles at sa wakas nakita nila ang hinahanap nila kanina pa at para bang nabuhayan ang lahat sa nakita nila at agad na nag tatakbo papalapit roon. "shit" bulong ni Deanna dahil sa nakikita ng mga mata nya.

"hindi ko alam na may ganitong lugar pa pala" mangha sabi pa nito.


"okay ladies huddle up" Sigaw ni Coach Oliver sakanila at isa isa silang nag silapitan. "Isang beses ko lang uulitin lahat ng sasabihin ko ngayon kaya please makinig kayo lalo na ang mga team captain" Seryosong sabi ni Coach Oliver kaya seryosong nakikinig ang lahat sakanya.

Fall for youWhere stories live. Discover now