016

4.6K 89 2
                                    

       "You ready?" Napatingin ako kay Ate Aly. Handa na ba ako? We have a game pasok kami sa finals. "I think so, Dada" Bulong ko at nagulat ako ng tinap nya ang balikat ko and there you go Ate Aly being sweet again. I call her Dada kasi I consider her as my other Babba pero hindi yun tawag ko sakanya kasi kay Ate Bei yun.

"You can do it. Just do your best and that's enough" Bulong nya kaya napangiti ako and I'm sure nasabi nya narin to kay Ate bei. "By the way nanunuod ba sila tita?" Ngiti akong tumango she's reffering to my parents my real parents.

"Aly, palabasin mo na sila mag warm-up na" Parehas kaming napatingin ni Ate Aly sa isa sa coaching staff nginitian lang ito ni ate aly at naglakad papunta sa mga teammate ko. "Okay guys! That's enough mag warm-up na let's go" Sabi ni Ate Alyssa at sabay sabay kaming lumabas.

Napangiti ako sa narinig kong hiyawan mula sa mga manunuod then bigla kong naisip kung nanunuod ba si Jema kasi sabi nya last night manunuod sya ng game and after that dinner namin nasundan yun kaya mas naging close at nakilala ko sya.

Hindi naman big deal sa iba kasi alam nilang naging close kami pero hindi parin naman maiiwasan ang tampulan kahit mismo mga teammates ko inaasar kami.

"Hinahanap mo si Mare? Ayun oh" Agad akong tumingin sa direksyon na sinabi ni Ate Bei pero wala naman kaya agad akong tumingin ng masama sakanya at kitang kita kong nagpipigil sya ng tawa kaya imbis na mainis ako ay inalisan ko na lang sya at naki warm up kila Ria.

"Girls! Come here let's pray first" Agad kaming sumunod kay Coach Oliver. Isa-isa namin hinawakan ang kamay ng isa't isa at pumikit kahit pa maingay ang paligid ramdam kong nandito lang sya kaya napangiti. This is all for you God! Thanking you wasn't enough. I'm not just grateful I am Blessed to have you.

"In Jesus name we pray..."

"Amen!" Sabay-sabay namin sabi at ngumiti sa isa't isa. "Guys! I believe in this team and no matter what happen win or lose? I'ts the school we choose!" After Ate Aly said that para bang naboost yung energy ng mga kasama ko kaya napangiti ako pero bigla akong napalingon at hindi ko inaasahan na makikita ko sya.

Para kasing may nagsasabi sakin na lumingon ako mula sa kinatatayuan ko kita kung paano namula ang pisngi nya at ngumiti sakin kaya sinuklian ko to at agad akong nagpaalam saglit kay ate aly napuntahan ko si Jema agad naman akong pinayagan pero may halong pangaasar kaya iling akong lumayo sakanya.

Agad akong lumingon at nginitian si Jema malapit lang naman sya agad akong tumakbo papalapit dito at rinig ko rin kung paano lumakas ang sigaw sa arena.

"Hi!" Bati ko sakanya at ngitian nya lang ako kaya natawa ako at agad ko syang hinalikan sa pisngi. "Sinong sinusupoortahan mo dito?" Birong tanong ko dahil alam kong nahihiya sya.

"S-i KKD!" Natawa ako sa sinabi nya pero agad akong nag kunwareng nagtatampo dahil sa sinabi nya at hindi ako nagkamali dahil bigla nyang kinurot ang pisngi at nginitian ako. "Syempre Ikaw at kayong lahat" Sabi nito kaya natawa ako napalingon ako sa kasama nya at naghi. Si Kring yun dahil close ko naman din sya.

"Ikaw, Kring sinong sinusuportahan mo?" Tanong ko sakanya at nakita ko syang natawa. "Syempre, Ikaw. Crush kita e" Lihim akkng napangiti ng nahuli kung paano sumama ang tingin ni jema sakanya.

"W O N G!" Napatingin ako sa tumawag sakin at si ponggay yun kaya napatango ako sign na susunod na kaya agad akong tumingin sa dalawa at nginitian ko sila.

"Let's meet after game. Wish me luck" Bulong ko kay Jema kaya napatango lang sya. Paalis na sana ako ng marinig kong nagsabi sya ng Goodluck kaya nag-wink ako sakanya at tumakbo pabalik sa pwesto namin.

Fall for youWhere stories live. Discover now