024

4.6K 89 4
                                    

              "Listen, Everyone!" Sabay sabay kaming napatingin kay Coach O dahil sa sigaw nyang yun kaya agad akong lumapit sa bleachers kung nasaan ang towel ko agad ko syang kinuha dahil may kasama syang iba. "Ano kaya yung sasabihin ni Coach?" Napalingon ako kay Babba dahil sa sinabi nya at nagkibit balikat ako dahil I have no Idea kung anong meeting ang magaganap. 

"Tara na" Sabi ni Babba at tinapik ako kaya agad akong sumunod sakanila at nagkukumpulan sila kasama ang ibang rookies. "This is Mr. Raymond Manalili of Motolite ang mag sponsor satin para sa PVL Conference for this coming months"

Wala ni isa ang nagsalita samin dahil sa biglaan sinabi ni Coach O. "Mukang nagulat ang lady eagles" Ngiting sabi ni Mr.Manalili. "Pagpasensyahan mo na dahil ngayon ko lang din kasi sakanila sinabi." Sabi ni Coach O at nilakihan kami ng mata kaya agad naman nagsalita si Ate Maddie dahil sya tinuturing parin namin na Captain Ball. 

"Nice to meet you po" Sabi ni Ate Madds at sinundan tito ni Babba kaya isa isa na kaming nakipag kamay at nakipag kilala sakanya. "Girls, wait for me here." Sabi ni Coach O bago ihatid ang bisita sa labas dahil gusto lang daw kami nito makilala. 

"So, Sasali na tayo sa PVL?" Tanong ni Kat napatingin kami sakanya. 

"Muka nga" Sabi naman ni Ate Madds habang nakangiti ito..."Another way para makapag handa sa susunod na season ng UAAP diba?" Sabi naman ni Babba. 

"and I bet baka kasama sa lineup ang rookies nyan para handa na kayo" Nakangiting sabi ko kaya nagkatinginan sila at para bang kinabahan. "Girls, wag kayong matakot." Nakangiting sabi ni Ate Kim na katabi ang kapatid nya. 

"By the way, Ate Jia and Ate Aly and Ate Fille already joined Coolsmashers team kaya makakaharap natin sila" Nakangiwing sabi ko dahil mga seniors nila ay namin rin pala. "Eh? How did you know?" Sabi bigla ni Babba kaya tinaasan ko sya ng kilay. 

"Secret" Nakangiting sabi ko at agad na nagsalubong ang kilay nya. "Edi mahihirapan pala tayo nyan?" Nakangiwing sabi ni Jaja kapatid ni Ate Jho. 

"Ta, wala ka bang bilib sa agila?" Asar na sabi ko sakanya dahil nga anak anakan ako ng kapatid nya inaasar ko sya lagi ko syang tinatawag na Tita na kinaasar nya. "Hindi lang sila Ate Aly" Napalingon kami kay Ate Mads. "The others seniors? Ate Fille, Ella, Mae,Amy,Jem and even Ate Dzi" Ako naman ang napangiwi dahil sa sinabi ni Ate Mads. I've seen how they play for the past years pero hindi pa namin sila nakakalaban bukod sa sinasama sila minsan ni Coach Tai before nung first year pa lang ako at nandito pa si Ate Aly madalas silang kasama sa training. 

"But still I believe na matatalo nyo sila...na kaya nyo silang lahat" Napalingon ako sa nagsalita and It's Coach O nakangiti ito samin. "Wag kayong panghinaan ng loob. Alam nyo na magaling kayo" Napangiti ako sa sinabi ni Coach O dahil tama sya kailangan namin maniwala sa sarili namin. 

    "Maniwala kayo sa sarili nyo after that maniwala kayo sa bawat isa. Wag kayong papatalo sa takot nyo." Sabi pa ni Coach O at nilibot ko ang tingin ko sakanila at hindi ko maiwasan na humanga sakanila lalo na sa mga rookies dahil kitang kita sa muka nila ang palaban. "Right now we need to train more...train harder for this coming Pvl of course for UAAP" Sabi pa ni Coach at tango tango kami dahil kailangan talaga namin yun. 

"H E A R T S T R O N G !" Sigaw ni Babba kaya medyo nagulat ako pero para bang nabuhayan sila ng loob dahil dun kaya nagsisigaw din sila. "That's a good start" Nakangiting sabi ko dahil nararamdaman ko ng magiging masaya yung pagsali namin sa Pvl. 

      Wait do you mean makakaharap ko ulet si Jema on court? Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa naisip ko pero napasimangot ako agad dahil sa nagdagdagan ang dahil para maging busy kaming dalawa. "Girls, magayos na kayo at bukas may meeting tayo with the sponsor" Nakangiting sabi ni Coach kaya agad kaming tumango at isa isa nang nagayos. 




















Fall for youWhere stories live. Discover now