027

4.4K 97 13
                                    

                "Bbbbbb...."

                "Gising na po..."

                "Hmmm..."

                "Open your eyes na, b."

Imbis na sundin ko sya ay ngumiti ako at umiling habang nakapikit parin. Naramdaman kong tumayo sya at umalis sa kama kaya agad akong napa bangon ng bahagya at dahilan para ikamulat  ko dahil balak pa akong layasan ng Galanza to. "Gotcha" Nakangiting sabi nya kaya napangiti ako at binagsak ko ang sarili ko at umiling. 

"Bangon na po" Ngiting sabi nya at hinawakan ang kamay ko at pilit na hinihila dahil malakas rin sya ay napapaupo ako pero ngumiti ako ng nakakaloko dahil imbis na ako ang hilahin nya ay sya na ang hinila ko ang ending napayakap sya sakin. "Ate Pa--Umm" Sabay kaming napatingin sa pumasok sa kwarto nya kaya dali daling umalis si Jema sakin at tumayo sya kaya natawa ako.

"Kakain na raw...Agang landian nyan te" Asar na sabi ni Mafe kaya pinigilan kong tumawa dahil sobrang namumula ang muka ni Jema kaya tumayo na ako at patakbong pumunta sa Cr para makapag brush na. Paglabas ko ng Cr ay wala na si Jema malamang pinagalitan na nya si Mafe agad akong bumaba at naabutan ko silang nasa dining table na. "Goodmorning, Galanza's!" Ngiting sabi ko sa tatlo. 

"Teka, kasama na ba ako sa Galanza na yan?" Nagulat ako ng may umakbay sakin at si Cy pala ito. "Goodmorning! Balita ko lasing ka raw kagabi? Hindi ba masakit ulo mo?" Nilayo ko yung sarili ko dahil guguluhin nya dapat ang buhok ko. 

Patakbong lumayo ako sakanya at lumapit kay Jema pero simaan nya lang ako ng tingin kaya agad ko syang hinalikan sa pisngi at nginitian. "Kuya Cy, tara na kakain na" Sabi ni Mafe kaya nagsipwesto na kami at sa gitna ng kainan namin biglang may nag doorbell. 

"Ako na" Sabi ni Cy habang ako naglagay ng pagkain sa pinggan ko dahil nagugutom na ako. Wala naman akong hangover ni hindi ko naramdaman na uminom ako kagabi.

"Hindi masakit ulo mo?" Napatingin ako kay Jema at ngiting umiling sakanya.

"Nalasing ba talaga ako kagabi?" Tanong ko sakanya at natatawa syang tumango at kinuha ang mug na nasa gilid nya at binigay sakin.

"Ang kulit ko ba pag lasing?" Tanong ko kasi hindi ko na sya maalala. "Sakto lang" Nakangiti sya na parang nang aasar kaya nahiya ako bigla baka kung ano ano ang pinagsasabi.

Sa susunod hindi na ako iinom ng marami.

"A-h g-uys" Saglit kong tinignan si Cy dahil nakatayo sya at para bang may problema pero hindi ko na lang pinansin at pumikit para magdasal saglit after nun kumain na ako.

Ang weird bakit sila tumahimik kaya inangat ko ang tingin ko binitawan ko ang hawak kong kutsara at tinidor at seryosong tumingin sa bisita nila. "Goodmorning" Nakangiting bati pa nito at nilapag sa mesa ang bitbit nyang ewan.

Pagkain siguro. "F-hen, anong ginagawa mo ulet dito?" Tanong ni Jema at saglit na tinignan ako pero hindi ko binago ekspresyon ko.

Bumuntong hininga ako saka umiling. Ayokong mainis kaya tinignan ko sila Ate Jov at nakatingin rin sila hindi na ako magtataka dahil alam kong kitang kita sa mukha ko ang selos.

"Dinalhan lang kita ng breakfast nyo" Ts. Hindi na kailangan dalhan kasi nagluto sya.

"Mafe, paabot naman ng sinangag" Nakangiting sabi ko sakanya at nagtataka man sya ay binigay nya parin sakin.

Naramdaman kong may humawak sa binti ko kaya agad akong napatingin kay Jema at yung mata nya nagaalala kaya nginitian ko sya. Naiintindihan ko na pero hindi ko parin maiwasan na magselos. Mahal ko sya eh.

Fall for youWhere stories live. Discover now