Nang matapos na nyang maisulat dun ang mga hinanakit niya, napatingin siya sa picture frame niya na nasa tabi ng pintuan. Sa picture na yun ay kasama niya ang Mommy Aria niya. Napansin nyang medyo tabingi ang picture sa loob nun. Kinuha niya iyon at inayos. Dito niya napansin na sinulatan niya rin pala ang likod nito noon.

Sa likod ng larawang ito nakasulat ang birthday wish niya sana ngayong taon, which was, sa susunod na linggo na. Biglang pumasok sa isip niya iyong post card na pinatapon niya kay Cynthia. Naka-indicate kasi don ang exact address ng family niya sa California, Lancaster. Naalala nyang minsan niya itong binalak puntahan upang surpresahin ang mga ito. He missed them so much especially Terrence, his younger brother. Nasa USA din kasi ito at kasalukuyang nag-aaral.

Pagkuwan ay ibinalik na niya ito sa picture frame. Ilang birthdays na nga ba ang nagdaang hindi niya kasama ang mga ito? Labindalawang taon gulang kasi siya noon nang huli nyang makasama ang familiy niya. After that, hindi na naulit sa mga kaarawan niya. Although nauunawaan naman niya ang mga magulang niya dahil abala rin sa kanya-kanyang business ang mga ito.


SA MGA SUMUNOD NA ARAW, walang gabing hindi siya umuuwi ng lasing. Ilang araw na rin syang hindi pumapasok sa company niya.

Kahit ang mga pinsan nyang si Hunter at Ayeza, nag-aalala na sa kanya. Tinatawanan niya lang ang dalawang ito. How would he tell them na babae ang dahilan ng lahat ng ito? Malamang, pagtatawanan lang siya ng mga iyon.

Maybe it's time to give up. Nakita naman na niya kung gaano kasaya si Cynthia sa piling ni Preston. Masaya na rin siya para rito kahit na sobrang sakit ng nararamdaman niya. And he admitted to himself na kasalanan niya rin naman kaya iniwan siya ng dalaga. Iyon ay dahil nagpatalo siya sa ego niya. He found himself crying that night.

Then his birthday came. Sa probinsiya nila sa Dalisay, sa hacienda kung nasaan ang pinaka Villa Montemayor iyon ipinagdiwang. Of course, kahit sa mga ganitong okasyon, hindi nawawala ang mga business matters. Politicians, celebrities and businessmen were invited, especially ang mga Montemayors.

Ewan niya lang itong si Hendrick, saglit lang sumulpot pero nawala rin. Si Hunter naman, kabi-kabila ang autograph signing sa mga fans na invited. Si Ayeza lang talaga ang nanatili sa tabi niya.

"What's up, 'couz? You don't look happy..." sita nito sa kanya.

"May bago ba? Lagi naman ganito tuwing birthday ko, eh..." sabay tungga niya sa hawak nyang kopita.

"Well you shouldn't be." A voice from his back.

Sabay pa silang napalingon ni Ayeza.

"Mom?" he was surprised.

May umakbay mula sa kanyang likuran. "How are you son?" his Daddy Adam.

Wala sa sariling nayakap niya ang kanyang Dad. "Jesus! Akala ko may-skype na lang tayo bukas because you couldn't make it today?"

Yumakap na rin sa kanya ang Mommy Aria niya. "Happy birthday, anak..." Bagama't napakalambing ng tinig nito, kakikitaan pa rin ang mukha nito ng pagiging istrikta.

Sumulpot pa si Terrence mula sa kanyang harapan. "Happy birthday, Kuya. At please 'wag kang umiyak diyan dahil di bagay sa'yo!"

Ginulo niya ang buhok nito at niyakap niya nang mahigpit. "I love you all..."

Tuwang-tuwa si Ayeza sa isang sulok.

"You surprised me so much!" hindi pa rin siya makapaniwala habang nakaakbay siya kay Terrence.

"Hay naku..." umabante si Adam. "...kung hindi nga lang kami kinulit ng girlfriend mo eh, hindi pa kami makokonsensya." Nakangiti ito sa kanya.

"You never told us, na gusto mo pala ang makasama kami sa kaarawan mo. Hindi ka naman nagsasabi, masyado ka ring busy." Si Aria na may hawak na kopita. "Kund di pa dahil sa nobya mo ay hindi pa naming malalamang miss mo na kami..." nakalabing sabi pa ng mommy niya habang nakapulupot ang mga braso sa bewang niya.

It Started in the Elevator✔️Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin