"Ano Cynthia? Are you in – or out?" nakangisi ito.

Hindi na sya nakasagot pero natagpuan na lang nya ang kanyang sarili sa bahay nito. Dito na sya dumeretso pagkatapos ng office hours nila bitbit ang mga bagahe nya.

"Chiboy, nandito na ko!" Sigaw ni Gladis nang makarating na sila sa pinto nito.

Bumukas naman ang pinto at iniluwa nun ang isang malaking lalaki. Puro tattoo ito at may mahabang balbas. Mukha itong terorista. Namumualan ang bibig nito sa pagnguya. Sa kanya muna ito napatingin.

"Chiboy, ito si Cynthia. Dito muna sya makikituloy sa'tin, ha?" napakalambing ng tinig ni Gladis dito.

Parang nabuhayan naman ang lalaki. "Sige sige! Okay lang!"

Panay ang halik dito ni Gladis pero sa kanya ito nakatingin. Pagpasok nila sa loob, may nakahain ng pagkain. Mukhang kumakain ito ng madatnan nila. Padabog na inilagay ni Gladis ang mga gamit nya sa harapan ng mesa.

"P*tangina! Bakit noodles na naman ang ulam?"

Napakamot na lang itong lalaki. Tapos kinamayan sya. "Hi, ako si Chiboy."

Kinamayan nya rin ito. Pero nangasim ang mukha nya sa nakita. "Ah, kuya... may noodles kaya yata sa ngipin..."

Kinuwit naman nito yung pinuna nya at saka pinitik sa kung saan. "Wala na?" tanong nito.

Napangiwi na lang sya. Mabuti na lang, sumingit na si Gladis.

"Tara na nga Cynthia, sa labas na lang tayo kumain. Ang lalaking ito hindi maasahan sa pagluluto!" hinila na sya ng babae.

Pagkakain sa labas ay diretso na sila sa higaan. Ang nakakainis pa, yung higaan nila pandalawang tao lang. Kaya nakisiksik na lang sya. Madaling araw nang may narinig syang ungol.

"Uhmmnnn... ang galing mo Chiboy..."

'Takte! Ungol yun ni Gladis! Bwiset! Mukhang naglalabing-labing ang dalawa sa likod nya!

"Chiboy, sige ahhh... o sige banda dyan..."

Nakakasuka!

"Chiboy... Bilisan mo pa..."

Naramdaman pa nyang umuga nang malakas ang higaan. Tapos, napakapit pa itong si Gladis sa braso nya.

"Oh, Chiboy. Ahhhh..."

Kaya nong madaling araw, habang mahimbing ang tulog ng dalawa – mabilis syang tumalilis paalis. Mabuti na lang at 24 hours ang convenience store dun sa kanto malapit kina Camilla sa Cypress. Doon na sya nagpaumaga.

Speaking of Camilla, ayaw na muna nyang gambalain ang best friend nya. Mukhang malaki rin ang problema nito sa pera lalo na ron sa fafa H nito. Medyo nakakahiya nga lang dito sa convenience store kasi ang dami nyang dala.


KINABUKASAN ay tumuloy na naman sya sa hospital. Since walang pasok sa office, full time ang shift nya rito ngayon. Nagulat sa kanya si Preston dahil halos dala na nya ang buong bahay nya.

Ngunit nagulat din sya sa mukha nito. "Nasapak ka ba? Bakit ka may pasa sa mukha?" tanong nya.

"Ah, wala ito."

Tinanguan na lang nya.

"May problema ba Cynthia?" lumalim ang tingin nito sa kanya.

"Problema ko 'yung matutuluyan..." pinilit na lang nyang ngumiti.

"If you want, don ka muna sa condo ko?"

"Hindi na. Don na lang ako tutuloy mamaya sa kaibigan ko." Ayaw na nyang makituloy sa kahit kaninong lalaki.

It Started in the Elevator✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon