Biglang naguilty si Camille. “Dahil sa akin?”

“Ayaw mo daw kasi siya kausapin. Hindi niya kinaya na nag-aaway kayo, Mac!”

Nadatnan nila si Drew sa locker ng gym. Walang malay. Bumubula ang bibig.

“Drew!!!!” Sigaw ni Camille. Sabay lapit kay Drew. Sinusubukan gisingin ito.

“Drew naman eh! Bakit mo ginawa ito?”

Dumilat si Drew… nanghihina. Hinahabol ang hininga…. “Hindi ko kaya, Mac… Hindi ko kaya na iniiwasan mo ako….”

“Drew! Dadalhin ka namin sa hospital…”

Behind them si Arkin at si Dion, nagpipigil ng tawa. Alam nilang trick lang ni Drew ito. Para kausapin siya ni Camille.

“Hindi na, Mac… Hindi na ako magtatagal… Mas mabuti pang mamatay kesa magalit ka sa akin…”

Yayakapin ni Camille si Drew. Umiiyak na si Camille. “Drew… hindi ako galit sayo… huwag ka muna mamatay, please…” Kinuha ni Camille ang ulo ni Drew at nilagay sa kandungan niya. “Drew….please…”

“Hindi ka na galit sa akin?”

“Hindi na…”

“Friends na ulit tayo?”

“Oo…”

“Wala ng bawian?”

Nagduda na si Camille. She stops crying. She looks at Drew. Nakangiti na ito sa kanya. Aamuyin ni Camille ang bula sa bibig ni Drew – amoy toothpaste!

Napalingon si Camille kay Arkin at Dion. Natatawa na sila. Saka lang narealize ni Camille – ginoodtime lang siya ni Drew!

Sa inis ni Camille, bigla niyang binitawan ang ulo ni Drew. Bagsak sa semento.

“Araaaaay.” Sigaw ni Drew.

“Buti nga sayo…” Irap ni Camille. Walk out si Camille. Hinabol siya ni Drew.

“Mac… sandali… akala ko ba friends na tayo?”

Naglalakad pa rin si Camille, mabilis. “Huwag mo akong susundan. Galit ako sayo! At sa ginawa mo… lalo akong nagalit sayo. Sinungaling ka. Pinaglaruan mo ako. Hindi magandang biro yun, Andrew!”

Habol pa rin siya ni Drew. “Mac… sorry…  Kaya ko lang naman ginawa yun kasi yun lang ang paraan para kausapin mo ako… Pero, Mac, sa dalawang Linggo na hindi tayo magkasama… para mo na rin akong pinapatay! Hindi ako sanay, Mac.”

Titigil si Camille sa paglakad. Somehow, unti-unti siyang nata-touch sa sinasabi ni Drew.

Nilapitan siya ni Drew, tuloy sa pagsuyo dito.  “Nasanay ako na lagi kang andyan. Hindi ko kayang mag-isa, puso ay pagbigyan…” Madrama ang pagkakasabi ni Drew.  “Kulang ako kung wala ka…”

“Niloloko mo naman ako eh!”

“Totoo Mac…”

“Kanta yan eh!”

At nangiti na si Camille. Lumambot na rin siya kay Drew. Hinawakan ni Drew ang kamay ni Camille. “Mac, sorry sa nagawa ko sayo… Sorry kung nasaktan kita… Please, bati na tayo. Promise, hindi na kita sasaktan…”  

***

“Bati na kayo?” Usisa ni Arkin.

“Oo.. okay na kami.”

“Pinatawad ka na niya?”

“Ayos na nga, dude!”

“Liligawan mo na siya?”

“Hindi na muna… Baka magalit na naman. Chill chill na lang muna. Basta… masaya na ako at napatawad na ako ni Camille. Okay na kami ulit…”

“Uy… Camille! Ngayon mo lang siya tinawag na Camille ah…”

“Dalaga na siya… Hindi na siya dapat tinatawag na Mac,” ngiti si Drew.

“Nakanamput--- inlababo na ang gago!” Panunukso ni Arkin. “Diyan ka na nga!”

Iniwan ni Arkin si Drew. Mag-isa na lang si Drew na naglalakad. Parang walking on air. High na high sa pagkaka-ayos nila ni Camille. Excited siya. Madami siyang plano.

Magpapakabait na ako. Pagbubutihin ko ang pag-aaral ko. Kailangan makita ni Mam Sylvia na good boy ako. Para hindi na siya magalit sa akin. Para hindi na siya tumutol kung manligaw man ako kay Camille. Papatunayan ko… hindi na ako ang dating pasaway na Drew!

“Drew?”

Nagulat si Drew nang narinig na may tumawag sa kanya… Kilala niya ang boses na iyun…

“Vanessa….”

Ngayon lang ulit nagkita si Drew at Vanessa mula noong may nangyari sa kanila… Ngayon lang din napansin ni Drew na hindi na pala niya nakikita si Vanessa sa school…

Lumapit si Vanessa kay Drew. “May problema, Drew…”

Nagtataka si Drew. Anong problema?

“Drew, buntis ako!”

Natigalgal si Drew sa sinabi ni Vanessa.

BAGITOWhere stories live. Discover now