Kabanata 25

1.8K 45 0
                                    


Girl

Nakatulog si Mommy Empress sa sofa pagkatapos ayusin ang mga gamit ni Harry. Nagpaalam din sila mommy na uuwi muna, masama pa rin ang timpla ni daddy dahil sa nangyari sa akin. Mukhang hindi pa sinasabi ni mommy sa kanya kung sino ang ama ng baby ko. Natatawa na lang talaga ako kay daddy. Parang ang laki ng problema na ako pa ang naunang magkaanak kesa kay kuya.

Naku, daddy! 'Wag kang mag-alala, matinong tao ang nakabuntis sa akin. Matigas nga lang ang ulo.

Natawagan ko na rin ang secretary ni Harry para sa pabor niya. Pero tulog pa rin ang mahal kong Harry. Dapat lang dahil kailangan niya ng maraming pahinga. Kung ako lang ang masusunod ay hindi na dapat siya nagtatrabaho dahil sa lumalala niyang kondisyon.

Lumabas muna ako sandali para bumili ng makakain dahil gutom na ang anak ko. Syempre hindi pwedeng mawala ang cheese sa menu. Kaya bumili ako ng fried chicken na ang sauce ay melted cheese. Sarap na sarap akong kumain at walang pakialam sa paligid kahit pinagtitinginan nila ako dahil sa dami ng pagkaing nasa hapag ko.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik kaagad ako sa ospital. Tulog pa rin si Mommy Empress pero gising na si Harry at kumakain ng biscuit.

"Akala ko umuwi ka. Saan ka galing?" tanong niya at sinenyasan akong lumapit.

"Kumain kami ng anak ko," sabi ko at lumapit sa kama niya.

"Anak mo lang?" Nagtaas siya ng kilay.

"Fine, anak natin. Happy? Galit ako sayo, 'wag kang ano." Umirap ako at hinampas ang balikat niya. "Ang sama mo, pinapaiyak mo si Mommy Empress."

"Anong tawag mo sa mommy ko?" Ngumisi siya.

"Hindi 'yan ang issue dito. Ayaw mong magpa-opera? Ano? Mamamatay ka? Hindi mo man lang naiisip ang nararamdaman ng mommy mo?" Pigil na pigil ko ang boses dahil natutulog si Mommy Empress.

"Umiyak siya sa akin kanina, and it's so heart-breaking. Alam mo ba kung gaano kabigat ang nararamdaman niya dahil sa sitwasyon mo ngayon? You're hurting her, you are so selfish," sabi ko at pinaghahampas siya nang mahina. Naiinis talaga ako sa kanya.

"Caia..." Hinawakan niya ang kamay ko.

"And how about this baby? Hahayaan mo siyang lumaki nang walang papa? Hindi mo man lang naisip iyon?" Pinunasan ko ang tumulong luha mula sa mga mata ko. This is so frustrating, ngayon lang ako natakot ng ganito sa buhay ko. I dreamed of a happy and complete family with Harry. Pero ngayon ay puro pangamba at takot ang nasa puso ko dahil ano mang oras ay pwede siyang maatake at hindi na magising. I don't want that to happen.

"I'm sorry, Caia. Please don't cry." Siya na ang nagpunas ng luha ko.

"'Wag ka sa akin mag-sorry, sa mga magulang mo, sa mommy mo. Dahil sila ang labis na nasasaktan sa sitwasyon mo ngayon. Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa mommy mo na magkasakit ka at wala siyang magawa. Kung pwede lang ay akuin na niya ang sakit mo, kung pwede lang siya na lang ang masaktan because that's your mother. Galing ka sa kanya. Mahal ka niya higit pa sa buhay niya. Isipin mo sana ang mararamdaman ng mga tao sa paligid mo kapag nawala ka." That's a mother, always putting first the sake of her children. Hindi baleng sila na lang, 'wag lang ang mga anak nila.

Napatingin si Harry sa natutulog na ina at tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya. Kinabig niya ako nang marahan para mayakap. Isinubsob niya ang mukha sa aking balikat at mahinang humikbi.

"Patawarin mo ako. Hindi ko alam ang ginagawa ko. Ayoko lang maging pabigat sa kanila. Matanda na sila, buong buhay ko, takot silang iwanan ako. Buong buhay nila ay pasan-pasan nila ako. Nahihiya ako sa kanila dahil hanggang ngayon kailan ko pa rin sila, umaasa pa rin ako sa kanila." sabi niya at humagulgol pa ng iyak. Hinaplos ko ang likod ko niya at napatingin kay Mommy Empress na unti-unti nang nagigising.

Extreme Beats Of Epiphany (EX SERIES 1) Self-Published Under Immac PPHOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz