Chapter 1:The Maldita

32.3K 717 51
                                    


"Don't rush to fall inlove.
Because even in fairytales
Happy ending always takes place on the last page."




Chapter 1: The Maldita

[XHEILA ZHATRIYA RAMOS]
(Xheila: Sey-la)

"Xheila! Nakikinig ka b'ang gaga ka?" sigaw sa tenga ko ni Diane. Punyemas kailangan sumigaw?

"Hindi." tanging sagot ko sa kanya. Why do I have to? Eh non-sense naman pinagkekwentuhan nila. Tss.

"Iiiihh! Xheila makinig ka naman kahit ngayon lang! It's about Wizard Academy!" pagmamaktol ng isip-bata na si Diane. Tumango-tango naman sila Lyn at Zyra. They are my friends... And I don't know why. Okay, sorry for being rude. I love them kahit ganyan sila ka non-sense.

Nandito kami ngayon sa classroom at nagla-lunch. Ayaw ko kasi lumabas para sa labas sana kumain kasi nakakatamad. Kaya dito nalang kami. Minsan nga mas gusto ko pang kumain mag-isa kesa kasabay tong maiingay na 'to. Biro lang.

"Oo nga Xheila! I'm so curious kaya about d'yan sa Wizard Academy! Sa name palang 'di ba? Wizard?Hmmmm..." sabi naman ni Zyra sabay hawak sa chin nya na parang nag-iisip.

Ang baduy naman nun. Wizard? Ano 'yun? Feeling fairy tale na school? Feeling may magic? Baduy.

"Alam mo bang bawal pumasok do'n?" tanong sa 'kin ni Lyn na ipinagtaka ko naman.

School pero bawal pumasok? Sira-ulo may ari nun for sure. At dahil nacurious na rin ako sa Wizard Academy na 'yan ay napa-tanong na rin ako.

"Ba't ganon naman 'yung school na 'yun?" tanong ko.

Nagliwanag naman bigla ang mga pangit na mukha nila. Just kidding. Mga campus charms yang mga yan. Magaganda e. Ang baduy ng school namin 'no? May campus campus charms pang nalalaman. Well, everything about the earth is baduy.

"TALAGA!? YES! MAKIKINIG KA NA RIN!" masayang sigaw ni Diane kaya napairap nalang ako.

"Yehey! Hahahaha! First time makikinig si Xheila sa atin!" sigaw din ni Zyra. Napatingin tuloy sa amin 'yung ibang kaklase namin. Yeah? First time 'to, I think? Hanggang ngayon nga iniisip ko kung paano nila ako naging kaibigan gayong wala naman akong kwentang kausap.

"Tatahimik kayo o isa-isa kong bubusalan ng papel 'yang mga bibig niyo?" pagbabanta ko sa kanila. Mukhang effective naman kaya nanahimik sila. Good. Ang iingay niyo kasi eh.

"Alam niyo, minsan napadaan yung car namin ni Dad do'n sa Wizard Academy. Gabi na no'n. And then may nakikita kaming mga parang umiilaw sa langit galing doon sa loob. Nakakatakot talaga dun sa lugar na 'yon kaya umalis din kami agad." panimula ni Zyra.

"Ow? Ang cool kaya! Alam mo bang sinubukan kong mag-enroll doon? Nag-offer pa si daddy ng sobrang laking halaga para makapasok ako do'n! Ya know? Daddy's girl ako e! Pero wala talaga! 'Yung nakausap ni Daddy ay isang guard lang daw do'n at hindi talaga pwedeng pumasok. Hanggang gate nga lang kami e. 'Di namin makita 'yong loob kasi sobrang taas at lawak talaga no'ng gate nila!" manghang kwento ni Diane habang nakatingin pa sa kawalan na tila nag-iimagine ng kung ano. Baliw psh.

"Nag-enroll ka roon?!" parang hindi makapaniwalang tanong nina Zyra at Lyn.

"Oo kaso kahit yata lahat ng kayaman namin ibayad namin doon ay hindi pa rin ako makakapasok," sagot naman ni Diane habang naka-duck face. Ang baliw talaga ng Wizard Academy na 'yan. Parang hidden school? Pa-importanteng school kamo.

"Ay alam mo naman! Minsan naligaw kami doon ni mama! Tapos may nakita kaming lalaki na may weird na suot na galing sa loob at ang gwapo! Kaso red-eyed pero so hoooot." nagniningning pa ang mga mata ni Lyn habang nagkekwento. Parang timang. Haaay nako po.

School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon