Chapter 31: Damn that Mentor!

6.7K 217 4
                                    

[HERRY]
(See chapter 09 kung nakalimutan niyo na siya)

Hi earthlings!Natatandaan niyo pa ba ako?Ako si Herry.Yung cute na alaga ni master Sync.Ang cute ko di'ba?Huwag niyo lang akong tatawaging minions!Ano ba kasi yung minions na yun?Kahit hindi ko alam kung ano yun naiinis ako.Malay mo kasi panget yun di'ba?Edi panget ako?

Madalas kasing tawag sa'kin yun ni Royal Wizard.Ewan ko ba dun ang daming nalaman simula nung mapadpad siya sa mortal world.

Hay kamusta na kaya yung si Master?Ang tagal na rin niyang hindi nakakadalaw dito sa Wizardouz Kingdom.Ano kaya yung misyon niya?Ang daya naman kasi ni Master hindi man lamg ako isinama!Hmp.

"Herry!"napadungaw ako sa bintana ng cute kong tahanan nang marinig ko na may tumawag sa napacute kong pangalan.

Lumabas ako para makita kung sino yun at laking gulat ko nalang nang makita ko si Queen Imelda na nakadungaw pa sa cute kong pinto.

"Queen!"lumuhod ako sa kanyang harapan upang ipakita ang aking paggalang sakanya.

"Tumayo ka."pag-uutos ng isa sa mga kawal niya kaya tumayo naman ako kaagad.Mahirap na baka masugatan pa ang cute kong tuhod.Oo,lahat sa'kin cute.Angal ka?

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo Queen?"tanong ko habang nakatingala sakanya.Ang tangkad niya kasi samantalang hanggang tuhod niya lang ako.

"Gusto ko lang sanang humingi ng tulong sa iyo,"lumuhod ang mahal na reyna upang mapantayan niya ang cute na height ko.

"May kakilala ka ba na nakakakita ng kapalaran ng isang tao?Gusto kong malaman kung ano ang magiging kapalaran ng anak kong itinakda."bumuntong-hininga si Queen Imelda na para bang hirap na hirap siya sa sitwasyon.Anak niya?Si Zhiya itinakda?Saan naman?Hay pati utak kong cute nagugulo.

"May kakilala po ako Queen.Ngunit pag nagpahula kayo sa kanya,kailangan kasama niyo ang taong pahuhulaan niyo.Si Princess Zhiya po yun di'ba?Pero itinakda po siya saan?"tanong ko.Ganun talaga pag cute,maraming tanong.

Ngumiti ang Queen sa akin at ti-nap ang ulo ko,"Basta dalhin mo ako sakanya.Magpapasabi nalang ako kung kailan."

Tumayo na ang Queen at naglakad na palayo kasama ang mga kawal niya.

Napailing nalang ako kasi hindi ko gets.Si Zhiya?Itinakda saan?Alam ko itinakada siya bilang susunod na Queen ng Kingdom na ito.Ah baka yun nga.Tapos gustong malaman ni Queen Imelda kung magiging maayos ba ang pamamahala ni Princess Zhiya.Haha talino ko talaga!

Pumasok na ako sa cute kong tahanan at kinuha ang isang puting abo sa aking munting palayok.Isinaboy ko ito sa malaking kawan ko at ibinulong ang pangalan ng kilala kong manghuhula ng kapalaran.

~~~

[XHEILA ZHATRIYA CASTIN]

"Ken anong nangyayari sa Magical Fair?"tanong ko kay Ken.Magkasama kami ngayon dito sa isang bench.Siya nalang naman malalapitan ko ngayon sa mga katanungan ko tungkol sa eskwelahang ito eh.

"Magical Fair,uhm oo nga pala next week na yun noh?Nagaganap yon every year dito sa Wizard Academy upang maipakita ng lahat ang kanilang natatanging lakas at kakayahan.Ang bawat section ay maglalaban-laban at mahahati sa bawat elemento. Merong Blue Team,sila ang mga ice and water manipulator.Merong Orange team,sila naman ang mga Fire and Air.Green team para sa Nature and earth manipulators. Special Team naman ay yung mga students na walang elemental powers like Telepathy,Necromancy at Telekinesis.Kasama na doon yung mga Wizards lang. Ang mga beginners naman ay mahahati sa dalawang grupo.Ang isang grupo ay mapupunta sa Highest Section at ang isang grupo naman ay mapupunta sa Middle Section.Doon sila poprotektahan ng mga nakakataas sa kanila upang makasali sa Game Battle."mahabang paliwanag ni Ken tapos ay lumagok ng maraming tubig.

School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon