Chapter 44:Killed

7.7K 194 30
                                    

[THIRD PERSON]

"Maligayang kaarawan mga anak." Pagabati ni Queen Imelda sa dalawang anak na ngayo'y pababa ng nagyeyelong hagdan na bagong gising lamang.

"Walang happy sa birthday namin kung alam kong ang kasunod nito ay ang patayan. Psh." Pabalang na sagot ni Xheila. Bukas na talaga. Bukas na.

"Ayos lang sa'ken ang mamatay. Basta para kay Sync." Matapang na sabi ni Zhiya kaya kinunutan siya ng noo ni Queen Imelda. Nakakapagtaka naman, masyadong nag-aalala si Zhiya kay Sync. May namamagitan din ba sa kanila?

"Anong meron sa inyo ni Royal Wizard?" Tanong ni Quenn Imelda kay Zhiya. Sana talaga mali ang iniisip niya na parehong may gusto ang kambal niya sa iisang lalaki.

"Nakakatadang kapatid ko siya Ina. Matalik na kaibigan. Don't overthink too much." Nakangiting sagot ni Zhiya. Nakahinga naman ng maluwag si Queen Imelda.

Ang galing talagang magsinungaling ni Zhiya. Parang wala lang sakanya eh. Expert talaga.

"Mag-ayos na kayo. May mga bisita kayo sa labas. Mga taga-Wizard Academy." Sabi ni Queen Imelda saka na lumabas ng pinto kung saan naroon ang kwarto ng dalawa. May Queen's acting normal,but heck no. She's worrying for the sake of her twins. Nag-aalala rin siya sa pwedeng gawin nina Kate kay Royal Wizard. Napakasama talaga nila.

Nagkatinginan ang dalawa ang parehong nag-irapan. Napaka talaga! Psh.

"You're a good liar." Napailing si Xheila kay Zhiya pero hindi nalang siya pinansin nito at pumasok na sa sarili niyang kwarto upang mag-ayos ng sarili.

Nang makapag-ayos na sila ay naunang lumabas si Zhiya kasunod si Xheila.

Parehong nagulat ang kambal nang makita ang napakaraming tao sa buong palasyo. Halos lahat yata ng estudyante sa Wizard Academy ay nandito!

How come? Di'ba bawal munang makapunta sa Haumea ang Beginners at Middle?

"Maligayang kaarawan!" Pagbati sakanila ng maraming tao kaya nagtaka silang pareho. May birthday party pa yata bago ang laban. What the hell.

"May gana pa yata silang mag-party kahit nasa panganib ang oh-so-called Royal Wizard nila." Bulong ni Xheila.

"Naipakilala ko na kayo sakanilang lahat. I just want you to enjoy this day. This is your especial day dahil makokoronahan na kayong dalawang bilang isang ganap na prinsesa ng Wizardouz Kingdom." Nakangiting saad ni Queen Imelda sa dalawa pagkalapit niya dito.

"I'm already a princess." Sabi ni Zhiya.

"No. Not yet official. Kaya nandito silang lahat upang matuklasan ang pagiging prinsesa niyong dalawa." Sagot ni Queen Imelda.

Dalawa kame? Eh sino ang magiging Queen niyan? Psh.
Sa isip isip yan ni Zhiya. Hanggang ngayon ba naman 'yan pa 'rin ang iniisip niya? Kakaiba talaga.

"Siya talaga ang kambal ni Zhiya? Woah." Bulung-bulungan sa crowd. Alam na nilang may kakambal si Zhiya pero hindi nila ineexpect na si Xheila pala 'yon. Kahit sina Ken,Collette at Jerr na nandito 'rin ay nagulat talaga sa nalaman.

May parang mini-stage ngayon sa loob ng Wizardouz Kingdom kung saan nakatayo sina Queen Imelda,Zhiya at Xheila.

"No. I don't want to be an official princess,yet." Malakas ang pagkakasabi ni Xheila kaya sakanya napunta ang lahat ng atensyon ng mga estudyante at mga bisita. Si Queen at Zhiya ay ganon din.

"What are you saying?" Bulong ni Zhiya kay Xheila.

"Ayokong maging prinsesa niyong lahat hangga't hindi pa natatapos ang war sa pagitan ng kingdom natin at ng Kingdom ng mga blacks. Kilalanin niyo kong prinsesa, pagkatapos na pagkatapos ng magaganap bukas. Kung... makakabalik pa'ko." Xheila said while facing the crowd.

School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon