Chapter One

409 3 0
                                    

I'm so confuse...

I know its now over between us,

but how come i can’t forget you?

How come i get hurt when i see you with someone else?

Perhaps you still have a space in my heart that says,

"love pa rin kita kahit la ka na..."- txt msg

Candy Chan       

                 OMG, I’m gonna be late! Bakit ba naman kasi ako napuyat kagabi eh. Nakakinis naman o. 5th floor, I need to reach the 5th floor quick. Mabilis kong inakyat ang hagdan. At pagdating ko doon ay sakto namang nag sara ang pintuan. Gusto kong pumasok but I guess the door is locked already. Algebra subject pa naman yun at kilala ko si Prof. Lina. Di siya nagpapapasok ng mga late dahil siguradong mapapahiya ka lang. Nagdesisyon na akong wag na pumasok. Nakakainis, ayoko pa namang uma- absent sa mga klase ko. I decided to go to the nearest carinderia. Di kasi ako nagalmusal so I just grab the chance. Nakakapanghinayang man pero siguro itatanong ko na lang kay Mayel ang assignment. Sabi nga ng nabasa ko sa ABNKKBSNPLK by Bob Ong, di naman yun makaka apekto sa buong buhay mo, I mean yung di pag pasok o di paggawa ng assignment mo ng isang beses. Tama.

                Isa sa pinaka paborito kong spot around the school ay yung carinderia ni Aling Martha. Masarap siyang magluto ng paborito kong sisig or bicol expres. “Isang order po ng sisig with soup!” sabi ko kay Aling Martha. Pinanood ko ang mga jeep sa harap ng carinderia. Medyo traffic at mukhang uulan na naman. Wala pa naman akong dalang payong. Maya- maya lang dumating na yung in-order kong sisig.. Grabe gutom na gutom na ako. Mabilis akong sumubo dahil paborito ko ang sisig.

                “Wow! Takaw naman!” muntikan na akong mabilaukan sa pagsulpot ni Mart. Agad akong uminom ng tubig.

                “Ano ba, balak mo ba akong patayin?” Hinagod niya ang likod ko.

                “Sorry love-”

                “Love ka dyan?” muntikan pa akong mabilaukan ulit sa itinawag niya sa akin. Peo kinilig naman ako bigla. Ano ba naman ‘tong taong ‘to? Nagptauloy na lamang ako sa pag subo ng kinakain ko at baka mahalata ako.

                “Akala ko ba may klase ka?”

                “Na- late ako eh, lam mo naman si Prof Lina. Tsaka ngayon na ako nag almusal. Tara kain tayo. Teka, wala ka bang klase?”

                “Walang Prof eh.”

                “Ganun? Pwede ba yun?”

                “Yeah, alam mo naman tamad yung mga department namin. Nagpaa- attendance lang kami eh.” sagot niya. “Buti na lang nakita kita, may tatanong kasi ako eh.”

                “Ano naman yun?”

                “Uhm, ngayong Sabado na kasi yung acquaintance party. Pupunta ka ba?”

                “Oo naman. Pupunta kami ni Mayel. Ikaw? Sama ka? Di ka naman mahilig sa mga party di ba?”

                “Pwede din naman ako sumama eh, lalo na kung isasama mo ako.”

                “Talaga? Pupunta ka sa acquaintance party?” gulat kong tanong. Ano naman kaya ang pumasok sa utak nitong si Mart. Aba’y di naman siya mahilig sa mga ganito ah. Ang hilig niya lang naman ay mag computer.

A Campus StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon