Chapter 16

12 2 2
                                    

Andito na kami ngayon ni ey ey sa mall buti na lang mabait yung guard pinalabas kami. So ayun na nga magkasama kami kaso wala kong dalang extrang pera. Pamasahe lang yung nadala ko. Pano ako neto bibili ng gusto ko.

Habang naglalakad kami nakita ko Yung favorite kong laruin.

"Ey dun tayo." Tinuro ko na kung saan sa may mag huhulog ng token then ikaw ang mag kokontrol para makuha yung gusto mong teddy bear.

"Isip Bata." Bulong niya pero rinig ko.

"Ano may Sinasabi ka?"

"You don't have money right?"

"Oo bakit?"

"Pano ka maglalaro?"

"Ehh? May dala ka bang pera pautangin mo muna ko."

"Tss."

May pa tss- tss pang nalalaman.

"Here." Sabay abot sakin ng one thousand.

Magpapautang naman pala. May pa galit galit pang nalalaman nag papalit na ko ng token one hundred muna. Na miss ko mag laro nito huling laro ko nito nung tumakas ako sa school namin tapos nakakuha ako nawala Naman.

"Kaya ngayong mga bear kayo? Lagot kayo sakin kukunin ko kayo lahat."

"Crazy."

Napalingon ako sa kanya nung bigla niya kong tinawag na crazy tapos tawang tawa pa. Napahinto siya sa pagtawa niya di niya siguro napansing tinitignan ko siya.

"Stop staring at me."

"Hindi kita tinititigan 'wag kang assuming."

"Paalala ko lang hindi ka makakakuha diyan."

Aba't pinapanalangin niya bang hindi ko'to makuha.

"Ang yabang mo ah! Pag ako nakakuha dito ng marami bibigyan pa Kita at pag nakakuha talaga ko dito hindi ko na babayaran yung inutang ko ililibre mo pa kong ice cream."

"Deal, but once you lose I have one punishment."

Parang bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Parang natakot ako bigla sa awra niya. Hindi ko mapigilan itanong kung anong ipapagawa niya sakin pag natalo ako.

"Ano namang ipapagawa mo sakin?"

"Wala pa kong ma isip, but you can start right now."

Nagdasal muna ako bago mag umpisa baka sakaling palarin ako kinakabahan ako sa ipapagawa sakin nitong lalaking 'to...
habang nag ineenjoy ko ang pag lalaro di pa rin mawala sa isip ko kung ano bang ipapagawa sakin nitong lalaking 'to jusko naman bakit pa ba may deal pang nalalaman. Kung nadala ko lang sana ang pera ko di na ko mangungutang at wala ng deal na mangyayari.

Halos mangiyak ako ng wala man lang ako nakuhang kahit isang bear bwiset! ano naman kayang punishment ang sinasabi nitong lalaking 'to jusko naman tulungan niyo ko! may natitira pa 'kong isang token. Nagdasal muna ko bago ko ihulog yung token.

Halos lumaylay yung balikat ko ng wala man lang nakuhang kahit isa malas siguro ako ngayon bahala na tatanggapin ko na lang kung anong punishment ang sinasabi nito

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm In Love With A Guitar PlayerWhere stories live. Discover now