Chapter 08

13 3 2
                                    

Dalawang minuto na lang uwian na namin. Napalingon ako sa bintana malapit sa pintuan nang room namin. Tapos nakita ko dun si Alyanna.

Napaisip tuloy ako ang aga naman ng uwian niya? Tanong ko sa isip ko.

Maya maya pa ay Dismiss na kaya nag madali ng lumapit sakin yung dalawa. "Oh bilisan mo na sabi mo may papakilala ka pa samin." Lumabas na ko nakakahiya naman baka mamaya kanina pa pala siya dun.

"Hi Jhade!" Si Alyanna.

"Sandali lang naman Aj! Madaling madali!" Sigaw nung dalawa tapos bigla silang napahinto nung makita nila si Alyanna.

"Ahm Aj siya ba yung sinasabi mo samin?" Tanong nilang dalawa.

"Oo siya yun siya si Alyanna, Alyanna si Brigette at Kendyl mga kaibigan ko at Brigette at Kendyl si Alyanna." Pagpapakilala ko naman sa kanila.

"Hi!" Sabay silang tatlo tapos saka nagtawanan ang mga gaga haha. "Ahm excuse me tara na baka wala pa tayong masakyan pag uwe." Pagpuputol ko sa tawanan nila. Mukhang sila pa ang mag kakaclose niyan sa huli. Natawa tuloy ako sa sarili kong isip.

"Oo nga tara na!" Si alyanna. Bali nauuna na silang maglakad sakin napag gigitnaan nila si alyanna. Kahit kelan talaga 'tong mga ulupong na'to oh. So isa na siguro siya sa magiging kaibigan namin magiging ulupong na rin siya. Haha.

"Ahm bukas ule ang saya niyo pala kasama!" Masayang sabi ni Alyanna. "Sige bye ingat!" Sabi nung dalawang ulupong.

"Saya natin mga ulupong ah!" sabi ko naman. "Hindi mo naman sinabi na ang ganda niya natitibo tuloy ako." Sabi naman ni Brigette. "Oo nga ako rin eh parang crush ko ma siya." Sabi naman ni Kendyl.

"Tara na nga baka mamaya wala na kayo ng mga bf niyo dahil kay Alyanna." Sabi ko.

"Hindi ah mahal namin yung bf namin tsaka crush lang naman namin si Alyanna ang ganda niya talaga."mangha pang sabi nung dalawa.

"Oh sige na uuwe na ko medyo napagod ako kakatingin sa inyo ang saya niyo eh." Sabi ko naman. "Hala baka mamaya nagseslos ka kay Alyanna ah?" Tanong nung dalawa. "Hindi ah okay ngayon eh, tara na nga uuwe na ko." Sabi ko

Kanya kanya na kami ng daan para maka uwe na. Nasa bahay na ko ngayon at pag bukas ko ng pinto sumalpok sakin ang mabangong luto ni mama. Mukhang masarap nga eh amoy pa lang panalo na.

"Ma nandito na ko!" sabi ko. "Oh parang ginabi ka na?" Nag aalalang tanong ni mama. "Ahm may bago lang kami nakilala bagong kaibigan." Sabi ko naman

"Tara kumain na muna tayo minsan na lang tayong sabay sabay kumain tsaka marami akong linutong ulam mga tatlo." Sabay tawa ni mama.

Natapos na kaming kumain ng hapunan at nabusog ako dami kong nakain eh. Umakyat na ko sa kwarto ko para naman makapag linis na ko ng katawan bago matulog.

Ngayon lang ata ako nag linis ng katawan ko bago matulog di kasi ako nag lilinis ng katawan ko bago matulog eh pero toothbrush oo. Haha.

Kinabukasan pag gising ko naamoy ko ang masarap na linuluto ni mama para mag almusal. Ngayon lang kami maraming almusal kape at tinapay lang kasi almusal ko eh.

"Alexis anak mag almusal ka na nag luto ako ng almusal may egg diyan, hotdog, bacon, tinapay, may fried rice rin diyan."

"Dami ah sige kainin ko lahat yang linuto mo ma." Sabi ko naman at umupo na para kumain.

"Ma tutal marami pa naman 'to magdadala ako bibigyan ko yung mga kaibigan kong ulupong." Nag lagay na ko sa Tupperware at naligo na ko.

"Ma alis na ko." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. "Sige 'nak mag ingat ka ah."

Umalis na ko sa bahay at pumara na ng tricycle.

I'm In Love With A Guitar PlayerWhere stories live. Discover now