Chapter 09

11 3 1
                                    

Pumasok na ko sa room namin pag karating ko ng school namin. Napansin kong wala pa yung mga ulupong kaya nakinig na lang muna kon nang music sa cellphone ko habang wala pang teacher.

"Aga natin ah!" Si Brigette "Ba't ngayon lang kayong dalawa?" Tanong ko "Ah nakita namin si Alyanna sa labas ng school tapos inaya niya kami mag break fast libre niya hehehe." si Kendyl

Di na kami nakapagusap usap pa dahil dumating na yung teacher namin. Nag pa long test siya samin Math pa naman.

"Ok pass your paper." Ipinasa ko na yung papel ko. "Bilis ah!" Sabi nung dalawang ulupong. "May laman tiyan ko eh." Sagot ko.
"Ha? Anong konek?" Tanong nung dalawa. "Gaga may laman tiyan ko may laman din utak ko hahaha." Sagot ko naman.

Lumipas na ang oras break time na ule. Kaya lumapit ako sa dalawa. "Hoy! Mga ulupong may dala kong pagkain bigyan ko kayo marami naman 'tong dala ko." Alok ko sa kanila. "Wow! Sige amin na lang 'yan mukang masarap ah." Si kendyl "Di na muna ko sasabay sa inyo kumain tatambay muna ko sa tambayan ko dadalahin ko na lang 'tong pagkain ko." Sabi ko naman. "Ah ganun ba sige sa mga bf na lang namin kami sasabay tsaka baka sumabay din samin si Alyanna." Masayang sabi nila.

Lumabas na ko sa room at pumunta nasa tambayan ko. Oh? Nagulat ako kasi nandun nanaman si Boy yabang kaya na palingon siya kinatatayuan ko.

"Hi, nice to see you again." Bati niya naman ngumiti pa ang hayuf. "Di ka lang man ba mag ha-hi diyan." Tanong niya naman. "Hi boy yabang!" Sabi ko naman.
"Ay grabe siya ang sama mo namang nilalang." Sabay pout niya. Hala arte naman nitong lalaking 'to. "Hoy! 'Wag ka nga gumanyan di bagay sayo." Sabi ko sa kanya. "Gwapo naman." Mayabang na sagot niya. "Mayabang nga lang." Dagdag ko pa. Natawa naman siya.

Naupo ako malapit sa tabi niya.Lagi niya dala gitara niya dito. "Di ba sabi mo magaling ka mag gitara?" Tanong ko sa kanya. "Oo sobrang galing bakit?" Sagot na tanong niya. "Tugtog ka naman diyan sabayan ko kanta." Request ko sa kanya. "Sige." Payag niya naman.

Nag umpisa na siyang tumugtog ang tinutugtog niya ay Can't help falling in love By Elvis Presley. Nag umpisa na kong kumanta habang tumutugtog siya kaya naman naeenjoy ko yung pag kanta.

Wise men say; . only fools rush in

But i can't help falling in love with you,

Shall i stay, would it be a sin

If i can't help falling in love with you?

Like a river flows

Surely to the sea

Darling so it goes

Something are meant to be.

Take my hand, take my whole life too.

For I can't help falling in love with you.

Matapos namin kumanta at tumugtog nakadalawa pa kaming kanta. "Nagugutom na ko." Sabi naman ni yabang. Naalala ko may dala nga pala kong pagkain tutal nagugutom na rin ako hati na lang kami. "Maydala kong pagkain tara hati tayo." Alok ko naman sa kanya. "Wala bang lason 'yan?" Tanong niya pa sakin. "Wala pero kung gusto mo lagyan natin."  Pabirong sagot ko naman. "Ang galing mo naman pala kumanta sobrang ganda ng boses mo." Papuri niya naman. "Hindi naman masyado." nahihiya kong sagot.

Kumain na kami ng dala ko. Takaw nga eh mas matakaw pa sakin. Parang di pinapakain sa bahay nila tsaka muka naman siyang mayaman.

"Lagi ka ba dito?" Tanong naman ni yabang. "Oo bakit." Sagot ko. "Wala naman tambay ka lagi dito para naman may kasama ako." Natatawa pang sabi niya. "Sige, mukang mabait ka naman mayabang nga lang." Natatawa ko ring sabi sa kanya. "Sige bukas na lang ulit balik na ko sa room tsaka wala ka bang klase?" Tanong ko naman sa kanya. "Meron ayaw ko lang pumasok." Natutuwa pang sabi niya. "Teka nga wala ka bang mga kaibigan like mga kaibigang ulupong." Natatawa kong tanong. "Meron ayaw ko lang sumama sa kanila iba mga trip eh." Sagot niya naman.

"Sige bukas na lang bye." Nakangiti kong paalam. Umalis na ko sa tambayan at tumungo na sa room.

I'm In Love With A Guitar PlayerМесто, где живут истории. Откройте их для себя