Napatingin ako sa kanya, pinunasan niya ang luha ko. "You knew?" Kumunot ang noo ko.

Tumango sya at manipis na ngumiti. I am not so sure if he is happy that we are having a baby.

"How?"

"You dropped this on my office," sagot niya sabay pakita ng isang pregnancy test stick. So, siya pala ang nakapulot and probably....

"Sayo galing ang package?"

Ngumiti siya at tumango. "Nagustuhan mo ba? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga oras na nalaman kong buntis ka. Ako mismo ang pumili ng mga damit na iyon. Pati yung rattle at baby bottles."

Imbis na tumahan ay lalo pa akong naiyak. Ibig sabihin wala siyang ibang mahal. Ibig sabihin ako lang....

"I love you Harry, so much. Please, don't leave me and our baby."

Pumasok ang isang nurse kasama ang isang doktor na may dalang syringe.

"Time for your medicine, Mr. Catahan," sabi ng doktor.

Lumayo na ako kay Harry at lumapit kay mommy. Nakatingin lang sa akin si Harry habang tinuturukan siya ng gamot. Nang matapos ang doktor ay lumapit ito sa amin.

"Mataas na dosage ng gamot ang itinurok sa kanya ngayon. Ang maaaring maging side effect nito ay ang makatulog siya minutes after ibigay ang gamot. O kaya naman ay ang pagsusuka at pagkahilo. Kaya wag kayong magtataka kung mangyari man sa kanya iyon ngayon. That's normal. I'll go now," sabi ng doktor at lumabas na kasama ang nurse.

Nilapitan ko ulit si Harry na ngayon ay mapupungay na ang mata.

"Rest for now, Harry," sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"You should, too." Pumikit siya.

"Kagigising ko lang kaya." Bahagya akong natawa.

"Caia, can you do me a favor?" Dinilat niya ulit ang mga mata.

"Yes."

"Please call my secretary, na kay mommy ang phone ko. Sabihin mo na dalhin lahat dito sa ospital ang mga papeles na kailangan kong pirmahan at basahin." Humikab siya.

"Magtatrabaho ka pa? Dapat ay nagpapahinga ka." Ngumuso ako. Wala bang day-off ang trabaho niya.

"I'm still the mayor, remember? Hindi pwedeng maparalisa ang bayan dahil lang may sakit ako. Kaya nga nila ako binoto kasi they want change. I'll give the changes they want as long as I can," sabi niya at pinilit pang ngumiti kahit inaantok na ang buong sistema.

"Ipaubaya mo na lang kaya Loren 'yan. Kailangan mong magpagaling. Please, resign already. Maiintindihan ka naman siguro ng mga tao. Ang puso, hindi natin alam kung kailan ka ulit aatakihin. Ayoko na ulit makita kang parang wala ng buhay. Natakot ako nang sobra kanina." Niyakap ko siya.

Umiling sya. "Thank for your concern and I'm so sorry if I scared you so much. I will do that kapag hindi ko na talaga kaya, but for now, kailan kong ipagpatuloy ito. Please do my favor, okay? I'm gonna sleep now," sabi niya at pumikit na.

"Okay." Bumuntonghininga ako.

Umalis muna si mommy para puntahan si daddy at ako naman at hinintay si tita Empress. Dumating si tita na may dalang isang bag at isang plastic na may pagkain.

"Caia, what are you doing here? Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka?" tanong nya at ibinaba ang dala.

"Okay na po ako. Um, Tita, binigyan na po ng gamot si Harry kaya siya nakatulog," sabi ko.

"Ganoon ba? Buti ay nagpaturok siya ng gamot ngayon." Nagtaas siya ng kilay.

"Ano pong ibig niyong sabihin, tita?" tanong ko.

Umupo si tita sa may sofa kay umupo na rin ako. "This past week, he refused to drink his medicines. Ayaw na niyang uminom ng gamot. Ang sabi niya hindi rin naman daw tumatalab, nag-aaksaya lang daw kami ng pera," sabi ni Tita at tumulo na ang luha.

"Alam mo Caia, wala akong pakialam kung maubos lahat ng pera namin madugtungan lang ang buhay ng anak ko. Kahit maging pulubi kami, kahit mabaon kami sa utang. Nag-iisa lang siya, he was my miracle baby. Kasabay ng paglabas niya ay pagtanggal ng matres ko."

Napaiyak na rin ako habang nagkukwento si tita.

"Nang ipanganak ko siya, nalaman ko na maaari niyang mamana ang sakit ng pamilya ng daddy niya. Natakot ako Caia, lalo na noong unang naatake sya. He was just a little boy back then.
And now it's happening again..."

"... Ayaw rin niyang magpa-opera, ayaw niya, Caia. Please help me to convince him, please, Caia. Alam kong hindi ka dapat naii-stress ngayon dahil buntis ka. But please, nakikiusap ako, bilang isang ina. Do your best to convince him. Natatakot akong mawala siya," sabi ni tita at mas lalo pang umiyak.

You are so selfish, Harry. Hindi lang ikaw ang nahihirapan, kung nakikita mo lang ngayon ang iyong mommy.

"'Wag kang mag-alala, Tita. Gagawin ko lahat para makumbinsi siya. Hindi dapat siya maging makasarili. Ano na lang ang mangyayari sa atin kapag sumuko siya? Isa pa ayoko lumaki ang anak namin na hindi man lang nasisilayan ang kanyang papa. I will do my best po. Promise," sabi ko kay tita.

Nagliwanag ang mukha nya at ngumiti. "Maraming salamat, Caia," sabi niya at niyakap ako. "I'm sorry din kung nagalit ako sa iyo noon."

"It's okay tita, I understand po." Tumango ako. Nadala lang siya ng emosyon niya at lalo ko pang naintindihan iyon ngayon. Magiging mommy na rin ako, and mommy will do everything for their babies.

"Ang sabi ko 'wag mo na akong tawaging tita, hindi ba?"

"Pasensya na po. Hindi ko po-"

"Now that you are carrying my apo. You should call me mommy," sabi nya at nginitian ako.

"Mommy," sabi ko. Tumango siya.

"'Wag kayong mag-alala, Mommy. Pagkagising ni Harry, sesermunan ko talaga 'yan ng bongang-bonga," sabi ko at tumawa. Tumawa rin si tita este mommy pala.

Extreme Beats Of Epiphany (EX SERIES 1) Self-Published Under Immac PPHWhere stories live. Discover now