"E, kasi..."  Hindi niya maiwasang ma-distract sa tila nananakam na pagkain nito.  "Hindi naman ako puwede sa locker room n'yo.  May makakakita sa akin d'un."

                "Sa palagay mo walang makakahalata sa'yo kapag ganyan ka nang ganyan?"  Taas-kilay pa ito.

                "Mag-iingat naman ako..."  Talagang kumukulo na ang tiyan niya sa gutom.

                "Kaya pala,"  tatangu-tango pa ito.  "Muntik nang may makakita sa'yong naka panty at bra lang!" 

                Agad namang namula sa hiya si Minam sa mga pagkakataong iyon lalo na nang maalala ang eksena nila ni Tae Kyung.  Halos makita na nito ang lahat lahat sa kanya!

                "Sana ipinikit mong mata mo."  Umirap siya at ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi.  Kahiya-hiya ang hitsura niya kanina.

                "Are you crazy?  Naghahabol ka na nang hininga iisipin ko pa ba ang makikita ko sa'yo?  As if ang ganda ng katawan mo!"  Nakangiwi pa niyang sagot.  Muntik pa siyang masamid sa pagsisinungaling.  Sa totoo lang naman ay hindi siya makapaniwala sa ganda ng tanawin dito.  Pati na rin ang dampi nang malambot na labi nito.  Noong una'y nandidiri siya dahil sa pag-aakalang lalaki ang nakahalik sa kanya pero nang malaman niyang babae ito ay naiba na lahat nang pagtingin niya dito.

                "E, kasi..." Hindi na niya malaman ang sasabihin.  "Ginamitan mo ba ako ng mouth to mouth?"  Nahihiya pang tanong niya.

                "Do you think I have a choice?"  Pilit niyang ikinubli ang nararamdaman.  "Just by looking at your mouth, naiisip ko ang pagsuka mo sa harapan ko!  That's disgusting!"  Ngumiwi siya at nagpamukhang diring-diri.

                'Sama naman nito..."  Sinamaan niya ito nang tingin.

                "You're maybe a girl but still you're one of the boys for me."  Sabi pa nito sabay sinundan nang subo para pa rin hindi mahalata ng babae na kabaligtaran ang mga sinasabi niya.

                "Buti na lang at ikaw ang nakakita sa akin.  Akala ko si Shin Woo..."

                "Shin Woo?"  Kumunot pa ito.  "Why Shin Woo?"  Hindi niya maintindihan kung bakit parang naiinis siya.

                "Wala lang."  Bumuntong-hininga pa siya.  "Isip ko lang ay  napakabait na tao noon.  For sure madi-disappoint nang husto sa akin 'yun kapag nalamang babae ako."

                "Why are you so concern about Shin Woo?  Gusto mo ba siya?"  Magkakasunod pa niyang tanong.  Hindi siya komportable sa sinabi nito.

                "Hindi, a!  Para ko lang kapatid 'yun!  Kumain ka na nga lang d'yan!"  Irap pa niya.  "Tirhan mo ako ha!"  Hirit pa niya.

                "Good luck kung may matira."  Nang-iinis pa ring sabi na lang niya at muli ngang itinuloy ang pagkain.

Bandang huli ay tinirhan pa rin niya ito at ang hirap para sa kanyang tiisin ito. 

 ***              

                Kinabukasan lang din ay nakalabas na galing ng hospital si Tae Kyung.  Pero isang hindi inaasahang bisita ang bubungad sa kanya.

                "Tae Kyung, halika!  May bisita ka!"  Si Mr. Han na agad pa siyang sinalubong sa may pinto.

                Hindi na rin niya nakuhang makakibo sa pagkakita pa lang sa tinutukoy na bisita nito.  Ang kanyang mama!

HE'S MY GIRL!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant