Epilogue

573 17 0
                                    

What If I Told You (Harry Styles)

© Hardheadeddouche

A/N: EPILOGUE na! Sarreh kung sobrang tagal po.

Continuation..

Wala ako sa sariling pumunta sa pagdadausan ng exhibit. Pagod at nanghihina pa rin pero kailangan kong ngumiti sa maraming tao. Kailangan kong batiin sila at magpasalamat dahil sa pagpunta nila.

Of course I'm happy about this. But hell, kinakabahan talaga ko sa mga posibilidad na pwedeng mangyari.

Hindi pa nila nakikita ang paintings. What about my speech? What about Liam? Paano ko sasabihin?

Nagkasalubong ang tingin namin ni Harry kaya napaiwas agad ako. Bakit ang guilty ko? Bakit kailangan kong gawin yung mga bagay na hindi ko naman dapat gawin?

"Babe." Bati sakin ni Liam pagkatapos akong halikan sa pisngi. Hindi ko sya napansin na dumating.

"Kanina ka pa?" Umiling sya at nilibot ang paningin nya sa ngayon ay dumadaming tao.

Paano ko sasabihin to ng hindi sya masasaktan? Paano ko sasabihin sakanya na may nangyari samin ni Harry ng hindi sya magagalit? What if..

This will never be easy. Being me with this kind of situation will never be.

"D'you wanna talk about something?" Napatingin ako bigla dahil sa sinabi nya. "Huh?"

"May gusto ka bang sabihin? Kanina ka pa kasi tulala at parang may iniisip na malalim."

Hindi ko alam kung anong ekspresyon ang nasa mukha ko pero natatakot akong makita nya na may kasalanan akong ginawa. Maybe it's really that evident on my face but not that exactly obvious.

"Mamaya nalang siguro after ng exhibit Liam."

"Hindi ba pwedeng ngayon na? May kailangan akong gawin. I can't stay long." Lumunok ako at huminga ng malalim.

"Okay."

Hinila ko si Liam at nagpunta sa likod ng building. We need privacy. Kung magagalit man sya at magsasabi ng kung ano ano na alam kong mangyayari ay dapat walang makarinig o makaalam. This exhibit is important to me. Alam yon ni Liam at ng lahat.

Huminga sya ng malalim. Bakit ba pakiramdam ko may gusto rin syang sabihin?

"Hindi na ko babalik sa loob after nito."

"Why?" Tanong ko. Curious lang ako. This isn't my first time to be in an exhibit nakarating na rin ang paintings ko sa ibang panig nitong syudad. But.. he's not there to support me.

"Your paintings were all about Harry, Ghian tingin mo makakatagal ako sa loob?" Sarcastic na sabi nya. There's a hint of hurt on his tone.

What If I Told You (Harry Styles)Where stories live. Discover now