Chapter 10

428 12 1
                                    

What If I Told You (Harry Styles)

© Hardheadeddouche

A/N: SPG again.

Continuation..

Kinabukasan ng magising ako ay wala na si Liam sa tabi ko. Nakakita ako ng note sa lampshade ko na nagsasabi na umuwi na sya at hindi na ko ginising dahil masyado daw mahimbing ang pagkakatulog ko at kailangan ko ng pahinga. Napangiti nalang ako, he's always like that. Sweet, caring and kind ang swerte ko nga sabi ng lahat.

Tumayo na ko sa kama, hindi na ko nag abalang magsoot ng short dahil may underwear naman ako at malaki ang tshirt na soot ko. Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa kitchen, nasupresa akomh makita si Harry pero nakabawi naman ako ng maalala kong magkasama pala kami dito.

Nakaupo sya sa silya habang tulalang nakatingin sa labas ng bintana, mukhang malalim ang iniisip at makailang beses ring bumuntong hininga. May hawak itong coffee mug sa kamay na.

Hindi nya napansin ang presensya ko dahil sa lalim ng iniisip nya.

Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapatitigan sakanya at hindi isipin ang nasa utak nya, ano bang iniisip nya? At bakit ba parang nakakaramdam ako ng guilt? Wala naman akong masamang ginawa pero nararamdaman ko to.

"Oh gising kana pala." Mahinang sabi nya. Napabalikwas agad ako ng makitang nakatingin pala ito sakin.

Malungkot ang mga mata nya pero nakangiti pa rin sya.

"Ah, kani kanina pa ko gising. A-anong oras ka pupunta mamaya?"

Around 5pm ang exhibit mamaya, alam ko naman na maaga syang pupunta roon pero tinanong ko pa talaga.

"Hmm. Mga 4:30 siguro nandon na ko." Binaling nya ang tingin sa coffee mug. Bakit ang lungkot ng aura nya? Bakit ba parang naiinis akong makita syang ganyan?

Mula ng bumalik sya hindi ko na ulit nakita ang playful side nya. Parati nalang may malaking transparent na pader sa pagitan namin.

Aware naman akong mahal nya ko, pero sana hindi sya ganito. Sana naman maging masaya sya para sakin, para samin ni Liam. Hindi yung ganito na para bang puro awkward moments nalang ang nararamdaman ko.

"Ah." Mahinang sagot ko bago pumunta sa counter at magtimpla ng sarili kong kape.

Ayokong mailang sakanya, pero sa pinapakita nya, binibigyan nya ko ng dahilan para magkaganito.

"Aalis na nga pala ko dito by next week." Lumingon ako sakanya, hindi ko maintindihan ang irereact ko kaya hindi ko napansin na napaso na pala ako dahil sa kaonting kape na natapon mula sa mug.

"Shit!" Hinipan ko ang daliri ko pero kinuha nya ang kamay ko at ginawa yon para sakin. He's too close. Nakakasoffucate.

"Mag ingat ka naman!" Sigaw nya.

Kung katulad lang ng dati ay baka nahampas ko na sya dahil sa pagsigaw nya sakin. Pero hindi eh, hindi ko sya masigawan kahit gustuhin ko. Pakiramdam ko pag ginawa ko yon para ko na rin inapak apakan ang puso nyang durog na durog na.

Napansin ko ang pagpunas nya sa kamay ko. May tumulong luha nya sa kamay ko. Inianggat ko ang tingin ko sa mukha nya at napansin na namumula ang mga mata nya.

"Mag iingat ka naman." Bulong nya, sira ang boses nya na para bang nahihirapan syang sabihin yon.

"Harry."

"Ayokong masasaktan ka. Masaktan na ko sa kahit anong paraan wag lang ikaw." Ibinaba nya ang kamay ko at lumabas ng kusina. Narinig kong mahinang sumarado ang pintuan.

What If I Told You (Harry Styles)Where stories live. Discover now