Chapter 3

362 12 4
                                    

What If I Told You  (Harry Styles)

© Hardheadeddouche

Continuation..

Pumayag ako na sya ang gawin kong subject sa gagawin kong painting. I'm comfortable around him and I don't think a guy will be a bad model.

"Talikod ka." Sabi ko.

Nandito kami sa isang open space dito sa park. Maganda ang itsura ng paligid dahil sa hindi pa gaanong maaraw. Sunrise is better than sunset lalo na kung magpepainting ako at hindi manonood lang.

"Ano kaya yon?" Nakakunot noong tanong nya. Natatawa ako sa reaksyon nya pero hindi ko nalang masyadong iniintindi dahil naapektuhan ang mga ginagawa ko pag nawawala ang pagiging seryoso ko.

"Sige side view nalang." Napangiti ako pero ganon pa rin ang reaksyon nya, ginising ko sya ng maaga para tumalikod lang. I understand why he's like that.

"Magkakastiffneck ako Ghian." Reklamo pa nya, I roll my eyes and arranged the colors I needed.

"Harry. Pwede ba." 

"Ghian pwede ba?" Nilingon nya ko. Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko. These past few days parati nalang akong napapaisip sa mga sinasabi o tanong nya. Para bang parating may ibig sabihin.

"Okay, okay." Sinunod nya ang sinabi ko, nakatayo lang sya, habang nakatalikod ay nakalingon sa akin. Kalahating parte lang ng mukha nya ang nakikita at ang kalahati ay nakatago.

Huminga ako ng malalim at isinuot ang reading glasses ko. I put the paint brush on the canvass and start painting.

Every 10 minutes ay humihinto ako sa ginagawa ko para makapagstrentching si Harry. Quarter to 8 na rin ang oras at dumadami na rin ang mga tao sa paligid. May mga nanonood sa likod ko at naririnig ko ang mga bulong bulungan nila pero hindi ako pwedeng madistract kaya kay Harry at sa ginagawa ko lang ang focus ko.

"Done." Sigaw ko. Hinilot ni Harry ang leeg nya bago tumingin sakin at lumapit. Titignan nya sana ang ginawa ko pero pinigilan ko sya.

"Ang damot mo." Nakacross arms na sabi nya. Naririnig ko ang pag iingay ng mga babaeng kaedad namin sa likod ko. This time hindi nalang dahil sa painting, kundi dahil sa lalaking ginuhit ko.

Umupo ako sa damuhan ng mawala ang mga tao sa paligid namin. Naramdaman ko ang presensya nya sa gilid ko pero hindi natinag ang paningin ko sa magandang kulay ng langit.

"Ghian?" Tawag nya.

"Hmm." Nilingon ko sya at nakita kong nakatitig sya sakin.

These past few days parati nalang nya kong tinitignan ng ganito. Para bang may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi, para bang may gusto syang malaman ko pero hindi nya magawang sabihin.

What If I Told You (Harry Styles)Where stories live. Discover now