Chapter 4

330 10 8
                                    

What If I Told You (Harry Styles)

© Hardheadeddouche

Continuation..

Ng makauwe ako sa apartment ay hinanap ko agad si Harry, tinignan ko sya sa living room, sa kitchen, sa batroom, pati na rin sa kwarto ko.. pero wala sya. Normally pag ganitong pagdating nya ay nasa paligid lang sya, hindi sya pumapasok sa kwarto nya dahil hinihintay nya kong magluto o hindi kaya ay nasa kwarto ko sya, makalat daw kasi ang kwarto nya kaya ayaw nyang natutulog don.

"Baka lumabas lang sya." Bulong ko sa sarili ko. Siguro ganon lang, baka bumili lang sya ng makakain dahil anong oras na rin naman ako nakauwi.

Nagpalit ako ng pangbahay na damit at nag umpisang maglinis ng mga nakakalat na bagay sa paligid ng apartment, nagluto rin ako in case na dumating sya at nagugutom pa rin. I need to give him a peace offering para maayos na namin ang lahat ng away namin. I don't want him mad or distant on me.

I spend my time with Liam and everyone in his group, hindi ko inisip si Harry at ang mga sinabi nya kahit panandalian lang.

Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga nangyari at sinabi nya.

Umupo ako sa sofa at nanood ng tv. Tinext ko si Harry at tinanong kung nasaan na sya pero hindi sya nagreply. I don't want to take what he acted and said seriously, masyado syang palabiro para maging makatotohanan yon.

Nawala ang atensyon ko sa tv ng marinig ko ang doorbell. Excited pa kong naglakad papunta sa pintuan dahil sa baka sakaling si Harry ang makikita ko ang babaeng kayakap nya kanina ay nawala ang ngiti ko.

"Hi. N-nandyan ba si Harry?" Tanong nya.

"Sorry he's not here yet. M-may kailangan ka?"

Hindi nya naman sinasabi sa kahit kanino kung saan sya nakatira pero bakit alam niya.

"Nandyan pa ba yung mga gamit nya? Y-yung passport at visa nya?" Hindi ko maintindihan ang tanong nya pati ang pagpapanic nya.

"Sa tingin ko naman hindi sya aalis, tsaka saan naman sya pupunta. Sa pagkakaalala ko hindi naman sya nag renew ng visa at passport." He'll not gonna leave me, sinabi nya yon sakin kaya hindi nya ko iiwanan.

"K-kasi kanina nagpapaalam na sya sakin, k-kaya nya ko niyakap, sabi nya maghanap nalang daw ako ng iba kasi may mahal na sya. Sabi nya aaminin nya na sa babaeng mahal nya yung nararamdaman nya pero pag hindi nagwork yung pag amin nya aalis sya. Masyado syang malungkot kanina Ghian, d'you know the girl he likes? K-kasi gusto kong malaman kung anong sinabi nya kay Harry, I want to ask her if she gave Harry a chance. Ghian okay lang na hindi mapunta sakin si Harry basta wag lang syang aalis." Natigilan ako at nanlambot ang mga tuhod. No way.

"Kilala mo ba yung girl? Di ba bestfriends kayo? Ghian?" Binalik ko ang tingin ko sakanya at umiling, huminga sya ng malalim bago tuluyang nagpaalam at umalis.

No! Joke lang yon di ba?

Hindi naman ako yung mahal nya di ba? Pero sakin sya umamin eh, ako yung sinabihan nyang mahal nya, hinalikan nya rin ako.

What If I Told You (Harry Styles)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang