Chapter 8

412 15 0
                                    

What If I Told You (Harry Styles)

© Hardheadeddouche

Continuation..

Hindi ako makapagsalita, hindi ako makagalaw, pakiramdam ko multo ang nasa harap ko ngayon.

Bakit ganito magreact ang sistema ko, bakit parang may mali sa nararamdaman ko? "Di mo ko papatuluyin?" Seryosong tanong, umatras ako at sinabing tumuloy sya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko dahil bumalik na sya o maiinis ako dahil bumalik pa sya.

He caused to much conflicts between Liam and I. At ngayon nandito kami ni Liam sa 'Cool-off-zone' dahil sakanya.

Ng maisarado ko ang pintuan at humarap sakanya ay biglaan nya kong niyakap.

"Namiss kita." Bulong nya. Hindi ako makagalaw. Masyadong malakas at mabilis ang pagtibok ng puso ko na halos mabingi na ko. Damn it. I miss him too. So much. But I can't tell him that. Masyadong mali. Sya ang dahilan kung bakit nag aaway kami ni Liam, sya ang pinagseselosan ni Liam sa hindi ko mawaring dahilan.

Kumalas sya sa pagkakayakap nya sakin ng mapansin ang pagiging stiff ko. Damn it Harry. Bakit bumalik ka pa? Sana hindi na.

Tumalikod ako at pumunta sa kitchen. Hindi ko sya nilingon pero alam kong nakatingin sya sakin. Alam kong nakasunod sya at hinihintay akong magreact sa pagbalik nya.

"Ghian." Mahinang tawag nya. I can't look around. Ayokong baliwin ang sarili ko. He's here, noong wala sya hanap ako ng hanap sakanya, ngayong nandito na sya ayoko naman syang pansinin. What's wrong with me?

Bumuntong hininga ako at nilabas ang pitchel ng juice, sinalinan ko ang dalawang baso at inilagay sa kamay nya ang isa.

"Nagpakita ka pa? Kala ko patay kana." Sarcastic na sabi ko, ayokong magpakita ng reaction.

Nagulat sya sa inasta ko, but then nagbago rin ang itsura nya, naging seryoso ang dating nya at nawala ang lambing sa mata nya. I miss you so much Harry hindi mo lang pwedeng malaman.

"So hindi mo ko na miss?" Napalunok sya at nakipagtitigan sakin. Kung alam mo lang.

"Siguro nung mga nakaraang buwan, kaso sumuko na ko eh, hindi na rin kasi babalik kaya bakit pa ko mag aaksaya ng oras para alalahanin ka?"

"So you're occupying your room again or what?" Pag iiba ko ng topic. Nilagay ko sa sink ang baso ko at umambang lalabas sana ng kitchen pero pinigilan nya ko.

Sparks, electricity, volts, ano pa bang pwedeng itawag sa nararamdaman ko sa loob ng sistema ko dahil sa hawak nya?

Huminga ako ng malalim at hinawi ang kamay nya pero hinigpitan nya lang lalo ang hawak sakin at tumitig.

"Alam mo bang sinubukan ko?" Hinintay ko syang ipagpatuloy ang sasabihin nya. Anong sinusubukan nya? Na guluhin kami ni Liam? Na guluhin ang nararamdaman ko? Sinusubukan nyang guluhin ang isip ko?

"Sinubukan kong mag moved on. Nagawa ko. Sinabi ko sa sarili ko babalik na ko kasi kaya ko ng harapin yung takot ko. But then this? Nakita lang kitang nagkakaganyan nawala lahat ng pinaghirapan ko! Putangina lang!" Kumunot ang noo ko sa mura nya. Hindi ko sya maintindihan.

"Iba ka Ghian, iba ka talaga." Inalis nya ang kamay nya sa braso ko at inunahan akong lumabas ng kitchen, narinig ko ang pagbagsak ng pintuan, hindi yon ang pinto palabas ng apartment kaya panigurado ay isa yon sa mga kwarto dito. Sa kwarto nya.

Damn this Ghian, ano ba?!

Kinagat ko ang loob ng pisngi ko at huminga ng malalim. Pumasok ako sa kwarto ko, kinuha ang maliit na pouch ko at nilock ang kwarto pag labas ko. I can't stay in an enclose space with Harry.

What If I Told You (Harry Styles)Where stories live. Discover now