Chapter 4: He's a Master?

Magsimula sa umpisa
                                    

"No!" biglang bulaslas niya.

"Walang gagalaw sa iyo. Pangako! Hindi ka mapapahamak. Nandito lang ako." Patuloy na wika niya na ikinaestatwa ko. 

Rinig na rinig ko rin ang pagsinghap ng mga babaeng kanina pa kami inuusisa. Nanuyo naman bigla ang lalamunan ko sa sinabi niya. Tila ba kinilabutan ako't biglang may kung ano akong nararamdaman sa aking batok. Napailing naman ako sa mga naiisip ko at tiningnan siya ng maiigi.

"Hindi pwede. Muntik mo na nga akong  patayin!"

Tinitigan naman niya ako na parang may pinapahiwatig siya. Sa ilang minuto kong pakikipagtalo sa kanya ay sa huli nanalo pa rin siya. Kaya 'eto kami ngayong dalawa. Naglalakad pabalik sa bahay nila.

Napatingin naman ako sa mga bampirang umaalis sa daan kapag nakikita nilang papalapit na si Troy. Hindi ko naman alam kung bakit. Tatanungin ko na sana siya tungkol dito pero naunahan niya ako.

"Huwag ka na munang magtanong tungkol diyan, Sirene."

Kaya tumahimik na lamang ako at sinundan siya. Ilang minuto pa kaming naglakad hanggang sa nakarating kami sa bahay nila. Ngayon ko lang din napansin na ang bahay nila ang pinakamalaking bahay dito sa Valencia.

Pagkarating namin ay agad na bumungad si Miggy dala-dala ang baso na puno ng tubig. Ngayon ko lang naalala kung gaano ako nauuhaw ng ilang araw na kaya agad kong kinuha ang baso at ininom ng mabilis ang laman nito.

"Atlast!" ngiting pagkakasabi ko at hinawakan ang lalamunan ko.

Nakainom na rin. Napahawak naman ako sa tiyan ko ng marinig ang pag tunog ng sikmura ko. Nagugutom na ako. Napangiti naman sa akin si Troy at Miggy at mabilis na pumasok sa bahay.

"Tamang tama at may niluto rin ako kanina. Halika kumain ka." usal ni  Troy habang papasok sa bahay nila.

Namangha na naman akong muli pagkakita sa loob ng bahay. Sa laki ng bahay nila ay napaisip ako kung nasaan ang mga magulang nila. Kung bakit sila lang dalawa ang nandito. Kung bakit wala silang ibang kasama.

"Sirene halika!" tawag sa akin ni Troy kaya mabilis ko namang sinundan kung saan nangagaling ang boses niya.

Napadpad ako sa malawak at malaking kusina nila. Napakaganda at sobrang organisado ng lahat ng bagay. Bumungad din sa akin ang napakabangong aroma. Amoy tsokolate. Napatingin naman ako sa mangkok na hawak hawak ni Troy.

"P-Pagkain." bulong ko sa aking sarili at napatingin din sa maliit na baso na dala-dala ni Miggy, umuusok pa ito dahil sa init. 

"Tsokolate." mahinang usal ko sabay napalunok.

Tila umuuga na ang lalamunan ko sa mga nakikita ko. Ngayon lang yata ako naging lubos na masaya dahil nakakita ako ng pagkain.

Binigyan nila ako ng pagkain at hindi naman ako tumanggi. Hindi na rin ako nagtanong pa kung ba't pati sila ay kumakain nang mga pagkain ng mga normal na taong kagaya ko. Hindi ba ay mga bampira sila?

Tahimik lamang kaming kumakain at nilalasap ko naman ang lasa ng pagkain na nginunguya ko. Ang sarap! Ngayon lang yata ako nakatikim ng pagkaing ganito kasarap. Nginuya ko naman ang huling pagkain na meron ako at ininom ang huling tsokolate na nasa baso ko.

"Hay!" sambit ko at masayang hinawakan ang tiyan ko.

"Nakakain na rin sa wakas!"

Pinunasan ko naman ang pawis na nasa noo ko at tiningnan si Miggy at Troy. Magkapatid nga sila dahil hindi malayo ang itsura nilang dalawa.

I smiled. "Maraming salamat! Maraming salamat sa pagkain." wika ko at yumuko pa.

Nagpapasalamat talaga ako ng sobra dahil hindi sila nag dalawang isip na pakainin ako. Although naalala ko ang sinabi ni Troy kanina sa kapatid niya na baka masamang tao ako. At naalala ko pa rin ang mga ginawa ni Troy kaninang madaling araw.

"Walang anoman ate! Mabait naman talaga kuya ko eh." maamong wika ni Miggy kaya nginitian ko naman siya, hindi na ako umangal pa.

Ibinaling ko naman ang tingin kay Troy at nakitang tapos na rin siya sa pagkain. 

"Salamat!" sambit ko at tinangoan niya naman ako.

Tumayo naman ako sa aking pagkakaupo at niligpit ang pinagkainan ko, ililigpit ko rin sana ang sa kanila pero umangal sila kaya hindi ko nalang ginalaw ang pinagkainan nila.

"Ah matanong ko lang, nasaan nga pala ang mga magulang niyo?" tanong ko sakanila pagkatapos kong ilagay ang pinagkainan ko sa kitchen sink na malapit lang din sa mesa. 

Naramdaman ko namang natahimik sila. Oh, is it a wrong move?

"Minsan lamang silang umuuwi dito sa bahay. Marami kasi silang ginagawa." sabi ni Troy na ikinahinto ko.

Talaga? Kaya ba wala sila rito?

"Busy din po si mom sa academy ate. Siya po kasi ang head doon." wika ni Miggy na ikinataka ko.

So ibig bang sabihin niyan ay head ng isang paaralan ang mom niya? Wow!

"At si dad? Siya ang pinuno ng buong valencia kaya wala siya palagi rito. Nasanay naman kaming dalawa ni Miggy kaya okay lang." sabi ni Troy dahilan upang mapaatras ako.

Pinuno ng buong valencia? Ibig bang sabihin niyan ay pinuno ng mga bampira? Kaya rin ba siya tinawag na master kanina? Napalunok naman ako sa mga naiisip ko. Tiningnan ko silang dalawa na tahimik na nililigpit ang mga pinagkainan nila sa mesa.

Naku po! Kasama ko pa yata ang isa sa pinakamalakas na bampira sa buong valencia.  Ano ba itong pinasok mo Sirene?

The Vampire King's Beloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon