I’m sorry sa ginawa ko sa iyo noon. I promise to bring back what was ours.

Kathryn's POV

Nandito ako ngayon sa isang store. Ang tagal kasi ni Julia kaya nag-ikot muna ako. 

"KATH?" nagulat ako at may tumawag ng pangalan ko.

Paglingon ko nagulat ako dahil nandito siya ngayon. I’ve been dying to see him ever since I got here.

"Oh my god, Lester!!!" sigaw ko at niyakap ko siya. 

Lester, Lester Reyes. Drummer ng Parking 5. Ang Parking 5 o P5 ay isang banda...banda nila ng bestfriend ko.

"Oh? Musta na? Hindi ka na nagpaparamdam sa amin ah?" 

“I’m sorry for that. I got busy na din kasi lately. Dapat nga hindi pa ako babalik dito pero my brother and my mom told me to go back here to finish my studies. So ano? Kumusta na ang lovelife mo?” tanong ko sa kanya.

 Ex niya kasi si Julia, ewan ko lang kung nakamove on na siya. Ilang years na din ang nakalipas eh.

"Secret. Pero don’t worry, I’m better now.” sabi niya sabay taas-baba ng kilay. 

 I smiled. Good for him. Ako kaya? Kailan kaya magiging maayos ang lahat?

“Good thing. O’sige mauuna na ako. Kasama ko kasi si Julia eh ba ka hinahanap na ako ‘nun. Let’s hang out soon, okay?”

 

“Oo sige. Ito pala ang cellphone number ko. Just text me nalang if you want to hang out.” binigay sa akin ni Lester ‘yung number niya kaya ganun din ang ginawa ko. 

“Ingat ka, Les.”

“Sige. ikaw mag-ingat ka rin. Kumustahin mo nalang ako kay Julia, di na kami nagkikita ‘nun eh. I should be heading na. It was nice bumping into you again, Kath!" sabi niya sabay naglakad na paalis ng store. 

Habang hinahanap ko si Julia, pumunta muna ako sa isang boutique. Ba ka incase na nandoon siya.

While finding her, tumitingin din ako ng mga damit dito sa store. 

Habang tumitingin ng mga damit, di ko maiwasan na nasa isip ko na pala siya

How is he? Nasan kaya siya ngayon? Bakit kaya nagka-ganon siya? Bakit kaya ako iniwan ng bestfriend ko? 

Ang dami kong tanong. Hay nako, bestfriend kong t-nga. Nasaan ka na ba ngayon at gusto kitang yakapin sabay sampalin ngayon din.

"KATH!" 

"Ay anak ng tipaklong! Oh Ano ba yan Julia? Bwiset, ginulat mo ako!" sabi ko sa kanya. 

"Kanina ka pa kasi lutang diyan. So tara na?" sabi niya sa akin.

"Hay salamat!" sabi ko sabay hatak sa kanya papunta isang sa book store. 

Natapos na kami mamili ni Julia at napagdesisyunan na naming umuwi. Habang naglalakad, may nakita kami isang lalaki at isang babae na malaswang kung maghalikan sa bench.

Nang mapadaan kami sa kanila, nagulat ako kung sino yung kahalikan nung babae.

 F-ckin hell.

BAKIT NANDITO SIYA?

KathNiel: My Casanova BestfriendWhere stories live. Discover now