💉 MA 3 : Chapter ninety five - Hide

Start from the beginning
                                    


Napansin ko na papunta sila sa kabilang dereksyon na pinagtataguan namin kaya naman sinenyasan ko sila gamit ang pagpisil sa mga palad nila. Alam na nila yun since di din naman namin nakikita ang expression ng bawat isa tangin ang posisyon lang ng bawat isa sa amin ang alam namin.


"Pag nakalayo layo pa sila sa atin lalo magdadahan dahan tayo na lumabas dito okay?" Bulong ko sa kanila and I know na tumango naman sila sa sinabi ko.


Yun naman lagi ang sagot nila once na di naman sila pwede magsalita.


Nang makalayo layo na ang dalawang lalaki ay nagdahan dahan naman kami na lumabas sa pinagtataguan namin. Dahan dahan dahil kailangan namin mag ingat pero sa katangahan nga naman ng mga kaibigan ko natamaan nila ang isang maliit na lata na nasa harapan namin. Hindi ba nila ito nakita? Shitnitz!


Automatic naman na napalingon ako sa kinaroroonan ng mga lalaki at naramdaman ko na tumatakbo sila papalapit sa kung saan galing ang tunog- sa lugar namin ngayon.


Dahil sa mga naglalakihang drum na lata ay hindi nila kaagad kami makikita kaya naman hinigit ko ang nahawakan ko hindi ko alam kung sino sa kanilang apat yun dahil alam ko naman na magkakahawak kamay kami at saka kami tumakbo. Papunta sa ilalim ng isang hagdan na ang gilid ay may mga malalaking drum na naman. Buti na lang may matataguan kami.


"Bakit ba kasi ngayon pa kayo naging clumsy?" Pabulong pero inis kong sabi sa kanila and naramdaman ko naman na nagsosorry sila sa akin.


Magsasalita na sana sila pero agad naman akong nag shh sa kanila dahil naramdaman ko na nandito na ang dalawang lalaki, malapit na sa amin.


Grabe ang kaba ko ngayon hindi ko alam kung paano ko ito ide-describe dahil pati kaba ng tatlo ko pang kasama ay nararamdaman ko. Quatro kill tuloy ako nito. Hindi ko naman pwede na hindi gamitin ang emphaty ability ko dahil di ko malalaman kung nasaan banda ang dalawang lalaking ito pati na rin ang iba. Wala dito si Kass para gumawa ng holoram kung nasaan ang mga kalaban namin.


"Shit! I know I heard it! They're here!" sigaw ng isang lalaki na inis na inis dahil di nya kami kaagad nakita.


"We must find those girls before the other did. We must not let this opportunity to go." Dagdag pa ng isang lalaki. Boy B, that's what I'm gonna call him.


"They must be here somewhere. It's not that far from where we heard those noise." Boy A said.


Mas lalo naman bumundol ang kaba sa dibdib ko dahil sa naramdaman ko na papalapit sila sa amin ng papalapit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko and I don't want to panic. Hindi talaga namin pwede gamitin ang ability namin? Sumilip ako sa paligid para tinginan kung alin ang pwede naming magamit to divert their attention and I saw something...


I gave Jullia an emotion message that I wanted her to do. Hindi ako pwedeng magsalita dahil nasa malapit lang ang mga lalaking iyon and even whisper can be heard lalo na dahil sa tahimik ang lugar na iyo.


Binigyan ko lang ng vission si Jullia sa pwede nyang gawin at naramdaman ko naman ang pagsang-ayon nya at napatingin ako sa hindi kalayuan na may mga drums na lata at binigay ko ang visual kay Jullia since hindi sya pwede sumilip gaya ko at nakita ko naman na gumalaw kaunti ang lata and boom..


Bumagsak ito.


Gaya ng inaasahan ay na divert nga ang atensyon nila at doon sila pumunta kaya naman kaagad kaming tumayo para makaalis na sa pinagtataguan namin dahil hindi safe dito pero bago pa man iyon mangyari ay may panyo na dumampi sa bibig namin and all I can see is starting to blur and then black out. 


*****

Nakakabitin ba? Sorry naman minadali ko kasi ang pagbuo ng chapter na 'to since yah know mommy is life ako ngayon kaya pasensya na. Nakakapagtype lang ako pag tulog na ang baby ko.

BAWI ako next time. 

SALAMAT SA PAGHIHINTAY!!!

Mint Academy 3: The World of the RedWhere stories live. Discover now