Just A Dream

48 2 45
                                    

*Play Di Na Muli by Itchyworms para mas dama 'yung story.

*Thanks for giving me a chance! :)



"Wow! It is so enchanting!" I said, while looking at the garden. There are many types of flowers here like santan, gumamela, bougainvillea, coreopsis and my most favorite, pink roses. Pink roses are symbolic of love, gratitude and appreciation

"Ouch!" I tripped but I didn't fall. It was because of the medium-sized rocks here. Then I saw a Common Jay Butterfly and I followed this butterfly.

"Timothy!" I shouted with a smile on my face. "What are you doing here?" He smiled at me and said, "I've been waiting for you." I smiled again. I was about to run to him but he stopped me. "Wait, I have something important to tell you."

We're not too far from each other. 5 meters apart, I guess. He looks nervous. His right hand is on his back.

"I love you, Sophie Villamor. Higit pa sa kaibigan. Sorry, umabot ng ganito katagal bago ko nasabi. Tatlong salita lang naman 'yan pero hindi ko masabi-sabi dahil sa katorpehan ko. Kulang pa nga 'yang tatlong salita na 'yan. I love you so much, Sophie. At kahit 'yang limang salita na 'yan, pakiramdam ko kulang pa rin dahil sa sobrang pagmamahal ko sa'yo. Hindi sasapat ang mga salita para ipaliwanag kung ga'no kita kamahal. Sorry, nasabi ko kung kailan huli na ang lahat," pag-amin ni Timothy.

"Anong huli na ang lahat? I feel the same way too, Timothy Fontanilla. Ang tagal kong hinintay 'tong pagkakataon na 'to. Mahal na mahal na mahal din kita, Timothy." Napangiti siya at kita ko ang labis na kilig sa kanyang mukha. Magsasalita na sana siya pero pinigilan ko.

"Nung una pa lang kitang makita, gusto na kita. Hindi kita sa classroom unang nakita kundi sa labas ng school. Likod mo nga lang unang nakita ko. Five minutes na lang no'n, time na ng klase ko kaya naglakad ako ng mabilis pero napansin pa rin kita. Nakita ko ang hawak mong plastic bag galing sa convenience store. Binigay mo lahat ng tinapay na laman no'n sa tatlong batang nanlimos sa'yo. Binilisan ko pa ang lakad ko para malagpasan ka na at makita ang mukha mo. Sa isip-isip ko no'n, 'Napakabait na nga tapos napakagwapo pa. Pak na pak!' Pagkatapos no'n, nakita ko pang binilhan mo sila ng tig-iisang bottled water. Dahil do'n, na-late ka sa klase. Tuwang-tuwa ko nang makita kong pumasok ka ng classroom. Kasi syempre, kaklase kita. Umupo ka pa sa bakanteng upuan sa likod ko at inapproach mo 'ko. Naging magkaibigan tayo at habang tumatagal, lalo lamang akong nahuhulog sa'yo." Napangiti na naman kaming dalawa habang nakatingin sa isa't isa.

"At ngayong nasabi ko na kung gaano kita kamahal, asahan mong hindi ako magsasawang ulit-ulitin sa'yo 'yun," pagpapatuloy ko. Tumakbo ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Pagkatapos ay iniabot niya sa'kin ang isang tangkay ng pink rose galing sa kanyang kanang kamay. 'Yun pala 'yung tinatago niya kanina pa.

Niyakap naman niya 'ko at hinalikan ang noo ko.

"Sorry, isang tangkay lang ang dala ko ngayon ah," aniya.

"Ano ka ba? Kahit wala ngang ganyan, ayos lang. Mahal na mahal pa rin naman kita," sagot ko. Bigla naman lumungkot ang kanyang mukha.

"Isang bouquet talaga 'yan e. Nasira lang kasi, Sophie. 'Yan na lang isang maayos na natira," paliwanag niya.

"Bakit? Ano ba nangyari?" Imbis na sagutin ang mga tanong ko, iba ang sinabi niya na ikinagulat ko naman.

"Sophie, sorry talaga. Hanggang dito na lang tayo. Hanggang aminan na lang tayo kasi hindi na pwede maging tayo."

"Ha? Anong bang pinagsasasabi mo, Timothy? Hindi kita maintindihan." Naguguluhan talaga 'ko sa kanya. Panay pa siya sorry kanina pa.

"Basta, 'wag mong kakalimutan kung ga'no kita kamahal. 'Yung pagmamahal na 'yun ay mananatili kahit pa hindi na pwede maging tayo."

Just A Dream (One-Shot Story)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ