"By next month paglalamayan ka na talaga kapag hindi ka lumayo sa Mommy ko!"
Sigaw niya at tsaka lumapit sa akin sabay hila sa akin palayo kay Luce. I just looked at the kid and then at Luce who was rubbing his head. Napabuga nalang ako ng hangin at tsaka tiningnan si Baby Xy na nakahawak ng mahigpit sa akin at nilalayo ako kay Luce.

Natawa nalang ako sa kanya at tsaka ginulo ang buhok nito.

"Geez, kid. Nagbibiro lang." Sabi ni Luce at binigay muli sa kaya ang sapatos niya pero binato lang ulit ito ni Xy sa kanya. Napasapo nalang ako sa noo ko at ibinaba na ang box tsaka na kinarga si Xy palabas ng study room ni Dad. Dad just laughed at us at tinapon narin ang magkabilang piraso ng sapatos ni Xy kay Luce.

Habang palabas pa lang kami ng study room ay tinitingnan na ni Xy ng masama si Luce kaya mas lalo akong natawa. Why is this kid so cute?


"It's okay. It's okay. Bad guy's out of sight."
Pagpapakalma ko sa kanya at tsaka na siya humarap sa akin pero napahinto agad ako nung makita kong may nakatayo na sa harap namin ni Xy. Agad akong tumingin sa lalaking nakatingin lang sa amin. Uhh.. Jun. Right, his name is Jun.


"Dad! Nang-aano na naman po si Luce!"
Pagsusumbong ni Xy dito at parang saglit na tumigil ang hininga ko dahil sa sinabi niya. If this kid calls me his Mom, and he calls Jun his Dad.. then.. does that mean that.. are we? Dahan-dahan akong tumingin kay Jun na nakatingin pala ng diretso sa akin.


"Hey, can we talk?"
Tanong niya kaya bigla akong nanlamig at parang hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumingin ako kay Xy na nakatingin lang sa akin. Tumango-tango lang siya at tsaka na bumaba tsaka tumakbo dun sa sala. Kinamot ko nalang ang batok ko at tumingin kay Jun na binubuksan na ang pinto papunta sa back garden.

Tumingin-tingin nalang ako sa paligid bago ako tuluyang lumabas sa back garden. Jun followed me outside habang nakatingin lang siya ng diretso sa akin. Bakit ba siya ganyan makatingin? Inalis ko nalang ang tingin ko sa mga mata niya at umupo nalang sa bench na nandun.


"Are we married?"
I don't know what came up to me that I immediately asked that question. Eh kasi naman base dun sa tawag nung bata sa amin tsaka dito sa singsing na nasa ring finger ko na parang wedding ring. I'm just taking guesses. Tiningnan ko lang si Jun na parang nagulat sa tanong ko at agad na namula ang pisngi niya dahil dito.

I just looked at him while I was waiting for an answer.


"Uhh.. n-no. No, we're not."
Sagot niya pero naningkit lang ang mga mata ko.


"Then why does Xy calls us Mom and Dad?"
Tanong ko habang nakatingin ako sa kanya na pinapaypayan ang sarili niya. "W-We.. we uhh.. we adopted him." Sagot niya kaya tumango-tango nalang ako. That explains his cute little horns. Tumingin nalang muli ako sa kanya na pinapaypayan parin ang sarili niya kaya mahina akong natawa.

He's cute.


"Sorry for the forward question. I'm just so confused."
Sabi ko at tsaka tumingin sa sapatos ko. One of my shoelaces were loose kaya pinaglaruan ko lang ito sa sapatos ko. Kumunot kaagad ang noo ko kung bakit bigla akong nalungkot nung sinabi niyang hindi kami kasal. Aww—I was expecting to be—wait, what?

Ginulo ko nalang ang buhok ko at inalis ang bagay na 'yun sa utak ko. Xin, just because a guy is cute, you can't be married to him. Okay? I took that as a mental note and then looked at Jun.


"So, uhh.. what do you wanna talk about?"
Tanong ko sa kanya habang nakatingin lang siya sa akin.


"Gusto ko lang itanong kung gusto mo ba talagang sumama sa amin. I mean, we can't force you to come with us since I know that you're still confused over this thing. And I don't want to force you to leave this place either. I just want you to do something that you're comfortable with or go somewhere you're comfortable to go."
Aniya at habang nagsasalita siya at diretso lang akong nakatingin sa mga mata niya. Jun has a pair of gorgeous eyes, and eyebrows and a curved lip and a well-shaped nose.

Team AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon