Chapter Six

1.9K 46 12
                                    

Time check: 11:53 PM. Sunday pa rin naman, 'di ba? Umabot ako, yey! 😂 Salamat sa lahat ng matiyagang naghintay. Love you all and enjoy reading! 💕

###

HILA-HILA ni Kieran ang kamay niya at padaskol na pinapasok siya sa loob ng kotse nito. Siya naman ay kunot na kunot ang noo at nagpupuyos ang kalooban sa hindi maintindihang inakto ng lalaki. Tahimik lang silang dalawa hanggang sa hindi na makatiis si Rose.

"I'm giving you time to explain, Mikaelson. At kapag hindi ko nagustuhan ang lalabas diyan sa bibig mo, pasensyahan na lang tayo pero mapapatay talaga kita," she threatened through gritted teeth.

Napailing si Kieran habang patuloy pa rin sa pagda-drive. Hindi niya alam kung saan sila pupunta pero wala rin siyang pakialam. Mas abala ang isip niya na unawain ang lalaking hindi niya alam kung may sapi ba o may saltik talaga sa utak.

Hindi siya bobo, hindi siya tanga. Alam niya kung ano'ng ibig-sabihin ng mga inaasta nito ngunit ayaw din naman niyang umasa. Paulit-ulit na lang kasi siyang nasasaktan. Nakatatak na sa isip ni Rose na pagdating kay Kieran Mikaelson, walang kasiguraduhan ang lahat.

"I did that for you to remember that you're mine, Rose. Nakatali ka sa'kin, akin ka pa rin. So don't you go and hug or be with any other man again," mariin nitong sambit.

"What? Gago ka ba?" sikmat niya. "Matagal na tayong wala, Kieran, alam mo 'yan!"

"You know what?" saglit siya nitong sinulyapan bago muling tinuon ang paningin sa daan. "I actually don't."

"Tangina mo." Inis na inis na talaga sabi niya at saka humalukipkip.

"You know, we should really start on cleaning that mouth of yours. Masyado ng contaminated."

"Wala kang pakialam."

"You know that's not true, hon," simpleng sabi lang nito.

Inirapan lang niya ang lalaki. "Wala ka pa ring karapatang pakialaman ako. Ano, after everything you did to me, ganoon-ganoon na lang 'yon? Okay na agad tayo? You practically ruined my life! Ni hindi mo nga ako matawag-tawag gamit ang endearment mo sa'kin dati, eh, and now you expect us to be a normal husband and wife, are you insane?"

"Wala akong ginawa sa'yo. You were the one who left, remember?"

Napaismid siya. "Wow! Kathryn Bernardo, is that you? 'Wag mo nga akong paandaran nang ganyan, Kieran. Umalis ako pero ikaw naman itong unang nang-iwan."

"I never left you behind, Love." He emphasized his endearment for her before. "You're my wife, the love of my life. I treated you as my world but then you left and it crumbled." Nakatitig ito sa kanya habang sinasabi nito 'yon. He looked so sincere, like her really meant every word he said that it makes her heart pound faster.

Hindi nga namalayan ni Rose na nakatigil na pala ang sasakyan sa harap ng isang convenience store. Rose could also see longing in his eyes, and so much more that she couldn't name. Ayaw niyang pangalanan ang mga emosyon niya. Ayaw niyang umasa, ayaw niyang masaktan.

"P-pero ikaw ang unang bumitaw, Kieran. Binitawan mo 'yong pangako mo sa'kin, binitawan mo 'yong tiwala mo sa'kin. Now, how can I know that you really stayed?"

Hindi ito sumagot, bagkus ay patuloy lang siyang tinitigan, naghahanap ng tamang salitang sasabihin na makapagpapagaan ng lahat. Unfortunately, Rose noticed that Kieran couldn't find anything that could justify his own claim dahil alam nitong tama siya. He lost his trust in her and still believes that what he thinks is right.

Tuluyan nang tumakas mula sa kanyang mga mata ang ilang butil ng luha nang bigla na lang itong lumabas ng sasakyan imbes na sagutin siya. And there she knew, he still couldn't trust her. And if ever man na ayusin nila ang relasyon nila, it still won't work out. Because she knew deep inside her that even she still couldn't trust Kieran.


The Ex Series #2: RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon