Chapter Five

2K 56 0
                                    

TAHIMIK lamang siya habang nakikipagtitigan sa computer niya. As usual, she ended up fulfilling his request kaya bumalik na lang muna siya sa trabaho. Sana lang talaga this time ay hindi na papakuin pa ni Kieran ang pangako nito sa kanya.

Nagulat pa siya nang biglang tumunog ang telepono. "Mr. Mikaelson's office, what can I do for you?"

"This is Lukas Valiencia. I'd like to confirm my lunch meeting with Kieran Mikaelson, please."

"Okay, sir. Let me verify this to him first. Wala kasi siyang naka-scheule na lunch meeting today. Can I take a moment, sir?"

"Oh, sure. No problem."

She put the line on hold then went inside his office. Hindi na siya nag-abalang kumatok at dire-diretsong pinasok ang teritoryo ng ngayo'y natutulog na demonyo. Nakaunan lang ito sa sariling mga braso na nakapatong sa lamesa kung saan nagkalat ang mga papeles. There are bags under his eyes and he looked tired even in his sleep. Marahil ay talagang pagod na pagod talaga ito. Napapabuntong-hiningang binalikan niya ang kausap sa telepono.

"I'm sorry sir but Mr. Mikaelson is unavailable at this moment. I can set you an appointment with him though, I just need his confirmation so I can insert it on his sched."

Matapos ang naturang tawag ay hindi rin napigilan ni Rose ang kanyang sarili but before anything else, she asked a delivery for their lunch. Muli ay pumasok siya sa opisina ni Kieran at dire-diretsong lumapit dito bitbit ang pagkain nila. Inayos niya ang mga nagkalat na papel at marahang inilapag niya ang mga bitbit sa mesa bago mahinang tinapik-tapik ang natutulog na binata.

"Hey, it's lunchtime." Bati niya rito nang magmulat ito ng mga mata.

"Sorry, hindi ko namalayan nakatulog pala ako."

Nginitian niya lang ito nang matamis. Ramdam niya ang pagod sa boses pa lang nito. "It's okay, mastel."

Mula sa pag-iinat ay napatigil ito at napangiwi sa tawag niya kay Kieran kaya naman hindi na rin niya napigilan pa ang mapatawa. "Disgusting."

"Hindi kaya. Ang cute nga, eh."

"Saan ang cute doon? Wala akong nakikita. 'Wag mo nga akong tawaging ganoon. Ang pangit pakinggan."

Napahagikgik na lang talaga siya sa kasungitan nito. "Oo na po, kamahalan. Come, let's eat." Tinatamad na tinitigan lang siya ni Kieran at hindi man lang kumilos. "C'mon, lalamig na 'tong pagkain, oh. It's Jollibee, your favourite."

"Hindi ako ang may paborito ang Jollibee."

"Hala siya, ito kaya ang madalas nating kinakain noon tapos 'di mo pala favourite?"

"It's because it's your favourite, noob. Kaya kita doon madalas na dinadala dahil bukod sa milktea, Jollibee ang parati mong inuungot sa'kin noon."

Rose couldn't help herself but smile. So naaalala niya pa pala 'yon. The mere fact that Kieran remembers those little things about them even after all these years moved her. pakiramdam kasi niya ay significant siya sa buhay nito kaya hindi nito kinakalimutan ang mga bagay na tungkol sa kanya...tungkol sa kanila.

"Whatever. Halika na nga!" hinawakan niya ang mga kamay nito at siya na mismo ang humila rito patungo sa sofa sa gitna ng opisina. Nilipat din niya ang mga pagkain sa center table at hinanda ang mga 'yon. Binuksan niya ang mga take outs na in-order niya. she ordered their favourite two pieces burger stake, two extra rice, one jumbo fries, two coke floats and one spaghetti.

Naramdaman ni Rose ang mga bisis na pumalibot sa beywang niya kaya tinapunan niya ang lalaki ng masamang tingin. "Baka akala mo bati na tayo?"

"Hindi pa ba?"

The Ex Series #2: RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon