Chapter 15 : Pool Party

Start from the beginning
                                    

“I'm open naman po Tito sa mga possibilities na mangyayare. Kung kami talaga ni Hector it will happen.” ang sagot ni Kara at bumaling siya sa akin ngunit nanatili lang akong nakatingin sa pagkain.

“That's good to hear. Alam mo iha, hindi ka na iba sa pamilya. Kung nangyare man iyon noon ay sana hindi na maulit ngayon.” ang segunda naman ni Mom.

“Mom stop!” ang saway ko kay Mommy dahilan para mapatitig sila sa akin. “I know naman na kaya gusto niyong mapalapit ako ulit kay Kara its because of money! Hindi pa ba kayo contented sa kung anong meron tayo!? I'm all tired! Pagod na ko.”

“Wag mong bastusin ang Mommy mo. Wala kang respeto!” ang pagtataas ng boses ni Dad.

“I'm just telling the truth Dad! Not all this time ay kayo na lang lagi ang tama. We're not a robot para maging tauhan niyo!”

“Hector tama na.” ang saway sa akin ni Ate dahilan para mapatingin ako sa kanya. “Pati ba naman sa pagkain magtatalo kayo? Mom! Dad! Please naman!” ang inis na sambit ni Ate at padabog na tumayo. Narinig ko pa ang saway ni Dad kay Ate pero hindi iyon pinansin ni Ate.

Naging tahimik ang hapag-kainan ng makaalis na si Ate. Nawala na din ang gana sa pagkain at naging tahimik ang lahat.

“Excuse me.” ang paalam ko at tumayo ng walang tingin sa kanila.

Hindi na ako nasanay sa kanila. Halos ganito ang nangyayare pag magkakasama kami sa mansyon. Parang gusto ko ng bumalik ng isla at doon na lang manirahan. Ayuko na ng ganito.

Dumeretso ako sa kwarto ko at agad na nagtanggal ng damit pangtaas at ibinagsak ang aking katawan sa malambot na kama. Hindi ko na naman mapigilan ang mag-isip. Ang wierd lang dahil naaalala ko ang gabing katabi ko si Kara sa kama ko.

Those nights is memorable. Yung gabing pinag-iisa namin ang aming mga katawan. Bakit ko ba ito naiisip?

Out of nowhere ay bigla kong kinuha ang unan at itinakip sa aking ulo. Kung pwede lang mapawi kung ano ang nasa isip ko. Sana.

Napabuntong-hininga ako at hinayaang lamunin ang utak ko ng aking nakaraan. Ilang minuto ang lumipas tatlong katok ang narinig ko sa may pinto ng aking kwarto pero hindi ko iyon pinansin. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto. I know it's Kara.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

“I'm sorry. I'm sorry.” she said.

Bumalikwas ako at humarap sa kanya. Nasa may pinto siya at deretsong nakatingin sa akin.

“Sorry? It's that so? Matapos mo akong ipahiya!? Matapos mo akong saktan! Sasabihin mo sorry? Gaano ba kagaling yang sorry mo to heal my pain inside!? Hindi mo alam yung pakiramdam na maiwan! Hindi mo alam!”

“Please Hector. I'm so sorry. Gulong gulo ako noon. Nasaktan din ako nung iniwan kita.” naramdaman ko ang pagbuhos ng emosyon sa kanya. “Kalimutan na natin iyon. I know you still love me. Hector please, gagawin ko lahat bumalik ka sa akin. Hindi ko kaya pag nawala ka ng tuluyan.”

Iniwas ko ang aking tingin sa kanya ng makita kong unti unting bumabagsak ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi ko siya kayang tingnan na umiiyak.

“Please give me a chance!” ang segunda niya pa.

“I'm sorry.” ang tugon ko.

Tumayo ako at kumuha ng damit sa closet at agad na isinuot. Hindi ako pwedeng magpaapekto sa kanya. Kailangan kong maging matatag ngayon. Kailangan kong umiwas kung kinakailangan.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan at lumabas ng kwarto. Hindi ako tumingin sa kanya instead dinaanan ko lang siya hanggang sa makalabas ako ng kwarto. Iniwan ko siyang umiiyak sa loob.

His MillionaireWhere stories live. Discover now