Chapter Thirteen

3.8K 52 1
                                    

Seven years later...

"GOOD morning, Ma'am."

Ngumiti lamang si Queenie sa kanyang empleyado. Dumiretso na siya sa kanyang opisina. Pagdating doon ay ang kaibigang si Verna ang agad na bumungad sa kanya.

"Verna, what a surprise!" nasisiyahang bulalas niya saka agad na sinalubong ito nang mahigpit na yakap. "Kailan ka pa dumating ng bansa?"

"Three days ago," sabi nito. Pitong taon nanatili sa bansang Singapore ang kaibigan. Kinuha ito ng tiyahin nito pagkagraduate nila. Binistahan siya nito ng tingin. "Wow! Presidenteng-presidente na ang dating mo ngayon ha! Kamusta ka naman?"

Napangiti na lamang siya sa kaibigan. Ilang taon nang siya ang namamahala ng company ng kanyang papa. Magbuhat kasi nang ma-stroke ito ay nanghina na ang katawan nito at hindi na nakaya pang pamahalaan iyon pati na rin ang ilan pa nilang negosyo.

"Great, I'm really great." ang sabi niya rito. "Just a little worn out dahil na rin sa dami ng trabaho ngayon dito sa kompanya."

"Worn out ka pa nang lagay na 'yan eh ang ganda-ganda mo!" biro nito pero agad ring sumeryoso ang mukha. "De, but seriously, you indeed look great kaysa nang huli tayong magkita."

Natigilan siya. Nang huli silang magkita ay hindi pa siya tuluyang nakakarecover sa nangyari sa kanila ni Lyndon. Pagkatapos siyang hindi siputin nito sa may istasyon ay bumalik siyang lumuluha sa kanyang papa. Aaminin niyang nahirapan siyang ipagpatuloy muli ang kanyang buhay pero ginawa niya. Salamat sa kanyang papa at dito na rin dahil naging solid ang suporta ng mga ito sa kanya.

"Ang kapal talaga ng mukha ng lalaki na 'yon, ano?" nagtatagis pa rin ang bagang na ibinulalas nito. "Talagang hindi na siya nagpakita sa'yo."

For some reason, hindi na ulit nagpakita pa si Lyndon sa university pagkatapos nang pangyayaring iyon. Sa totoo lang, sa kabila ng ginawa nito, hinanap-hanap niya pa rin ito noon. Umasa pa rin siyang isang araw ay lalapitan siya nito para personal na manghingi ng tawad. Para magpaliwanag sa kanya. Pero ilang term exams na ang dumaan ay walang dumating na Lyndon. Nabalitaan nalang nila nang patapos na ang semestre na tuluyan na itong nagdrop. Labis siyang nasaktan noon pero nagpakatatag siya. Nangako siya sa kanyang papa na makakagraduate siya. Inabala niya nalang nang husto ang sarili sa pagrereview sa huling nalalabing exams para hindi niya ito maisip. Nagbunga naman ang lahat nang iyon dahil pagdating ng graduation ay siya ang naging cum laude ng kanilang batch.

"Ayoko nang ungkatin pa ulit ang tungkol sa kanya, Verna." sabi niya rito. "Ang mabuti pa, kwentuhan mo nalang ako nang tungkol sa naging buhay mo doon sa Singapore." pinilit na niyang pasiglahin ulit ang sarili. "Ano nga pala ang dahilan at bigla kang nauwi ng Pilipinas?"

"Tama ka. Huwag na natin siyang pag-usapan. Nakakabadvibes lang, eh." pagsang-ayon naman nito. "Anyway, okay naman doon. Okay rin naman ang naging trabaho ko doon. Kaya lang, napagod ako, eh. Gusto ko munang magbakasyon dito kaya umuwi ako."

"Wow, okay 'yan." sabi niya naman. "Alam mo, gusto ko nga ring magbakasyon, eh. Kahit na ilang araw lang. Kagaya kasi ng sabi ko, talagang medyo napapagod na ako sa dami ng trabaho dito sa kompanya."

"O, tamang-tama pala, eh." ang ipinahayag naman nito. "Alam mo kasi, mayro'n akong kakilala na nag-endorse sa akin sa isang resort sa may Laguna. Sabi niya, okay daw do'n. Maganda raw ang mga facilities at affordable. Kung gusto mo, sama ka sa akin. Pupunta ako doon sa weekend."

Nag-isip siya. Kagaya ng sinabi niya ay maraming kailangang asikasuhin sa kompaniya. Pero naro'n naman si Christine. Ang bise-presidente ng kompanya. Pinsan niya ito at sa loob ng ilang taon na nakasama niya ito sa trabaho ay masasabi niyang maayos itong mamahala ng kompanya at talagang masipag. Kung iiwan niya siguro sa kamay nito ang kompanya ng ilang araw ay okay lang.

MISS GOODY TWO-SHOES AND THE REBEL (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon