Chapter Five

3.6K 57 1
                                    

PALABAS ng kanilang room si Queenie nang mapansin niya ang isang babaeng palinga-linga sa corridor ng kanilang kolehiyo. Balisa ito at tila ba may kung sinong hinahanap. Kaagad na umiral ang kaniyang pagkapusong-mamon at hindi niya napigilan ang sariling hindi lapitan at kausapin ito.

"Excuse me, Miss," sabi niya na ngumiti rito. "Are you looking for something or someone in particular?"

Napatitig ito sa kaniya. Sa di malamang dahilan ay tila bigla itong naging tensyonado. Napayuko ito at nang mag-angat ng paningin sa kaniya ay kapansin-pansin ang pag-aalinlangan sa mukha nito.

"I-I'm from College of Engineering," tugon nito na para bang biglang nauutal. "N-Nagbabakasakali lang ako kung makikita ko rito si... Lyndon."

Parang nawala sa lugar ang kaniyang puso nang marinig niya ang pangalan ni Lyndon. Natensyon rin siya na hindi niya mawari. Parang sa isang iglap ay gusto niyang malaman kung ano ang relasyon ng naturang babae sa binata.

"Lyndon?" sabi niya na hindi napigilan ang sariling hindi mag-usisa. "Do you mean Lyndon Vergara?"

"K-kilala mo si Lyndon?" She was bewildered for a while before sadness and guilt take over in her eyes. "Kung makikita mo naman siya, baka puwedeng pakibigay mo naman ito sa kaniya, oh?"

Napatitig siya sa sulat na inaabot nito sa kaniya. Nakaramdam siya ng magkahalong pag-aalinlangan at kuryosidad. Napapalunok na sinulyapan niya ito.

"Look, Miss, I really wanted to help you." sabi niya rito. "Pero sa tingin ko, mas makakabuti kung ikaw nalang mismo ang magbibigay nang personal ng sulat na iyan sa kaniya. Kung gusto mo, maaari kitang tulungan na hanapin—"

"I cant," putol nito sa kaniyang sasabihin. Sa gulat niya ay bigla nitong hinawakan ang kaniyang kamay. Nagsusumamong tinitigan siya nito. "Hindi ko kayang harapin siya kaya, please, nakikiusap ako sa'yo, ikaw nalang ang mag-abot nito sa kaniya."

Iniipit nito ang naturang sulat sa kaniyang kamay at sa hindi malamang dahilan ay hindi na uli niya nagawang tumutol. She mouthed "thank you" to her before she walked away, trembling. Inihatid niya ito ng tanaw bago may pag-aalinlangan na muling mapatitig sa naturang sulat.

NANGILID ang mga luha ni Queenie pagkatapos itiklop ang hawak na papel. Hindi niya gustong pakialaman ang sulat na iniwan sa kaniya ng babae subalit hindi niya napigilan ang sarili. Natuklasan niya mula doon na kaklase pala ito ni Lyndon mula sa College of Engineering. Minsan itong ipinagtanggol ng binata mula sa pambabastos ng isa nilang propesor subalit nang dahil sa pananakot ng naturang propesor rito ay hindi nito nagawang ipagtanggol ang binata. Iyon ang dahilan kaya nasipa ang binata paalis sa College of Engineering. Sa mga nalaman ay hindi niya napigilan ang sariling higit lalong mahabag rito. Sa una palang ay tama na siya nang hinala na walang basehan ang mga masasamang bagay na ibinibintang ng mga ito sa kaniya. Wala siyang ibang gustong gawin ngayon kung hindi ang damayan ang binata at iparamdam rito na mayro'ng isang tao sa unibersidad na iyon ang sumusuporta rito. Kinuha niya ang schedule nito mula sa registrar at dali-dali itong pinuntahan mula sa isang klase nito. Sa kasamaang palad ay hindi niya ito naabutan kaya ipinagtanong niya ito sa dalawang babaeng kaklase nito na namataan niyang palabas ng room.

"Um, excuse me?" aniya sa naturang mga babae. "Itatanong ko lang sana kung nakita ninyo si Lyndon?"

"Lyndon?" wika ng isa sa mga ito na para bang sinisigurado kung tama ang pangalang narinig na sinabi niya. "As in Lyndon Vergara?"

"Yes," nakangiting pagkukumpirma niya. "The tall guy with body piercings and tattoos and—"

"Oh yeah, the moron from the College of Engineering." tatawa-tawang putol ng isa pa sa kanyang sinasabi. "He's not here. But you know what? You can try searching for him in jail because that's where he belongs."

MISS GOODY TWO-SHOES AND THE REBEL (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon