Chapter Eight

5.5K 91 5
                                    

NAGISING si Leila sa mabangong amoy ng freshly grinned coffee. Nang magmulat siya ng paningin ay isang mug ng kape na nakapatong sa may bedside table ang bumungad sa kanya. May nakadikit na note sa mug kung saan nakasulat ang mga katagang: Rise and shine, beautiful. Sa ibaba ay nakalagay ang pangalan ni Greyson. Napangiti siya. She felt so special all of a sudden.

Bumangon na siya at nagligpit ng kanyang pinaghigaan. Nagtungo siya ng banyo at nag-ayos ng sarili bago niya ininom ang kapeng ihinanda nito. Nang lumabas siya ay may natagpuan na naman siyang note sa bungad ng pinto. Nakasulat naman doon ang mga katagang: I want to date the most beautiful nanny in the world. I'm willing to do anything just to afford her yes. Please make my dream come true. Namumula ang magkabilang pisngi na napangiti na naman siya sa nabasa.

Napasulyap siya sa dulo ng hallway at namataan niya si Greyson. Nakangiti ito sa kanya at may hawak na isang pumpon ng red roses. Pakiramdam ni Leila ay nilampasan pa niya ang buhok ni Rapunzel nang mga sandaling iyon. Nag-ba-blush pa rin na naglakad siya palapit dito. Nang makalapit ay inabot nito sa kanya ang naturang red roses. Kiming tinanggap niya naman ang mga iyon mula dito.

"So, is it a yes?" nakangiting tanong nito sa kanya.

Tumikhim siya at umaktong kunwari ay nag-iisip. "No," ang isinatinig niya mayamaya.

Gumuhit sa mukha nito ang disappointment. Napangiti siya sa nakitang naging reaksyon nito. She raised his chin with her hands.

"No, I can't reject your offer." ang sabi niya rito. "Let's go?"

Nagliwanag ang mukha nito sa narinig, and without any word, kinuha nito ang kanyang kamay. She then laced her fingers with his. They stared at each other then smiled. Magkahawak-kamay na naglakad na sila palabas ng mansion.

GUSTO ni Leila na maranasan ni Greyson ang lumabas sa marangyang mundong kinamulatan nito para ma-appreciate nito ang simplesidad ng buhay na nabigo nitong malasap. Kaya naman nag-isip siya ng paraan para mas higit na maging memorable ang unang date nila na iyon para dito. Sa halip na gumamit ng isa sa mga mamahaling sasakyang pagmamay-ari ng pamilya nito ay kinayag niya itong magcommute sakay ng pampasaherong jeepney na pangkaraniwan niyang sinasakyan noong pumapasok siya.

"This is cool!" may permanenteng ngiti na nakapaskil sa mga labi ni Greyson habang nakamasid sa bukas na bintana ng jeepney. "I never imagined that riding a jeepney could be this enjoyable."

Naaliw rin ito sa kalakaran ng pagbabayad sa loob ng jeepney. Nasiyahan ito sa pagpapasa ng bayad sa ibang pasahero. Para itong batang musmos na nakikipag-unahan pa sa pag-abot niyon.

"Where are we headed to?" mayamaya ay tanong nito. "Do you want to watch movies?"

Nakangiting umiling siya. "I know a better place." makahulugang ipinahayag niya.

Dinala niya ito sa carnival kung saan siya madalas magpalipas ng oras noon kapag stressed siya sa school. Nabakas niya ang magkahalong pagkamangha at kasiyahan sa mukha nito habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng lugar. Sa isang iglap ay nagmistula na naman itong batang musmos sa kanyang paningin.

"Did you like this place?" tanong niya rito.

Sunod-sunod na tumango ito sa kanya. "I can't believe that I'm taking for granted this such things." Hinawakan nito ang dalawang kamay niya saka ngumiti sa kanya. "Thanks for bringing me here, Leila."

Isang ngiti lamang din ang itinugon niya rito. She was just happy that he's having the time of his life. Niyaya niya itong sumakay ng ferris wheel pati na rin sa iba pang rides na mayro'n doon. Kitang-kita naman niya na labis itong nag-e-enjoy. Parang sa buong panahon na nakasama niya ito ay noon niya lamang ito nakitang gano'n kasaya.

"Let's have something to eat." ang ipinahayag nito matapos nilang masakyan ang lahat halos ng rides doon sa carnival. "I'm sort of hungry."

Nang yayain siya nito sa isang pasta and pizza house ay tinanggihan niya ito. Sa halip ay kinayag niya ito sa isang stall kung saan mga street foods ang specialty. Gumuhit sa mukha nito ang disgusto nang mag-order siya ng mga iyon.

"I don't eat street foods." wika nito.

She smiled at him. "Then you should try." Inabutan niya ito ng isang stick ng barbeque. "Believe me, you're gonna like it."

Sandaling pinaglipat-lipat nito ang paningin sa kanya at sa hawak niyang barbeque. Napabuntong-hininga ito di kalaunan. Napipilitang inabot nito iyon mula sa kanya at kumagat nang maliit na piraso. His eyes flickered. Kumagat ulit ito ngunit sa pagkakataong iyon ay mas malaki nang piraso, pagkatapos ay sumulyap ito sa kanya, kababakasan ng panggigilalas ang mga mata nito.

"Wow!" bulalas nito. "It's not bad at all!"

Naubos nito ang laman ng stick na ibinigay niya. Kumuha pa ito ng panibago. Tinikman rin nito ang iba pang street foods na in-order niya. Nagustuhan rin nito ang halos lahat sa mga iyon. Nilisan nila ang stall na mas marami pa itong nakain kaysa sa kanya.

"I had fun." sabi nito sa kanya nang pauwi na sila. "I've never been this happy in my whole life."

Huminto ito sa paglalakad at kinuha ang mga kamay niya. "Leila, I owe you everything and I want you to know that I'm so thankful to God that you came into my life." pagkasabi niyon ay ginawaran siya nito nang isang masuyong halik sa noo.

Gusto niyang sabihin dito na napakasaya rin niya na nakilala niya ito, bagaman may mga bagay na hindi na kailangan pang sabihin, ipinaramdam na lamang niya dito na pareho sila ng nararamdaman nang mga sandaling iyon.

NAKATINGALA si Leila sa mga bituin sa kalangitan habang nakaupo sa hammock sa bukana ng mansion. Ang sarap pala sa pakiramdam ngayong alam niyang nagawa na niyang bigyan ng laya ang nararamdaman niya para kay Greyson. Bonus nalang yata na pareho rin ito ng nararamdaman sa kanya. She couldn't think of much more ways to shower him with love. Gusto niyang ipagkaloob rito ang lahat ng atensyon at pagkalingang hindi nagawang maibigay ng mga magulang nito. Gusto niyang makabawi ito sa kalungkutan na matagal nitong kinasadlakan. She's willing to do anything to make him happy. But as long as she wants to, alam niyang panandalian lamang ang lahat dahil kahit anong gawin niya ay may mali pa rin sa kung ano mang namamagitan sa kanila.

She wonder what would happen kung may makaalam niyon. People wouldn't understand for sure. And of course, his parents would not approved. Pero saka na niya iisipin iyon. As for the moment, she wants to spend all her time with him. Doon muna siya magfofocus pagka't ang makasama ito ang pinakamahalagang bagay sa kanya sa kasalukuyan.

Nagulat si Leila nang sa gitna ng kanyang pagbubulay-bulay ay may mga kamay na biglang sumaklob sa kanyang mga mata. Napangiti siya nang kapain niya iyon pagka't sigurado siyang si Greyson iyon.

"You're playing around again, Grey." wika niya na tinanggal ang mga kamay nito. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha nito. "What is it?" ang tanong niya rito.

"Nothing," kibit-balikat nito saka dali-daling tumalima sa kanyang tabi. "I just thought na hindi mo pa sinasabi sa akin na gusto mo rin ako." Ginagap nito ang isa niyang kamay saka direktang tinitigan siya sa mga mata. "Do you like me, Leila?"

She smiled at him then put her other hands on his cheeks. "I very much like you, Grey." Hinaplos-haplos niya ang pisngi nito.

Ngumiti rin ito sa kanya saka walang babalang pabigla siyang ginawaran nang isang mabilis na halik sa labi. Nag-init ang magkabilang pisngi niya at hindi nagawang magsalita.

"Geez! You're blushing!" nakatawang panunukso nito sa kanya. "Leila, you're blushing!!" paulit-ulit na sabi nito.

Sinimangutan niya ito. "Why, you!!" Ginulo niya ang buhok nito. "Ang kulit-kulit mo talaga!" Litanya niya. "Matulog ka na nga!"

Tinawanan lamang siya nito. "Fine, fine!" sabi nito na tumayo na. "Goodnight, Leila."

Hinigit niya ito. "Goodnight too, Grey." Hinapit niya ito sa leeg saka ginawaran nang isang masuyong halik sa noo. "Sweet dreams."

He brushed his nose to hers. "I'll dream of you." wika nito na kumindat pa.

Labag man sa loob ay pinakawalan na niya ito. Baka hindi niya mapigilan ang sarili at siya naman ang humalik rito. Ihinatid niya ito nang tanaw habang papasok ito sa loob ng mansion. Then she sighed with happiness. Patayo na rin sana siya mula sa hammock nang may kung ano siyang maulinigan sa di kalayuan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang malingunan si Mrs. Charles. Nakaupo ito sa backseat at nakadungaw sa bintana ng kotseng sinasakyan nito. Salubong na salubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanyang direksyon. Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. Sa reaksyon ng mukha nito ay sigurado siyang nasaksihan nito ang lahat nang naganap sa pagitan nila ni Greyson.

WORTH THE WAIT (Published Under PHR)Where stories live. Discover now