Chapter Five

5.9K 118 6
                                    

NAG-ANGAT si Leila ng ulo mula sa pagkakadukdok sa gilid ng kama ni Greyson. Naghihikab na nag-inat siya bago nagpalinga-linga sa kanyang paligid. Nanlaki ang kanyang mga mata nang marealized na sa kwarto pala ni Greyson siya nakatulog. Nang balingan niya ang kama nito ay nakita niyang wala na ito roon. Nasaan na kaya ito? Nag-alala na naman tuloy siya dahil ang huli niyang natatandaan kagabi bago siya makatulog ay mataas pa rin ang lagnat nito.

Tatayo na sana siya mula sa kinaroroonan para hanapin ito kung hindi lamang biglang bumukas ang pinto ng CR sa silid nito. Lumabas doon si Greyson na mukhang bagong ligo lang dahil pinapasadahan pa nito ng tuwalya ang basang buhok. Nakasuot ito ng manipis na sando at shorts. Hindi na naman niya naiwasang hindi matulala sa anyo nito.

Napalunok siya. "G-Greyson," Natutop niya ang bibig. "Oops, I'm sorry. Seniorito pala." Marahil ay natawag niya ito sa first name nito noong nakaraang araw. Subalit iyon ay dala lamang ng iritasyon. Hindi na dapat iyon maulit pa. Afterall, amo pa rin niya ito.

"No, it's okay." sabi nitong hindi tumitingin sa kanya.

Nagulat siya sa ipinahayag nito pero hindi na lamang niya iyon pinansin. "Hala! Bakit naligo ka na hindi ka pa naman yata magaling!" Tumayo siya at dali-dali itong nilapitan. "Patingin nga," sinalat niya ang noo nito at pinakiramdaman ang temperatura nito. Subalit na-distract siya nang di sinasadyang magkasalubong ang kanilang mga paningin. Oh shoots! Napakareckless lang nang move niya na iyon. Dali-dali siyang nag-iwas ng paningin. "Sorry for that."

"Mabuti na ang pakiramdam ko." wika nitong hindi pa rin inaalis ang paningin sa kanyang mukha.

Tumango-tango siya. "Ah," ang nagawa lamang niyang sabihin. It was strange pero bigla siyang nailang sa mga titig nitong iyon. "K-Kung gano'n pala bababa na ko." Tinalikuran na niya ito.

Palabas na sana siya ng pinto nang muli ay tawagin siya nito. "Leila," wika nito.

Nilingon niya ito. "Bakit?"

He took a deep breath. "Thanks for taking care of me." There was a slight smile on his lips.

Did he just say thanks and smiled at her for the first time?

Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita sa labis na pagkagulat sa narinig at nasaksihan. "N-No problem." Pagkasabi niyon ay mabilis na niyang nilisan ang silid nito. Bakit pakiramdam niya ay mayroong nagbago rito? Weird.

"KAMUSTA na si Greyson?"

Hindi kaagad rumehistro sa pandinig ni Leila ang tanong na iyon ng tiyahin ni Alexa. Masyado pa rin kasing abala ang diwa niya sa pag-iisip sa bigla na lamang pagbabago ng pakikitungo sa kanya ni Greyson. The past days ay sobrang rude nito sa kanya. Nakakapagtaka na bigla na lamang naging sibil ang pakikitungo nito sa kanya. Posible kayang na-appreciate nito ang pag-aalaga at pagbabantay niya rito habang may sakit ito at iyon ang nagpabago rito? Gosh! Kahit hindi siya sigurado ay hindi niya mapigil ang puso na hindi tumaba sa thought na iyon.

"Leila, narinig mo ba ang sinabi ko?" ang muling pagpukaw sa kanya ng tiyahin ni Alexa.

Napakurap-kurap siya nang makahuma. "P-po?" ang sabi niya. "Ano na nga po yung tinatanong ninyo, Tita Josie?"

Pinagkunutan siya nito ng noo. "Tinatanong ko kung kamusta na ang kalagayan ni Greyson." ulit nito. "Magaling na ba siya?"

"Opo." Tumango siya. "Naligo na nga kanina, eh." Lumapit siya sa kitchen island. "Okay na po ba ito?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang lunch nito na ihinanda ng tiyahin ni Alexa.

"Oo, okay na iyan." tugon nito. "Sige na't ihatid mo na sa kwarto niya. Baka mamaya ay nagugutom na iyon."

Tumango siya. "Sige po." Binitbit na niya ang food tray at nagsimula nang humakbang palabas sa pinto ng kusina. Subalit hindi pa man nakakalayo ay napahinto na siya nang matanaw si Greyson na parating.

WORTH THE WAIT (Published Under PHR)Where stories live. Discover now