Simula ng makita ko siya, bumalik na ang lahat ng nangyari sa nakaraan ko, lahat lahat!

Nagsulat ako, puro Errol ang isinulat ko, Erol ang iba. Gustong gusto ko ang pangalang iyon  kaya iyon ang binigay ko sa aking nag-iisang anak.

Ilang linggo na din akong nandito at ginagamot para gumaling daw ako. Gusto ko din yun para naman makasama ko na ang anak ko, buong buhay ko ay siya lang ang naging dahilan ko kung ba’t ako hindi sumukong maghanap sa kanya.

Hanggang sa nabaliw ako pero ngayon handa na ako, handa na akong makita at makasama siya ngayon.

Sinulat ko ang pangalan ng ama niya, si William Garcia.

“Talaga bang siya? Siya ang papa ni Black!?” tanong sakin ni Rita

“Oo siya nga, naalala ko na ngayon!” sabi ko

“Talaga Karmen? Talaga?” gulat na tanong ni Rita sakin

Tumango lang ako

“Base sa obserbasyon namin, gumagaling na nga siya, naaalala na niya ang lahat!” sabi nung doctor

“Talaga!! Yehey!!” sabay yakap sakin ni Rita pero si Pia ay nakatingin lang

Sila ang tumulong sakin at nag-alaga kaya utang ko sa kanila ang buhay ko, pati na din kay CC at Ken pero wala sila ngayon.

“So anong plano mo ngayon?” seryosong sabi ni Pia

“Pia?” tanong ni Rita na nakukuha pa saya

“Kailangan kong makita siya at ang anak ko!” seryoso kong sagot

Pagkatapos ng usapang iyon ay hindi pa ako pinapalabas, may mga kailangan pa daw akong gawin na mga bagay bagay para masiguradong hindi na bumalik ang sakit ng pagkabaliw.

Dalawang linggo akong ganun ang ginagawa, eksamin dito eksamin doon hanggang sa isang araw ay nakalabas na ako.

Nung una ay natatakot ako na baka anong gawin sakin ni William at ng asawa niya kapag malaman nilang bumalik ako para sa anak ko. Ayokong maghiganti dahil matagal na yon, ang gusto ko lang ay makita ang anak ko at masabi na ako ang totoo niyang ina.

“Ito na ba ang address?” tanong ni Rita

“Ito na nga!” sagot ko naman

Binasa ko ang binigay na address sakin ni William Garcia, hindi naman kami nahirapang maghanap ng address niya dahil kilala at sikat si William.

Naghintay pa kami ng isang linggo bago humarap sa kanya, nasa ibang bansa daw ito at matagal pa bago makauwi pero naghintay ako, naghintay kami.

Nag door bell ako, isang katulong ang lumabas at pinasok naman kami. Mukhang alam niya atang paparating ako, isang lalaki ang sumalubong samin at mukhang binata pa ito. Nasa twenties pa ata ito.

BOOK 2: Our story as Cousins? [Kathniel]Where stories live. Discover now