Twenty Four

11.4K 197 14
                                    

 “ATE ALIS NA KAMI!!” sigaw ni Kevin mula sa labas

“OH SIGE, wag kayong magpapagabi ha!” sabi ko at pumunta sa kanila

“Oo naman ate!” sabay saludo ni Kevin

At umalis na ang dalawa, kapag walang klase at walang trabaho ang mga yun. Kung saan saan nagpupunta pero may tiwala naman ako sa kanila kaya pinapayagan ko. Mga bata nga naman, hindi ako strikta nuh? HAHA kasi pinagdaan ko naman yang mga ganyan :p

Anyway wala ngang trabaho ngayon, nag day off muna ako, si Ella hindi ko muna pinag trabaho sa café kasi siya nalang lagi ang nag-aasikaso dun kahit na ang bata bata pa kaya pinag-enjoy ko muna. Masayang masaya naman ang boypren kaya gala na naman sila kasama ang ibang barkada

Maghahanda muna ako, magdadala ako ng tanghalian kina Tita Karmen, pupunta ulit ako sa hospital diba!? Iba’t ibang ulam ang hinanda ko, sinabi ko naman na wag ng mag-abalang magdala ng pagkain. HAHA parang magpipiknik tuloy kami :p pero masaya naman yung for sure kaso nga lang wala si Ken

Tumawag kanina, nasa Hawaii na daw siya for business of course at nalungkot dahil sa paghahanda ko ng pagkain na parang pagpipiknik kami. Sabi ko naman wag siyang malungkot kasi gagawin ulit ko ‘to para sa kanya ^______^ para hindi na malungkot dun. Ayun sumaya kaya bibilisan na niya daw ang pagbalik dito.

Handa na ang lahat pero maliligo muna ako, paakyat na ako ng kwarto ng tumunog ang phone ko sa may bulsa. Tiningnan ko kung sino ang tumawag

Calling

Britney

Kaya naman sinagot ko habang papuntang kwarto

“Oh napatawag ka!?” ako

“Ouch naman CC, we hate you!!” sabi niya sa kabilang linya

“Ha!?”

“Oo nga CC, we hate you!!” si Mica naman ang nagsalita

Means magkasama sila ngayon at ang labo nila! >__<

“Teka nga, ano bang pinagsasabi niyo!?” ako sabay upo sa kama

“Masakit CC eeh!!” si Britney at na-i-imagine kong humahawak siya ngayon sa noo niya na parang hihimatayin -___-

“H—“ hindi na ako natapos sa pagsasalita ng nagsalita ulit si Britney -___-

“Anyway CC, enough drama and don’t forget ha sa Sunday!!” sabi niya tsk, kayo lang naman ang madrama jan! >_<

“Oo naman noh!” ngumiti naman ako

“Akala kasi namin nakalimutan mo na!” patampong sabi niya

“Ano ba naman, hinding-hindi ko makakalimutan ang party mo noh!!”

“Halos maiyak na nga si Britney kasi hindi ka nagpapaalala sa party niya!” Mica

“Ano ba kayo, kahit busy ako hindi ko malilimutan ang mga importanteng bagay!”

BOOK 2: Our story as Cousins? [Kathniel]Where stories live. Discover now