#MatchedTwelve

146 4 1
                                    

May 27, 2018

Matched

11:41 PM

Jes:

EJ, I just want to share something, wala talaga akong mapagsabihan.

Ang sakit-sakit.

Mas'yado na ba akong mabait?

Masyado na ba akong 'happy-go-lucky'?

Ang sakit lang talaga, tapos magso-sorry na lang may kasama pang mura, nakakainis

Gusto kong sabihin sa kanila na nasasaktan na ako, pero 'di ko masabi sa kanila

Ang hirap na mag-pretend na okay ka.

Tapos 'yong mga masasakit na salitang binibitawan nila, tinatawanan ko na lang.

Kahit na gano'n sila, I always forgive and forget, kase sabihin nila ang sensitive ko mas'yado which is true naman.

Sorry kung naflo-flood na kita, 'di ko na kase kaya e, gusto ko ng sumabog.

Pinagbibigyan ko na sila sa mga favor nila, pero ako pa yung napapasama?

Ako yung may kasalanan, lagi?

Lahat na lang ginagawang biro, pati nararamdaman ko, ginagawang biro na.

Ang babaw ko kase, HAHAHAHA. Sobrang babaw ko, kahit sa maliit na bagay umiiyak ako.

Kaunti na lang talaga susuko na'ko, lahat ng kinakapitan ko, unti-unti na silang nawawala,

Ang dami kong problema, sa sobrang dami di ko na masolusyunan kase inuuna ko 'yong mga problema nila.

Tapos sila na nga tinutulungan, mumurahin ka pa.

Sorry ang drama ko, HAHAHAHA. Ikaw lagi nasasabihan ko ng problema ko.

Everyone thought I'm strong person, but they didn't know that I'm dying already.

Tama na nga yung kadramahan, HAHAHA. Thank you, and Good Mornight, EJ

:>

Matched Where stories live. Discover now