"Ate! Baba ka na. Naiinip na si pogi!" Sigaw ulit ni Boyet.

"Oo na!" Pabalik na sigaw niya sa kapatid.

Habang pababa ng hagdan si Micah, hindi parin nawawala ang kaba sa dibdib niya.

"H-hi!" Bungad niya sa binata.

"Hi." Ani Dean na hindi makapaniwala sa nakita.

"Ate, may bestida ka pala? Bakit ngayon kalang nagsuot niyan? Ang ganda mo ate!" sabi ni Boyet kay Micah na hindi parin makapaniwala sa nakikitang pag-aayos ng kapatid.

Simple lang naman ang suot ni Micah. Isang blue-collard and above-the-knee dress ang damit niya. Dotted ang disenyo niyon at hapit na hapit sa maliit niyang baywang. Because it's an above-the-knee dress, direktang makikita ang pino at maputing kutis ng dalaga.

"You look beautiful Micah." Mahinang sabi ni Dean nang makababa na ang dalaga.

"S-salamat." nahihiyang tugon ni Micah sa binata.

"Ah-excuse po sa inyong dalawa, may lakad po ba kayo?Ate sama mo naman ako. Please?" Pagsusumamo ni Boyet sa kapatid.

"Sure Boyet, isasama ka namin ng ate mo. Magbihis ka na at hihintayin ka namin." Saad ni Dean sa bata.

"Wag kalimutang maligo Boyet ha!" pasigaw na sabi ni Micah sa kapatid na dali-daling pumunta sa silid nito. Naiwan silang dalawa na kapwa tahimik sa isa't isa.

"Micah, you're gorgeous on that dress. I can't believe that you're going to wear one knowing you na parang hindi komportable sa ganyan." Mahabang sabi ni Dean sa dalaga. Mababanaag sa mga mata ng binata ang amusement.

"Hindi talaga ako sanay sa ganito eh.Ewan ko ba bakit pa ako nagsuot nito. Magbihis nalang kaya ako? Mukhang maliit narin sa'kin 'tong damit eh." Sabi ni Micah na halatang hindi komportable sa damit niya.

"No Micah, I swear! You're great!. So 'wag kana magpalit okay?" pagsusumamo ni Dean sa dalaga.

Nakabalik kaagad si Boyet matapos nitong magbihis kaya wala nang nagawa pa si Micah kundi maging komportable nalang sa damit niya.

My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon