Chapter 7

1.2K 37 0
                                    

"Happy birthday hijo!" Bungad ni Don Fabio sa telepono ng sagutin ni Dean.

"Thanks 'lo. Nadagdagan na naman ang edad ng guwapo niyong apo."

"Kaya nga sabi ko na mag-asawa kana. Gusto ko nang makita ang apo ko sa tuhod bago ako mawala sa mundong ito." Sabi ng Don.

"Naku 'lo mahaba pang buhay mo okay? By the way, bukas na tayo magcelebrate for my birthday dahil may lakad pa ako ngayon eh." Kapagkuan ay sabi niya sa Don.

"Date na naman ba 'yan apo ko? Kumusta na pala yong favor ko sa iyo hijo?" Tanong niya rito.

"'And that's the reason why I can't celebrate with you guys today in my birthday." May halong tuwa sa tinig ng binata.

"Talaga hijo? At bakit parang natutuwa ka pa ngayon? May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

"Naku 'lo wala po. Masaya lang ako dahil birthday ko." Sabay palatak sa hangin ni Dean.

"Ang apo ko talaga oo. Siya sige, I won't take so much of your time. Be sure to update me always okay? Bye apo and have a great day in your birthday!" pagkasabi niyon ay ibinaba na rin ni Dean ang telepono.

Hindi alam ni Dean kung ano ang nangyayari sa kaniyang sarili. This is not part of his plans. But there's something that pushes him to pursue anything about Micah. Hindi niya alam kung ano ang dapat niya e-pursue para sa babae subalit isa lang ang alam niya – he wants to know more about her.

Balisa si Micah sa kanyang silid ng araw na iyon sa kadahilanang susunduin siya ni Dean. Umalis nang maaga ang kanyang ina dahil maghahanap ito nang mapaglalabahan. Kahit may arthritis ito, matigas parin ang ulo. Silang dalawa lang ni Boyet ang naiwan sa bahay.

"Ate, nandito si pogi sa baba!" sigaw ni Boyet. Kumabog bigla

ang dibdib niya sa di malamang dahilan. 'Ano bang nangyayari sa 'kin? Gusto ko na ba ang lalaking 'to?' tanong niya sa sarili.

My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon