Chapter 33

1K 33 4
                                    

   Hindi alam ni Micah kung anong mangyayari sa kanya ngayong gabi subalit dapat na niyang ituwid lahat ng kanyang pagkakamali at aminin sa kanyang ina't lolo ang naging trabaho niya sa San Martin.

"Dean, ibigay mo na sa akin ito." Ani Micah kay Dean at saka bumaling kay Lexie."Alam mo, hindi naman kita kilala eh. Wala naman akong atraso sa iyo. Pero humanap ka parin ng isang bagay para siraan ako sa lahat."ani Micah na dahan-dahang tumayo ngunit nakatitig parin kay Lexie.

"Anak, huwag mo nang patulan ang babaing iyan. Pag-usapan nalang natin ito na walang ibang taong makakarinig batay sa pag-aakusa niya sayo." Ani Aling Meding sa anak.

"Nay kailangan kong harapin ang lahat ng ito kahit marinig pa ng boung mundo." Matigas na saad ni Micah."So ano bang gusto mong malaman ha, Lexie? Na magnanakaw ako? Ganun ba?"

"Oo! Na aminin mo sa lahat na magnanakaw ka!At kahit kelan ay hindi ka nararapat para kay Dean dahil baka nakawan mo lang siya!" at sinugod muli si Micah. Ngunit sa pangalawang pagkakataong nahawakan ni Micah ang kamay ni Lexie ay kaagad niyang pinulupot ito at pinatalikod na iginapos gamit ang ribbon na nakuha ni Micah sa damit niya. Namangha ang lahat sa ginawa ni Micah at naging katatawanan naman si Lexie.

"Akala ko ba gusto mong malaman ang sagot Lexie! Sige sasagutin kita sa harap ng mga taong ito na hindi ko kilala." Ani Micah bago magpatuloy."Oo! Magnanakaw ako!Iyan ang naging trabaho ko sa San Martin!Pero hindi ko obligado na magpaliwanag sa iyo!"biglang tumahimik ang lahat ng mga tao sa paligid."Ano masaya ka na?"

"A-anak." Ani Aling Meding na unti-unti nang napahikbi.At bago pa magsalita si Don Manuel ay nilinasan na ni Micah ang stadium. Hindi naman nagdalawang-isip na sinundan ni Dean ang dalaga.

"Tito Manuel, I'll get Micah. Huwag po kayong mag-alala, magiging okay po ang lahat." Ani Dean bago lumabas ng stadium. Narinig pa ni Dean ang ama ni Lexie na galit na lumapit sa anak.

"You brat!Kung may gusto kang sabihin, dapat sa pribadong lugar mo ginawa!You acted like your mother!" galit na saad ng ama ni Lexie bago bumaling sa kinaroroonan ni Don Manuel.

"Manuel, I'm sorry for this mess. Don't worry we will not file any case against your granddaughter. Alam naman natin na may pinagdadaanan din yong bata." Anito kay Don Manuel.

"You'll surely iron these things Juancho dahil kung hindi, three fourths of my share in your company will be lost.I know may nagawa ang apo ko but that was her past na hindi na sana pinakialaman ng anak mo. Things like these should be discussed in private.Excuse me." Mahinang tugon ng Don bago umalis kaagapay ni Aling Meding.

"Micah! Wait!" sigaw ni Dean sa tumatakbong dalaga."Micah!"

"Ano pa bang gusto mo Dean?Magnanakaw ako okay!?" pasigaw namang saad ni Micah at huminto na sa pagtakbo.

"Look Micah, wala akong pakialam kung anong nakaraan mo." Mahinahong saad ni Dean sa dalaga.

"Hindi Dean, alam kong kahit kailan, hinding-hindi mo matatanggap ang isang babaing snatcher!" ani Micah na mugto na ang mga mata sa kakaiyak.

"Micah I love you for what and who you are. Kahit ano ka pa, tanggap kita the day I laid my eyes on you. Look babe, wala akong pakialam kung ano ang trabaho mo noon!Mahal kita and it didn't change everything ngayong nalaman ko ang nakaraan mo." Pagpapaliwanag ni Dean sa mailap na dalaga.

"Pero alam mo na may gagawin ngayon yong Lexie hindi ba?Bakit hindi mo sinabi sa akin?"nagtatakang-tanong ng dalaga.

"Dahil ayaw kong masira ang gabing ito Micah. Ang buong akala ko'y nagbabadiya lang si Lexie." Ani Dean sa dalaga."Wala ka namang dapat na ikatakot eh. Kung ang iniisip mong iiwan kita kapag nalaman ko ang nakaraan mo, nagkakamali ka."

"Hindi tayo bagay Dean. Hindi parin mawala sa isip ko na naging snatcher ako noon. Na iyon ang ikinabubuhay namin na hindi alam ni inay!Masama akong tao Dean. Masama akong anak!" umiiyak na sigaw ni Micah.

"Wala akong pakialam Micah!Mahal kita at iyon ang importante! Nagawa mo lang naman iyon dahil sa kailangan hindi ba?" ani Dean habang pilit na inaamo ang dalaga."Micah,alam mo bang malaki ang pasasalamat ko sa iyo sa pagkaligtas mo sa akin noon?" kapagdaka ay saad ni Dean.

"A-anong ibig mong sabihin?" takang-tanong naman ni Micah.

"Oo Micah. Alam kong marunong ka sa martial arts. You saved me once right? At nong nabugbog ka, nakita ko ang huling sandali kung paano ka lumaban sa mga taong iyon. Kaya nga nagtataka ako sa sarili ko kung bakit hindi ka lumaban sa mga nangbubully sa iyo sa Elite U eh kaya mo naman." Mahabang saad ni Dean sa dalaga.

"Ayaw ko lang malantad ang kakayahan ko sa iba." Mahinang sagot naman ni Micah."K-kung alam mong lahat ng ito, bakit hindi mo kaagad sinabi?"

"Dahil naghihintay lang ako na ikaw ang magtapat sa akin.At kahit ano pa yang nakaraan mo, kahit murderer ka pa, wala akong pakialam. Ikaw ang buhay ko Micah." Ani Dean na dahan-dahang niyakap ang dalaga.

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko Dean.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko." Naiiyak na saad ni Micah."Akala ko pag nalaman mong lahat tungkol sa akin, iiwanan mo lang ako Dean, subalit mali pala ako." Napahagulgul na sabi ni Micah.

"Shh...Babe I love you for who you are. And remember, you're my savior."ani Dean at niyakap ng mahigpit si Micah.

"Savior din naman kita eh." Ani Micah na yumakap na rin sa binata."Tika pano mo nalaman na ako ang tumulong sa iyo noon?"takang-tanong ni Micah.

"It's very simple. You're lovely smell Micah.Kaya nga pamilyar itong amoy mo eh." Pabulong na sabi ni Dean sa dalaga."So from now on,leave your past behind dahil sa atin na ang present at ang future. And before I forgot." Ani Dean at may kinuha sa bulsa ng pantalon nito.

"D-dean." Ani Micah sa binata.

"M-micah, kahit na hindi ito ang tamang panahon nais ko lang sabihin sa iyo na from this day onwards, hindi ko kakayaning mawalay sa piling mo. I always need you here in my side, I hate to see you get hurt and cry. Kahit hindi mo pa ako sinasagot sa-" ani Dean na naputol ang iba pang sasabihin dahil sa halik na ipinagkaloob ni Micah.

"Sinasagot na kita Dean. Noon pa man ay mahal na kita."

"T-talaga?Salamat babe at sinagot mo na ako." Masayang saad ni Dean dalaga bago nagpatuloy sa naudlot nitong sinabi. "So para maipapangako ko sayo na papasayahin kita hanggang sa huling hininga ng aking buhay, Micah my savior, the snatcher of my heart, will you marry me?" ani Dean na dahan-dahang lumuhod sa harapan ng dalaga.

"D-Dean." Ani Micah na napapaluha na naman.

"B-babe,I know it's too fast but I already found the girl I want to spend the rest of my life with. So again, will you marry me Micah Chaxie De-Guzman?Hindi naman sa pinipilit kita maaari ka rin naman magsabi ng n-" ani Dean na pinutol naman ni Micah ang iba pa niyang sasabihin.

"O-oo Deandre Sandoval. Magpapakasal ako sayo." Ani Micah at masayang tinanggapo ang sing-sing galing kay Dean at isang maalab na halik mula sa labi ng binata."At hindi ako napipilitan sa sagot ko."

Naisipan ng dalaga na huwag na munang intindihin ang mga bagay-bagay sa paligid niya. Tama si Dean, lahat ng nangyari sa buhay niya ay dapat ng ibaon sa nakaraan. Ang importante ay ang ngayon at bukas na magkasama silang dalawa.


My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate CollideWhere stories live. Discover now