Chapter 25

982 30 2
                                    

        'Shit! Bakit ba kinakabahan ako sa tuwing pupunta ako sa mansion ng mga Chua?' ani Dean sa sarili hanggang sa marating na niya ang mansion.

"Magandang gabi sir." maikling bungad ng gwardiya.

"Magandang gabi naman. Nandiyan ba si Micah?" tanong agad ni Dean.

"Yes po sir nasa loob po ng mansion." saad ng nakangiting gwardiya.

"Good. I'll just park my car here outside. Maaari mo bang pakitignan lang kasi hindi naman ako magtatagal sa loob." aniya rito at tinungo na ang mansion.

Bago pa narating ni Dean ang pintuan sa harap ng malaking bahay ay naaninag na niya ang anino ng dalaga sa may gawing kanan ng mansion kung saan sa pagkakaalam niya ay doon ang kwarto nito.

Insaktong kakatok na si Dean sa bahay ng bigla itong bumukas at iniluwa doon si Aling Meding.

"Oh Dean ikaw pala!Ginulat mo naman ako. Halika, pasok ka." Ani Aling Meding at pinapasok ang binata."Maupo ka muna. Si Micah ba ang sadya mo?" kapagdaka ay tanong ni Dean.

"Oho sana eh." Nahihiyang saad ng binata.

"Naku nandoon pa sa kwarto niya. Kanina pa nga iyon hindi lumalabas eh. Simula nong nakatanggap ng bulaklak galing sa iyo nagmukmok na sa kwarto niya." Napapalatak na saad ni Aling Meding."Mabuti pa siguro'y ikaw nalang ang kumatok sa kanya dahil may importate pa kasi akong lakad ngayon."

"Ah sige po." Ani Dean kay Aling Meding.

"Siya sige. Mauna na muna ako sa iyo Dean." Anito sa binata at dali-daling lumabas ng mansion.

Pagkaalis ni Aling Meding ay agad namang pinuntahan ni Dean ang kwarto ni Micah. Nang malapit na siya sa may pintuan ng kwarto, ay dahan-dahan siyang kumatok na agad namang binuksan ng dalaga. Marahil akala nito ay si Aling Meding lang o kawaksi nila ang kumakatok kung kaya't dali-dali nitong binuksan ang pintuan ng walang pag-aalinlangan. Nang ganap na lumabas si Micah ay agad itong siniil ng halik ni Dean na siya namang ikinagulat ng dalaga.

"T-teka! Anong ginagawa mo rito?" ani Micah sa gitna nang mga halik ng binata habang dahan-dahan siyang dinala ni Dean sa kama niya matapos maisara ang pinto.

"I really do miss you Micah. Even though I tried my best not to disturb nor visit you, hindi ko kaya. I'm confused what's happening on me baby." ani Dean na sinisiil parin ng halik ang dalaga.

Pilit man na nagpupumiglas ang dalaga sa yakap at halik ni Dean ay hindi parin niya malabanan ang pagnanais na halikan ito at mayakap. Kaya nagpaubaya nalang siya sa bawat galaw ni Dean. Naputol lang ang tagpong iyon ng may kumatok sa pintuan ng dalaga.

"Micah, apo? Nandiyan ka ba hija?" ani Don Manuel sa labas ng kwarto ng dalaga.

"Shit!" mahinang napamura si Dean.

"A-ah o-opo 'lo. Bakit po?" ani Micah at bumulong kay Dean. "Magtago ka dali!" anito at tumingin sa kama niya. "Sa ilalim ng kama ko baka kasya ka doon!" aniya at lumapit agad sa may pintuan para pagbuksan ang lolo.

"Ang tangkad ko kaya! Paano ako magkakasya diyan?" ani Dean na naguguluhan na rin sa pangyayari.

"Basta magtago kana!" ulit ni Micah at dahan-dahang pinagbuksan ang lolo niya nang makita niyang pilit na gumagapang si Dean sa ilalim nang kanyang kama. "'Lo! M-may kailangan po kayo?" ani Micah kay Don Manuel.

"Oh bakit parang nakakakita ka nang multo apo? Namumutla ka kasi - may sakit ka ba?" ani Don Manuel sa apo na napasilip sa loob ng kwarto ng dalaga.

"H-hindi, okay lang po ako.May kailangan po ba kayo 'lo?" pag-uulit na tanong ni Micah.

"Ah oo. Nais ko lang sabihin na salamat dahil pumayag ka na mag-aral ulit." nakangiting tanong ni Don Manuel kay Micah.

"Salamat din po 'lo." mahinang sagot niya sa matanda.

"Bueno, hindi na kita iistorbohin pa. Aalis lang muna ako dahil may kakausapin pa akong tao." anito bago tinalikuran ang dalaga.

Nang masiguro ni Micah na wala na si Don Manuel ay saka niya kinapa si Dean sa ilalim ng kama niya. "Lumabas kana diyan. Nasaan ka ba?" aniya rito.

"Hindi ako makalabas. Kunin mong kamay ko." ani Dean mula sa ilalim ng kama.

"Nasaan banda?" tanong ng dalaga.

"Sa may paanan mo. Nakikita kong mga paa mo." ani Dean.

Dali-dali namang inabot ni Micah ang mga kamay ng may makapa siyang iba. "Bastos! Bahala ka sa buhay mo!" galit na saad ni Micah at iniwan si Dean sa ilalim ng kama habang tumatawa ito. Hindi naman nahirapan ang binata sa paglabas mula sa ilalim ng kama kaya alam ni Micah na pinaglalaruan lang siya nito.

"Bastos ka talaga! Manyak!" ani Micah at sinugod ng suntok ang binata.

"Hey!Hey! Ito lang naman yong nahawakan mo oh!" ani Dean at ipinakita ang isang stuffed toy na may hawak na prutas."Saka papano naman ako naging bastos? Ikaw talaga ha mukhang iba na yang iniisip mo." panunukso ni Dean sa namumulang si Micah.

"Tse! Lumayas ka nga!" pagtataboy niya sa binata.

"Not until I do this." at pagkasabi niyon ay siniil ulit ng mainit na halik si Micah. Muli na namang nalunod ang dalaga sa bisig ng binata hanggang sa putulin na ni Dean ang mainit na halik na iyon.

"Know what? Sometimes I could tell na you like me - a lot." ani Dean na may diin sa huling mga kataga.

"Feel mo lang yon! Pwede ba umalis kana!" pagtataboy ulit ni Micah dito.

"Totoo bang mag-aaral ka na?" ani Dean na biglang sumeryuso ang mukha. "Saan naman?" dugtong nito na humiga sa kama ng dalaga.

"Oy, bakit ka humiga diyan?" ani Micah at pilit na hinihila patayo ang binata na siya namang paghila ni Dean para mapunta ang dalaga sa bisig niya.

"I like your smell Micah. Very feminine." anito nang maglapat ang kanilang mga katawan. "Now tell me, saan ka mag-aaral? At kelan?" kapagkuan ay tanong niya sa dalaga.

"S-sa Elite De-Chua University." mahinang tugon ni Micah."A-at sa susunod na lunes ay pasukan na."

"Okay. Good thing na mag-aaral ka na. But please keep these things in mind." ani Dean at hinagkan si Micah ng ilang segundo sa labi nito bago nagsalita. "Off limits ka sa mga lalaki. Meaning, no suitors allowed, dapat lahat ng gagawin mo ay alam ko. No buts no ifs just do it." seryosong tugon niya rito bago dahan-dahang pinakawalan ang dalaga.

"At sino ka para pagsabihan ako ng ganyan?At ano ba kita? Wala kang karapatan okay!" galit na saad ni Micah sa binata. 'Akala ata ng lalaking ito eh alipin niya ako!' himutok niya sa sarili.

"I have the right of course darling." ani Dean at dahan-dahang lumapit sa dalaga. "Remember at the party? What did I told you? Simula sa araw na iyon ay pag-aari na kita Micah kaya walang kahit na sinong lalaki ang pupwedeng magmamay-ari sa iyo." pagkatapos ay hinalikan niya ulit nang maparusang halik ang mga labi ng dalaga. "I know you like me too Micah - it's damned obvious with your actions. Laters baby." at bigla nalang itong lumabas sa kwarto ng dalaga.

Naiwang napapailing nalang naiwan ang dalaga sa loob ng kwarto niya.

My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon