One Shot VII- Gasolinahan sa gubat

242 5 0
                                    

Gasolinahan sa gubat


"Kuya, kuya! May pupuntahan po ako mamaya, sa school po mamayang gabi at kailangan ng parents dun dahil e sasayaw namin. Punta ka!" Sabi ni Tresty. Ang bunso ni Julio.

"O, sige. Magligo ka muna bago ka magbihis, tatawagin ko muna si Ate Heriya mo para ayusin ka ha?" Sabi ni Julio.

"Sige po kuya!" Sabi ni Tresty at tsaka na siya pumunta sa banyo para magshower. Dalawa silang magkakapatid, si Julio ang panganay at si Tresty ang bunso. May mga magulang sila ngunit busy sa trabaho kaya si Julio na lang ang nag-aalaga sa kapatid niya. Mapagmahal ito at maalagain sa kapatid niya.

"Hello, Heriya? Oo pumunta ka dito at ayusin mo si Tresty dahil may pupuntahan daw kami."

[Sige Julio, papunta na!]

"Sige salamat!"

Nang makahanda na silang lahat. Sumakay na si Tresty sa kotse at tsaka na din si Julio. Umalis na si Heriya dahil may part-time job pa siyang pupuntahan.

"Kuya, tara na!" Sabi ni Tresty at tsaka na inandar ni Julio ang kotse. Pero ilang saglit lang, may tumawag sa phone si Julio. Kaya napahinto niya ang kotse at sinagot yung tawag.

"Hello, ma?"

[Hello anak? San kayo pupunta? I heard na may lalakarin daw kayo ng kapatid mo.]

"We're just going to a party."

[Party? At kasama mo ang kapatid mo? Ano ba ang pumasok sa utak mo ha?]

"Ma, it's her party. Not mine, Im just attending there party kaysa sa wala. Eh busy kayo dyan sa kabit niyo eh."

[ O siya-siya, sige na. Yung kapatid mo ah? Asekasuhin mo.]

Call ended.

"Sige na baby, aalis na tayo?" Sabi ni Julio at tsaka na lang tumango-tango si Tresty na may ngiti.

"Sige tara." at tsaka na inandar ni Julio ang kotse.

**********

"Push me off the road, the sadness, I need this time to be with you. Im freezing in the sun. I'm burning in the rain
The silence
I'm screaming,
Calling out your name

And i do reside in your light
that put up the fire with me and find
Yeah you'll lose the side of your circles
That's what i'll do if we say goodbye

To be is all i gotta be
And all that i see
And all that i need this time
To me the life you gave me
The day you said goodnight."

Habang kumakanta ang magkakapatid ng masaya. Di nila akalaing may paparating na dump truck sa kanilang lane pero nakaiwas naman si Julio.

"Hoo! Kuya ang lapit na nun ah?" Sabi ni Tresty at tsaka nagpapahid-pahid sa kanyang noo.

"Oo nga baby eh, kung makikita ko yun sa susunod. Lagot yun sa akin." Sabi ni Julio at tsaka sila nagtawanan. Ilang saglit pa ay napatay sindi-sindi yung kotse at tsaka nanghihina.

"Kuya, anong nangyayari?" Tanong ni Tresty.

"Baby, wala na tayong gas.."

"Ano? Eh nasa kalagitnaan tayo ng kalsadang puno ng gubat eh."

"Pano nato?"

"Pano nato kuya??"

"Tara baby, hahanap tayo ng gasulinahan. Baka andito lang yun sa malapit." Sabi ni Julio kaya bumaba na sila at tsaka umalis para maghanap ng gasulinahan. Pero sa isang hakbang palang. May nakita na silang gasolinahan. Sa loob ng gubat.

Ang Kababalaghang Istorya Where stories live. Discover now